Monday, September 26, 2011

Huling Hantungan - Dokyu Ni Cesar Apolinario

nitong mga nagdaang araw, andami kong kakilala online na nabalitaan kong pumanaw na. una, isang (sikat) na blogger ang una kong nabalitaang namatay sa pamamagitan ng mobile twitter update. hindi agad nag-sink-in sa akin yung balita kase medyo agaw-antok na ako nung gabing iyon. kinabukasan ko muling nakumpirma ang balita.

sa paborito kong online community na tambayan, ginulat ang isang forum sa balitang pumanaw na ang isang aktibong miyembro. ilang araw lang pagkalipas nito, sa parehong forum, nabalita namang pumanaw ang anak ng isang aktibo ring miyembro. lahat ng balita, nangyari lang sa loob ng dalawang linggo.

noong Huwebes, ibinalita sa kongregasyon ng church officers sa aming lokal ang pagpanaw ng isang kapamatok sa tungkulin. at sa mga sandaling ito ay narito kami sa bahay ng pamilya para makiramay sa mga naulila ng padre de pamilya.

sa mga ganitong pagkakataon muli kong naiisip... ang rupok ng buhay.

isang dokyu ang ginawa ng isa sa mga paborito kong GMA reporter, si Cesar Apolinario, tungkol sa buhay...at kamatayan.

isa raw sa pinakamahirap na yugto sa buhay ng isang magulang ay ang mamatayan ng anak. hindi ko pa ito nararanasan at ayaw kong maranasan pero kung darating ang pagkakataon, wala tayong magagawa kundi tanggapin ito. bahagi ng dokyu ang kwento ni Lola Regina--- isa sa mga kwento ng magulang na namatayan ng anak. Hindi madali at puno ng hinagpis... dito naalala ko ang sinapit ni Edmund--- yung kaibigan kong forumer na binanggit ko sa itaas na namatayan ng anak. ganun kahirap ang damdamin ng isang magulang na inulila ng supling.

ang buhay ay maihahalintulad daw sa isang prusisyon.
mahaba man o maikli ang paglalakbay, lahat tayo ay tiyak na makararating sa ating patutunguhan.
at kung hindi pa man datnan ng ikalawang pagparito ng Tagapagligtas,
dito sa lupa, tiyak tayo'y makararating sa huling hantungan...


GMANews.TV

i-Witness: Huling Hantungan.

at 'ika nga ng opening quote ng dokyu:

"Death does not inform, it will come like a thief in the night, it sneaks in you won't notice... until your last gasp..." - Huling Hantungan, Dokyu ni Cesar Apolinario

Friday, September 23, 2011

what's with menor de edad nowadays?

some recent news are really alarming. a couple of days ago, a shooting incident happened in a big mall in San Fernando, Pampanga. the people involved in the shooting incident--- a 13-year old boy and a 16-year old boy. what's more complicated with the story, the two are allegedly 'lovers.' its a very complex story, unfit for (very) young teenagers such as the two. to add complexity to the story, initial investigation on the case reveals that it was the 13-year old boy who shot his companion, then killed himself with the same gun. love triangle was said to be the root of the conflict.

another alarming story, in Pangasinan, a 4th year high school student killed his schoolmate, a 3rd year high school student using a balisong (folding pocket knife). the two were said to be arguing which led to the death of the other student. it happened within the school premises.

another story which is more disturbing, a 12-year old boy in Sta. Mesa Manila is wanted for sexually molesting a 3-year old girl. the poor little girl managed to tell her mom about the abuse that their 12-year old boy neighbor was doing. when the authorities tried to reach the suspect in their home, his (sick) dad refused to cooperate with the authorities and told the police that they sent his son elsewhere because of the alleged 'trauma' he's experiencing due to family problems. just how sick is that?

---------------------
sadly, it is contrast with the words of the country's national hero...



"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." - Dr. Jose P. Rizal

Tuesday, September 13, 2011

Si Lolong at ang Filipino Pride

hanggang sa sandaling sinusulat ko ito, hindi pa rin daw kumakain si Lolong. so far, siya ang pinakamalaking buwaya na nahuhuli dito sa Pilipinas... sa Agusan Marsh para sa mas eksaktong lugar. ang sitwasyon ni Lolong sa ngayon at ang sitwasyon ng mga residente sa brgy. nueva era sa bunawan ay magkaiba at hindi mapagtatagpo. nais ng mga residente at ng lokal na pamahalaang nangangalaga sa kanila na mahuli ang malalaking buwaya sa lugar at magkaroon ng sariling kulungan na maaari ring pakinabangan bilang pang-akit sa mga turista. pero ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals), hindi sang-ayon sa pagkukulong sa mga buwaya. ipinaliwanag ng grupo na kailangang mamuhay sa kanilang natural habitat ang mga buwaya dahil ang pagkulong sa mga ito ay makapagdudulot ng depresyon na maaaring makasira sa normal behavior ng nasabing hayop.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

pero ang mga residente, maging ang alkalde ng Bunawan, ikina-inis ang panawagang ito ng PETA. mas delikado raw sa mga residente kung pakakawalan ang buwaya at ibalik ito sa ilog.

parehong may punto ang magkabilang panig. pero sa kasalukuyang sitwasyon, ang nagdurusa... si Lolong.

3rd runner-up ang pambato ng Pilipinas para sa 2011 Miss Universe pageant. sabay kaming nanood ni wifey ng delayed telecast ng ABS CBN (sori naman wala kaming cable TV) pero mas tutok kami sa twitter updates kung saan mas mabilis na nalalaman ang resulta. hindi man napanalunan ni Shamcey Supsup ang korona, pinatunayan naman niya na hindi lang gandang panlabas ang pwedeng ipanlaban ng mga Pilipino. Matalino ang naging pagsagot ni Shamcey sa tanong na natapat sa kaniya. Sa sagot niya, ipinakita niya kung gaano kalaki ang values niya bilang isang tao at ang paninindigan sa prinsipyo ang nangibabaw sa kabila ng modernong panahon. hindi man matanggap ng ilan ang naging kasagutan niya, ako, bilib ako sa values nya. at dahil malayo rin ang narating niya sa prestihiyosong pageant, nais ko lang ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa isa na naman nating "Filipino pride"... Congratulations, Binibining Shamcey Supsup, 2011 Miss Universe 3rd Runner-Up!

Wednesday, September 07, 2011

memories of autumn

[caption id="attachment_2274" align="alignleft" width="300" caption="autumn 2003 in Mississauga"][/caption] this is one of my most treasured memories of the season fall (autumn) when i visited Canada almost a decade ago. nature was such a beauty--- maple trees turn very colorful and leaves fall everywhere. it's that time of the year when you bring out and wear clothes that will shield you from the freezing wind. it's also probably the most windy time of the year. skies may be sunny but the breeze of air is chilly. it's when you anticipate the first snow fall when the season is ending. it's when cups of coffee come in handy. it's when taking time out with coffee buddies are pleasant times. autumn is a good time for nature-tripping. it's when nature is at its beauty and is enticing for self-reflection. autumn lets you appreciate GOD's creation, and at the same time be amazed of its wonders. the season prepares you for winter and when it's done, you wish for the year to come and experience autumn again. since then, i've become to love autumn. too bad, we don't have it here in Manila. and it makes me wanna come back to where i first experienced the season... this time, with my two girls. :)

Friday, September 02, 2011

pogi points ni Pnoy

Gusto kong bigyan ng credit ang pangulo ng bansa natin. Sa kaniyang mga trip abroad, dalawa ang tumatak sa isip ko: una, ang secret meeting niya sa Japan para kausapin ang pamunuan ng MILF; at pangalawa, itong kasalukuyang pagpunta nya sa China para harapin si Chinese President Hu Jintao. Sa dalawang pagbiyahe na iyan ng pangulo, gusto kong kalimutan ang mga lapses na tumatak sa isipan ng maraming Pilipino kaugnay ng Manila bus hostage-taking at iba pa na sa tingin ng mga kababayan natin, magaang pag-trato ni Pnoy sa ilang mabigat at seryosong isyu.

Ang pakikipag-usap niya sa leader ng MILF ay isang malaking hakbang para muling buhayin ang usapang pang-kapayapaan sa Mindanao, at maipaabot sa gobyerno ang tinig ng mga kababayan nating naroon, at gayundin naman ang hiling ng gobyerno para sa mga nasa Mindanao.

Mas matapang na hakbang naman ang ginawa ni Pangulong Aquino sa pagtulak niya sa China--- sa gitna ng mainit na usapin sa agawan sa Spratlys at ang patuloy na paghingi ng hustisya ng mga nawalan noong hostage-crisis sa Maynila. Sa pakikipag-pulong niya sa leader ng China, kasama ng ilang mamumuhunan, inaasahan na muling pasisiglahin ang negosyo ng China sa Pilipinas, na pakikinabangan din natin. Higit dito, ang muling pagdugtungin ang relasyon ng dalawang bansa patungkol sa usapin sa Spratlys.

Ang inalok ni Pnoy na katapatan sa sambayanan noong nangangampanya siya para sa eleksyon, nararamdaman ko sa kaniya ngayon. At kahit paunti na nang paunti ang buhok ng ating iginagalang na pangulo, pumogi naman siya sa malalaking hakbang na ginawa niya.

Related Posts with Thumbnails