Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio OsmeƱa ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.
Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.
Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.
(mula sa fil.wikifilipinas.org)
isa sa mga asignatura (subjects) na nakahiligan kong pagtuunan ng pansin noong ako'y nag-aaral pa ay ang (P)Filipino. Dito ay matamang itinuturo ang wikang Filipino, ang bumubuo rito, at kung paano ito tamang isulat o sabihin. Walang gaanong pinag-iba rito ang subject na English o Language na kung saan dito ay ipinakilala sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng noun, verb, adjective, adverb, mga uri nito at subject-verb agreement at iba pa na may kinalaman sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sa Filipino ay matututunan ng isang estudyante na maling baybayin na p-a-n-g-a-l-a-n ang noun dahil ang tamang baybay nito ay p-a-n-g-n-g-a-l-a-n. Sa Filipinos subject ko rin natutunan na may tatlong uri ang panlapi (affix) at ito ay ang unlapi (prefrix), gitlapi (infix), at hulapi (suffix). Ang mga panlaping ito ay karaniwang ikinakabit sa isang salitang-ugat (rootword). dito ko rin natutunan at naisaulo na sa salitang nagtatapos sa mga titik na da-la-ra-sa-ta (d, l, r, s, t), titik "n" ang dapat na huling letra sa unlapi na ikakabit sa salitang-ugat:
*Nakakita ako sa mall ng magandang polo-barong na (pang-, pan-, pam-) lalaki.
*Kapag magwawalis ka sa labas ng bahay, mabuting may hawak ka rin na (pang-, pan-, pam-) dakot.
*Magluluto si lola ng sinigang kaya ibibili ko siya ng (pang-, pan-, pam-) sahog.
mas madali naman tandaan kung kailan ikakabit ang unlapi na nagtatapos sa titik "m"... ito ay kung susundan ng salitang-ugat na nagsisimula sa (dalawang titik lamang) "b" o "p":
pam-babae
pam-pasada
at sa mga letrang hindi nabanggit, kabilang ang limang patinig (vowels), doon naman gagamitin ang unlapi na nagtatapos sa "ng":
pang-kulay
pang-ehersisyo
pang-akit
Bagama't maraming wika ang bumubuo sa kabuuan ng wikang Filipino, Tagalog ang karaniwang pinagkakamaliang opisyal na wikang Filipino. Sa pagkakaalam ko, anumang wika na mula sa mga lalawigan ng Pilipinas ay maituturing na wikang Filipino. at hindi lang ito iisa. batay dito, mahigit isandaan ang mga ito.
Ano nga ba ang kinalaman ng pagkilala natin sa wikang Filipino, lalo na sa panahon ngayon na tunog-amerikano na ang kasalukuyang henerasyon na pinagyaman pa ng nag-usbungang call center industries at english online tutorial jobs sa bansa?
para sa iyo, ano ba ang halaga ng pagkilala natin sa sarili nating wika? nakakalungkot kaseng isipin minsan na itinuturing na "bobo" ang mas sanay sa wikang Filipino kaysa Ingles. hindi ba mas katawa-tawa na isa kang Pilipino at mas alam mo pa ang wikang banyaga kaysa sarili mong wika?



.jpg)
.jpg)
.jpg)



