patapos na ang buwan... ramdam ko pa rin ang epekto ng hindi pagbabayad sa akin nung kumpanyang pinanggalingan ko, pinagsilbihan ng halos anim na taon at basta na lang ako iniwan sa ere pagkatapos kong maghintay ng oportunidad ng pagsulong sa loob nang mahigit dalawang taon. at nang dumating na nga ang pagkakataong dapat na akong magdesisyon, hindi man lang halos matanggap ang pag-alis ko kaya marahil bokya ang naiuwi ko mula roon. anyhoo... sayang naman ang nasimulan kong "2011 positivity" kung magmumukmok lang ako eh sa pagmumukmok ko, hindi naman madadagdagan magkakaroon ng laman ang pitaka ko.
mabuti na lang, happy happy joy joy ang dinadatnan ko lagi sa bahay... at kung lalabas man kami para mag family day/bonding, kahit walang pera, ayos na ayos na!
magbi-birthday na si wifey sa Wednesday. at dahil sa-id ang bank account(s) namin, simple lang ang regalo ko sa kaniya:
1. (isang bagay na ayaw niyang ipasabi in public)
2. isang damit pantulog
3. isang __________ (sikreto pa ito.. sana di muna sya magbasa ng blog ko)
4. at ang aking sarili nang buong-buo.
...yun lang. pagkatapos ng birthday niya, ilang mga araw lang, si little girl naman ang magbi-birthday. sa gulang na dalawa, marami-rami na syang alam gawin. minsan ikinagugulat namin. syempre ayokong masyadong maging hambog sa mga nalalaman na ng anak ko dahil baka sabihin eh masyadong self-serving dahil nga naman magulang ako. isa lang ang masasabi ko... i'm surely a proud dad! eto ang ilan sa latest pics nya... hindi ko mai-post yung first pedal nya sa bike at yung pagsabay nya sa kanta ng Hi-5 kase malaki raw ang file kaya file upload unsucessful... eto na lang muna:
[caption id="attachment_2132" align="alignnone" width="300" caption="ang masayahin naming anak, nag-iisa lang yan... buong buhay ko ibibigay ko alang-alang sa kaniya"]
[/caption]
[caption id="attachment_2133" align="alignnone" width="300" caption="hahabol pa ba tayo sa summer, anak? tag-ulan na!"]
[/caption]
[caption id="attachment_2134" align="alignnone" width="300" caption="eating and sleeping. My Little Girl\'s Got Talent! woot! woot!"]
[/caption]
Monday, May 30, 2011
what's up, kulisap?
story told by
aajao
at
6:44 pm
Labels: family, lighter side of life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


cute family...lapit na din ako magkaron nyan! kala mo ah!
ReplyDeletemaligayang bati kay wifey!!!
ReplyDeletekelan daw ibibigay ng ex-company mo ang pinaghirapan mong salary? ang sabi sa akin, after 2 weeks daw ng last working day ko makukuha yung last pay ko dito
ReplyDeletewow, looks like u have a happy family., = )
ReplyDeleteur little angel is so cute and ur wifey is beautiful too.
to sum it up, i'll rephrase my first line here...
'lools like u hav a happy-beautiful family' = )
thank you @xion.. welcome to my blog :)
ReplyDelete@jawee.. wala na. wala na kong aasahan dun.
@gibo.. thank you! kelan na ang swap of goods natin? :D
@dom.. thank you! looking forward ako dyan, go, go, go! :D