Sa unang labas ng aking kolum sa Tinig dot com, tinalakay ko ang ukol sa pagdiriwang at ilang kaugalian ng mga Pilipino sa pagsapit ng Bagong Taon. Bukas po ang kolum para sa inyong mga comments. :)
Friday, January 28, 2011
Wednesday, December 29, 2010
Manyaman 27-122010
Ang ika-apat na labas ng panulat ko sa Manyaman, tinalakay ko ang sampu sa maraming dahilan kung bakit masarap maging Pilipino. Maaaring hindi sumang-ayon sa lahat ang ilang mga kababayan natin pero para sa akin, ang sampung nabanggit ay ilan lang sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon pa tayo ng inspirasyon para ipagmalaki ang ating lahi.
kayo, may maidaragdag pa ba kayo sa sampung nabanggit ko na sa kolum? :)
story told by
aajao
at
9:42 pm
0
feedback
Labels: tinig
Sunday, November 28, 2010
Manyaman 27-112010
Sa ikatlong lathala ng aking kolum na Manyaman, isinaysay ko ang pananaw ko ukol sa "pagbebenta" ng turismo sa bansa. kaugnay ito ng mainit-init pang usapin ukol sa pagpapalit ng slogan ng Department of Tourism mula sa "WOW! Philippines" na ngayon ay tinagurian nang "Pilipinas, Kay Ganda!"
Sana po ay mabasa ninyo ang kolum ko at malaya pong mag-comment doon na may kaugnayan sa nabanggit na paksa.
Ang aking kolum ay nailalathala sa tinig dot com tuwing ika-27 araw ng bawat buwan. :)
story told by
aajao
at
7:11 am
0
feedback
Labels: tinig
Thursday, October 28, 2010
Manyaman 27-102010
naka-publish na po ang pangalawang panulat ko sa kolum na Manyaman, sa e-zine na tinig dot com.
sa pangalawang labas ng aking kolum, tinalakay ko rito ang isa sa nagpapasarap sa pagiging Pilipino: ang pagiging masayahin ng mga Pinoy kahit nasa gitna ng iba't-ibang suliraning panlipunan. nawa po ay inyong masilip ang aking kolum at kung may nais po kayong talakayin natin ukol sa positibong mga bagay ng ating lahi, mangyari lamang na ipagbigay-alam ninyo sa akin. salamat po! ;)
story told by
aajao
at
7:22 pm
2
feedback
Monday, September 27, 2010
Manyaman 27-092010
nai-publish na ngayong araw na ito ang kauna-unahan kong kolum, ang Manyaman, sa e-zine na tinig dot com. isang karangalan para sa akin ang mabigyan ng pagkakataong sumulat buwan-buwan sa nabanggit na website at paraan rin ito para maibalik ko ang dati ko nang hilig sa pagsusulat. mabibiyan din nito ng pagkakataon na maipahayag ko ang mga positibong saloobin ko ukol sa kagandahan ng bansang Pilipinas at ng lahing Pilipino. ako na ang pumili ng tema na isusulat ko at umaasa ako na magiging maganda ang hinaharap ng kolum kong ito.
salamat sa aking kaibigan na si Ederic Eder, ang patnugot ng tinig dot com, na siyang nagbigay-daan para ako'y sumulat ng kolum dito.
kung may nais kayong matalakay ukol sa temang nabanggit, pwede nyo po akong i-email o kaya ay mag-iwan ng comment dito o kaya sa kolum ko sa tinig. salamat po! :D
story told by
aajao
at
9:51 pm
9
feedback

