Showing posts with label Taas-Noo Pilipino. Show all posts
Showing posts with label Taas-Noo Pilipino. Show all posts

Friday, April 17, 2020

Give Back As Long As You Have

I got the chance to go out again today to get us some grocery items and drinking water refill from the nearby subdivision.  My family and I are just thankful for our LGU who tirelessly fulfill their duties doing house to house to give food packs.  Even the help from church hasn't ceased. Households are being rationed with food packs weekly and for that we are very grateful.

So, time to give back.  For as long as you have something to give, why not? There are people who need them, while some will appreciate the little things you do for them in return of the things they do for you and the community where they are in.  Front liners. There are many of them. Most common are the medical practitioners who battle the dreaded disease in the hospitals. While many also are the "back end" people who support these hard working people. Some are manning the streets to ensure orderliness while the ECQ is in effect. In your own little way, it feels big time to help some of these people. Where it is feasible, when the chance is there. Go ahead, give back as long as you have something to share.


Take care everyone and we all hope we #flattenthecurve soonest so please, STAY AT HOME and save lives! :)

Sunday, April 05, 2020

A Little Help Means A Lot

Went out today to get us water refill and look for something else to eat. Bought wifey a mixed sushi take home and one kani salad.  On my way home, I chanced upon Minute Burger open for business. I grabbed the chance to get 2 burger orders and get three bottled water--- ice-cold! Perfect for the three persons manning the checkpoint in our area.  "Sharing is caring."



Just a small thing but hoping that it will be a big help to them already, specially the ice-cold bottled water. Summer is here, let's flatten the curve! #COVID-19

Wednesday, September 30, 2015

Heneral Luna 2015

Isang linggo na ang nakakalipas nang mapanood ko sa sinehan ang pelikulang mula kay Jerrold Tarog--- ang Heneral Luna.  Nabanggit ko sa isang komento sa isang social networking site na nainis ako pagkapatos mapanood ang pelikula.   

Hindi na ako makikisawsaw sa isyu na tila naging highlight ng pagpapalabas nito:  ang tinanong ng isang estudyante (at naging komento ng napakaraming sumakay sa isyu) ukol sa hindi pagtayo ng karakter ni Apolinario Mabini sa buong kahabaan ng pelikula.

Inaamin ko na hindi rin ako gaanong maalam sa kasaysayan ng Pilipinas.  Kung mayroon man sa napakaraming pakikipaglaban natin sa kalayaan ang pinaka-tumatak sa isipan ko na itinuro sa akin sa paaralan, ito na sigurado ang mga panahon nina Gat. Jose Rizal at Andres Bonifacio--- ang huli bilang nakapanig sa mas mabilis at mas maingay na kilusan habang ang una ay pinili ang mas tahimik na paghihimagsik laban sa mga dayuhan.

Si Heneral Antonio Luna ay mas nakilala ko lamang ngayong napanood ko ang pelikula.  Sa likod ng pangalan na nababasa ko lang sa mga aklat-kasaysayan noon, tulad nina Apolinario Mabini, mas napakilala ng pelikula ang karakter at paninindigan ng mga bayani noong panahon ng unang republika ng Pilipinas.  At hindi lang mga bayani ang nailantad ng kwentong ito kundi maging ang mga maituturing nating "nagtaksil" sa inang bayan.  

Maganda ang produksyon sa kabuuan.  Hindi nakakabagot, hindi nakakainip.  Sa sarili ko lang na pananaw, mas epektibo marahil na naitawid ang mensahe kung hindi gaanong nahaluan ng 'komedya' ang pagsasakatuparan ng pelikula.  Marahil ay pilyo lang talaga ang bayaning heneral pero obserbasyon ko sa mga kasabay kong nanood (na karamihan ay mag-aaral), tila naaagaw ang atensyon nila ng parteng nagpapatawa kaysa malalim na mensahe na dapat itawid sa mga manonood. Hindi na rin ako magpapaka-teknikal.  Para sa akin, sapat nang naipakita ang mga "dugo" na dumanak maging ang ilang ulo na "sumabog" para mailarawan kung gaano ka-grabe ang sitwasyon sa panahon ng gera.  Hindi na mahalaga kung gaano ito ka-natural kapag nakita o sinuring mabuti.

Sa pelikula ay hinangaan ko nang lubusan ang paninindigan ni Heneral Luna.  Kung paano niya sinasagupa nang buong tapang ang bulok na sistema ng kasalukuyang gobyerno ng bansa.  Kung gaano kasigasig niyang nilalabanan ang makasariling ugali at pagkakani-kaniya ng mga Pilipino na silang dapat unang nagkakaisa para sa kapakanan ng sariling bayan.

Ito ang dahilan kung bakit ako nainis pagkatapos mapanood ang produksyon--- dahil ang sakit nating mga Pilipino mula pa noong unang republika (o marahil mas nauna pang panahon) ay siyang sakit pa rin natin ngayon at tila mas lalo pang lumala.  Ano nga ba ang magtutulak sa atin para ganap na maisulong ang kapakanan ng buong bansa natin at hindi tayo magkani-kaniya?  "Negosyo o kalayaan?  Bayan o sarili?"--- ang mga katanungang hindi madaling sagutin ng karamihan sa ating mga Pilipino.  Marahil madaling sabihin ang pipiliin pero ibang usapan na naman kung ito ay gagawin na.  Sa ganitong mga pelikula ay pansamantalang napupukaw ang damdamin nating makabayan pero paano natin pananatilihin ang alab ng damdaming ito hanggang sa makamit na nga natin ang isinisigaw ng alab na iyon sa kalooban natin?  Madaling mag-isip.  Madaling mangarap.  Pero gaano nga ba kahirap isakatuparan ang pangarap natin bilang isang lahi at isang bansa?

- - - - - - - - - - - -

Mga linyang tumatak sa isipan ko mula sa pelikulang Heneral Luna:

"May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano--- ang ating sarili."

"Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ng kalaban, kalaban ng kakampi? Nakakapagod."

Friday, July 25, 2014

Jollibee Superstar

Finally got home from probably the worst traffic day of the month.  My trip from the office to LRT station in V. Mapa which usually just takes around 10 to 15 minutes took an hour of my commute time due to heavy traffic.  Road construction, a little rain shower and a payday weekend should be credited to this traffic jam.  Anyway, before riding that dreadful jeepney trip, I decided to dine in Jollibee-Kalentong and order my favorite burger steak meal and pineapple juice.  Yeah, my dinner.  A few minutes after sitting down at my dining table, a child cheerfully pointed leading to the stairs beside  me... "Si Hetty!" the child happily shouted.  Hetty just waived at the crowd downstairs then went directly to the kitchen/dressing room.  Just behind Hetty is superstar Jollibee.  Yup, I still got star-struck with the jolly bee!  And this bee (in the said branch) might have reserved a whole lot of energy that even after his performance in the birthday party upstairs, he still managed to "entertain" his customers in our dining floor.  He actually rounded all the tables and "entertained" his customers.  A lot took the photo opportunity with him.

took a stolen shot of Jollibee whil he's following up a customer's order over the counter

Jollibee wittingly posed upon seeing me taking a photo of him. Gumalaw tuloy kamay ko, haha.

Not caught in the photo is the actual "pagmamano" of Jollibee to these elders.  Mabuting Pilipino ang bubuyog na ito. ;)

I refer to Jollibee as "he/him/his."  Tama kaya ito o dapat "it" na lang ginamit ko?  :P

Thursday, June 13, 2013

Maligayang ika-115 Kaarawan ng ating Kalayaan!

Hindi ako movie buff. Kung may papanoorin man ako sa wide screen, sisiguraduhin kong gustung-gusto ko itong panoorin kahit pa hindi ito ang pinaka-pinag-uusapang palabas. otherwise, aabangan ko na lang sa dvd.

kung ako ang tatanungin, mas nawiwili akong panoorin ang ilang indie films kaysa mainstream. lower budget, lesser known artists, but well-thought-of stories. panalo pag socially-related ang plot ng kwento--- sumasalamin sa totoong buhay ng lipunan. hindi man ikaw yung artista, ramdam mo na bahagi ka nito.

hindi ako nabigo na makita muli ito sa isang pelikula. kwento sa isang lugar, ang katotohanan ng sistemang lumalamon dito, ang pagpupunyagi ng ilang nilalang na mabago ang bulok na sistema, at ang pag-asa na pilit iniilawan sa loob ng madilim na kinalalagyan. sa lugar na kung hindi ka marunong makisayaw sa uso, nanaisin mo na lang mawala. pero dahil sa determinasyon ng mga tao na baguhin ang indak ng karaniwang tagpo sa looban, pilit na igigiling ang pagod nang katawan sa saliw ng bagong musika.

totoo ang kasabihan: "habang may buhay, may pag-asa."

ito ang kwento ng mga taong biktima ng bulok na sistema, ngunit dahil sa katatagan ay umasa at nagkaisang isayaw ang pagbabago para MAKALAYA sa lugar na kinikilala nilang "impyerno."

[caption id="attachment_3032" align="alignnone" width="375"]Starring: Patrick Bergin, Dingdong Dantes, Joey Paras, Ricky Davao Starring: Patrick Bergin, Dingdong Dantes, Joey Paras, Ricky Davao[/caption]

[caption id="attachment_3033" align="alignnone" width="300"]Portfolio Films - Dance of the Steelbars - Showing JUNE 12, 2013 in SM Cinemas, Metro Manila - Directed by Marnie Manicad & Cesar Apolinario Portfolio Films - Dance of the Steelbars - Showing JUNE 12, 2013 in SM Cinemas, Metro Manila - Directed by Marnie Manicad & Cesar Apolinario[/caption]


side note: ang effective lang ng character ni Gabe Mercado. sa husay nyang mag-portray ng role, nakakainis talaga sya sa pelikula.

Monday, February 25, 2013

updatesss...

so much for the daily updates... i really can't commit to the daily blog update. getting the context of a famous verse, it says "the spirit is willing but the flesh is weak." it's my 2nd failed attempt to update daily, first one was in 2011 when i launched my own 365 days project. then this one (for this year, actually). well, a lot of things happened and most of them occupied my time. it's either i'm too tired to update after a day's work or i just wanted to allot my time to my two girls when i get home from work.

1. ate B was confined in the hospital for some days. all of us, her family, relatives & friends, were all waiting for an update from my brother in law's FB status saying "Just experienced calling 911." the status was just left as is for almost a day and people started worrying what happened to them. so it was my sister. she had abdominal pains after arriving to work and the pain was too much for her to take already. they called 911 and we all waited for the results. after a day, my sister already commented and updated us through an FB comment: "from inflammed apendix to raptured appendix when they opened it up. messy and toxic so i have to stay in the hospital for a few more days. they are trying to clean up my system so pampered ako ng atibiotics."

2. a few days after, it was my brother in law's turn to get hospitalized. his foot was hurting real bad during his performance in church and later on diagnosed with renal stones... no medicines to cure it but he was advised to abstain from salty food. i was inquiring if they have buko juice there and my sister told me that they only have cranberry. tutyal! but both of us agreed that medical attention there seems lesser efficient than the attention we receive here from our nurses and other medical practitioners. iba pa rin ang alagang Pinoy! even my sister agrees that the succession of medical attention requests really take so much time. parang ayoko tuloy maospital dun sa bansa nila.

3. nairaos namin nang maayos at matagumpay ang Ilustrata Residences at PRO-FRIENDS ka rin ba? media launch. success din ang naging presscon ng Open House TV show na idinaos sa 9501 sa may ELJ building ng ABS CBN. ito yata ang unang totoong presscon na ginawa namin at natuwa rin naman ang invited media friends sa nasabing event. at the day of the Open House presscon, I have guested in Mornings @ ANC. I was a bit nervous when i was interviewed because i wasn't briefed on what questions will the host throw on me. true enough, i was asked a question that we (Open House producer) never discussed even before. here's the segment exclusively shared here in my blog:


video courtesy of ANC

4. highlighting the week-long activity and kicking-off our company's crystal year celebration, we ended the week with a blast! the Run for eLearning was a big success as over two thousand registered for the run and more than a thousand actually ran in the event. It was participated in by our employees, business partners, other sponsors and outside runners. it was really exhausting but the result of the event was very rewarding. congrats to the fun run team! we still have a FREE lunch courtesy of the big bosses :D

_DSC0124-b _DSC0033-b
[caption id="attachment_2950" align="alignnone" width="300"]the Run for eLearning will benefit three schools thru Knowledge Channel Foundation, Inc. the Run for eLearning will benefit three schools thru Knowledge Channel Foundation, Inc.[/caption]

OLYMPUS DIGITAL CAMERA 5. brought home 2 choco velvet cakes for my two girls. been missing them since the busy weeks. and even our (Sunday) family day was cut short to give way to our holy supper choir practices. i'm just thankful that wifey is very understanding. i know how she misses our time together (just like i do). even my little girl can not hide how she misses daddy. whenever i get home, she just wanted me to stay by her side. she wanted to watch TV with me, she wanted to play with me, wherever i go in the house she's behind me... awww... how touching is that? and when i tell her "punta na nga lang si daddy sa office," she would beg me not to leave. *sniff* i hope Saturday work disappears soon. let's just have a compressed five-day work-week. go, HR!

looking forward to great days. we may not have enough to spend on grand vacations but the happiness we share everyday is priceless. but yeah, a good vacation should be rewarding. any sponsors out there? ;)

next long vacation: one month form now. i hope NO ACTIVITIES will pop-up at work during that time.

Monday, January 28, 2013

Day 27 of 365

Photo0401 drove off to Pampanga... we were supposed to meet my balikbayan aunt, auntie Baby, but all throughout our stay there, we didn't see each other. we were surprised to see all the guests that came in for lunch to celebrate Apung Apaz' 90th birthday. some relatives that i haven't seen for so long came and of course, everyone was trying to catch up on others' lives. my little girl was busy playing with her lolo daddy. as usual, her happiness is priceless whenever she's with her lolo daddy.

we decided to drive back to Manila early since i still need to catch up with our choir practice. driving along NLEX was smooth, minus the sun's heat, traffic was light. we also noticed, upon passing by Bocaue, that the construction of the Philippine Arena is progressing...

[caption id="attachment_2935" align="alignnone" width="300"]the speedy construction of the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan (photo lifted from http://www.skyscrapercity.com) the speedy construction of the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan (photo lifted from http://www.skyscrapercity.com)[/caption]

we can just imagine how this arena will serve its purpose and even the establishments that will surround it. this is truly our pride, as a Filipino, and as an Iglesia Ni Cristo member! ;)

Thursday, August 09, 2012

bayani-juan sa bayan ni juan

we've been monitoring the news since yesterday when flood began rising, fearing that an Ondoy part 2 is in the making. my heart goes to my countrymen who tirelessly exerted so much effort to show the bayanihan spirit throughout the day. many were stranded, many needed help in many forms, not a few extended help in so many ways. information dissemination was easy with today's technology. i was monitoring FB & twitter for updates and my spirit was uplifted with what i saw in many photos... Pinoys displaying bayanihan, and victims still wear smiles on their faces!



[caption id="attachment_2713" align="alignnone" width="300"] Pasig City, Metro Manila[/caption]

[caption id="attachment_2719" align="alignnone" width="300"] all smiles amidst the calamity (@ Makati Business District)[/caption]

[caption id="attachment_2718" align="alignnone" width="300"] humanity extension (heart-warming)[/caption]

[caption id="attachment_2714" align="alignnone" width="300"] eto ang aming mga pulis![/caption]

[caption id="attachment_2715" align="alignnone" width="300"] "in the call of duty" --- 'yan ang PNP![/caption]

[caption id="attachment_2716" align="alignnone" width="300"] proud sa aming mga kapatid! SCAN International in action[/caption]

and in spite of everything... Pinoys continue to rise! the spirit is just amazing...

[caption id="attachment_2717" align="alignnone" width="213"] Pinoys... pinagagaan ang dalang pighati ng kalamidad, anumang pagkakataon. "Onli in da Pilipins!" :)[/caption]

(all photos courtesy of FB wall posts. no copyright infringement intended)

PINOYS... KAYA NATIN ITO. At sabi nga ng South Border: "There's a rainbow always after the rain." ;)

Tuesday, January 10, 2012

"It's More Fun In The Philippines"

Last week, the Department of Tourism launched it's new tourism campaign slogan. Unlike the previous slogans (where WOW Philippines made a very good mark among them), this one gives a statement where one would contest, if not agree, and yet entice the people to see for themselves how true the campaign slogan is:
It's more fun in the Philippines.

Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. thru his twitter account explained what brought about the "fun" slogan:



the secretary even added that a successful campaign is realized by sharing positive thoughts and making it viral:



the campaign did well on its first week as it became viral online in an instant. it trended on twitter (worldwide) and it pushed netizens to post their own versions why "it's more fun in the Philippines."
It's more fun... meme

but seriously, many Filipinos agree. Aside from the beautiful tourist spots that our tourism department has offered the foreigners more than a thousand times, it's really the people that make the BIG difference. as a proof, even in the hardest time of calamities and disasters, Filipinos find ways to put a smile on their faces. and not only fellow Filipinos agree on the warmth of the people.

[caption id="attachment_2443" align="alignnone" width="300" caption="Neil Richard Gaiman is an English author of short fiction, novels, comic books, graphic novels, audio theatre and films. His notable works include the comic book series The Sandman and novels Stardust, American Gods, Coraline, and The Graveyard Book."][/caption]

now, how can we make the campaign slogan effective beyond the tagline? it's up to the people, really.

Tuesday, September 13, 2011

Si Lolong at ang Filipino Pride

hanggang sa sandaling sinusulat ko ito, hindi pa rin daw kumakain si Lolong. so far, siya ang pinakamalaking buwaya na nahuhuli dito sa Pilipinas... sa Agusan Marsh para sa mas eksaktong lugar. ang sitwasyon ni Lolong sa ngayon at ang sitwasyon ng mga residente sa brgy. nueva era sa bunawan ay magkaiba at hindi mapagtatagpo. nais ng mga residente at ng lokal na pamahalaang nangangalaga sa kanila na mahuli ang malalaking buwaya sa lugar at magkaroon ng sariling kulungan na maaari ring pakinabangan bilang pang-akit sa mga turista. pero ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals), hindi sang-ayon sa pagkukulong sa mga buwaya. ipinaliwanag ng grupo na kailangang mamuhay sa kanilang natural habitat ang mga buwaya dahil ang pagkulong sa mga ito ay makapagdudulot ng depresyon na maaaring makasira sa normal behavior ng nasabing hayop.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

pero ang mga residente, maging ang alkalde ng Bunawan, ikina-inis ang panawagang ito ng PETA. mas delikado raw sa mga residente kung pakakawalan ang buwaya at ibalik ito sa ilog.

parehong may punto ang magkabilang panig. pero sa kasalukuyang sitwasyon, ang nagdurusa... si Lolong.

3rd runner-up ang pambato ng Pilipinas para sa 2011 Miss Universe pageant. sabay kaming nanood ni wifey ng delayed telecast ng ABS CBN (sori naman wala kaming cable TV) pero mas tutok kami sa twitter updates kung saan mas mabilis na nalalaman ang resulta. hindi man napanalunan ni Shamcey Supsup ang korona, pinatunayan naman niya na hindi lang gandang panlabas ang pwedeng ipanlaban ng mga Pilipino. Matalino ang naging pagsagot ni Shamcey sa tanong na natapat sa kaniya. Sa sagot niya, ipinakita niya kung gaano kalaki ang values niya bilang isang tao at ang paninindigan sa prinsipyo ang nangibabaw sa kabila ng modernong panahon. hindi man matanggap ng ilan ang naging kasagutan niya, ako, bilib ako sa values nya. at dahil malayo rin ang narating niya sa prestihiyosong pageant, nais ko lang ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa isa na naman nating "Filipino pride"... Congratulations, Binibining Shamcey Supsup, 2011 Miss Universe 3rd Runner-Up!

Monday, June 13, 2011

Alin Mang Lahi



Kundiman ni Dr. Jose P. Rizal
Alin mang lahi, isinasanggalang
Sa lupit ang kanyang lupang tinubuan
Tuloy pinaghahandugan
Ng buhay at dugo kung kailangan.
Ang kamatayan man, kung saka-sakali't
Igiginhawa ng mga kalahi
Tatanggapin na may ngiti
Kaaliwa't tuwang di mumunti.
Nguni’t pagkasawing-palad yata
Ng katagalugang napapanganyaya
Bukod pa sa ibang umaaba
Lalong nagbibigay-hapis ang ibang kapwa.
Sabagay di kulang sa pupuhunanin
Lakas, dunong, tapang, yaman ay gayon din
Aywan kung bakit at inaalipin
Ng bawa’t lahing makasuno natin?

"Kalayaan: Kayamanan ng bayan"
MALIGAYANG IKA-113 TAON NG ATING KALAYAAN!

Friday, April 08, 2011

'twas a long week. TGIF.

indeed it was a long week.

Monday. I left home early to meet up with gasul & kuri for early lunch. gasul treats. :D dined in at TOSH (gasul has some souvenir photos), then we had coffee at Figaro afterwards. in Figaro, i met my good friend MJ who's also my batch mate in the mobile company i worked for. at work, i went up in the control booth upon our program's airing as Doy wasn't feeling good that day. few minutes before our program was done, wifey was calling me. she doesn't normally call when i'm at work so it must be important. our little girl was chilling due to high fever. oh no, i suspect her UTI went back. i told our EP that i needed to go coz there was an emergency. i was driving like i'm behind the wheels of an ambulance (NOTE: NOT A DRAG RACER) from work and reached home a little over 30 minutes (with normal travel time of more or less than an hour). mother-in-law and brother-in-law were at home waiting for me with my wife and little girl then we brought her to the nearest hospital. urinalysis was advised so we had to wait for the little girl to urinate. we decided to spend the night at my in-laws and the following day,
Tuesday the urine sample was brought to the hospital's laboratory for examination. after a couple of hours, we were advised to be admitted (again after 6 months of being admitted in The Medical City) for the same treatment. this time though, we were closer to my in-laws place so moving things shouldn't be that difficult and i was more relaxed to leave them when i go to work.
Wednesday i went to my former employer to get Philhealth papers and at the same time catch up with the alliance. at work, i took the courage to pose for a souvenir photo with the admirable news anchor, Ms. Pia Arcangel... she anchors 24 Oras Weekend together with Jiggy Manicad.

[caption id="attachment_2059" align="alignnone" width="300" caption="with Art Angel host & Balitanghali (GMANewsTV 11) anchor Ms. Pia Arcangel, photo taken April 6, 2011"][/caption]

Thursday i was a quite happy with one of my assignments at work which i produced. it was about the Pinoy Achievers: Maria Aragon, Paolo Dy, and Mikey Bustos. Paolo Dy is a film maker whose work won in the 2010 US National 24-Hour Film Racing Tour. you can view his masterpiece here. Mikey Bustos, on the other hand, has been capitalizing on his Youtube videos and gaining recognition. His video uploads are hilarious and are entertaining. one of them is this Lady Gaga parody entitled "Pinoy This Way":



on a happier note... out na kami sa hospital... magaling na ang little girl namin! ;)

Thank God it's Friday! TF day... woot! woot! :D

Tuesday, August 24, 2010

Philippines Positivity Post

Go, Bb. Pilipinas-Universe, Venus Raj! Make us real proud! ;)



(photo credit: current movie reviews dot com)

Tuesday, March 16, 2010

Ang Lupang Hinirang At Ang Filipino Artists

sa tuwing may laban ang tinaguriang "pambansang kamao", na si Manny Pacquiao, isa sa masugid na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ay ang mang-aawit na napili upang awitin ang Lupang Hinirang--- ang pambansang awit ng bansa. bagama't marami ang hindi gaanong pinapansin ang bagay na ito, isa naman ako sa mga bilang ng Pilipino na pumupuna sa hindi wastong pag-awit nito. sa ganang akin, iba ang pambansang awit sa anumang awiting komersyal. hindi ito dapat binabago lalo na't malalagay sa kahihiyan ang kumakanta nito. bigyan sanang respeto ng mga tinatawag na professional singers ang rendition nila ng pambansang awit kung sila man ay maatasang umawit nito sa isang malaking okasyon tulad ng mga laban ni manny pacquiao. sa maraming version at singers na umawit nito sa malalaking events, isa lang si Kyla sa maipagmamalaki ko dahil naging maingat ito at mas piniling igalang ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng wastong pag-awit ng Lupang Hinirang. mapapanood ito sa youtube video link sa ibaba, gayundin ang related videos na kakikitaan naman ng iba't-ibang bersyon ng iba't-ibang mang-aawit sa bansa.



sa panghuli, aking pagbati ng MABUHAY sa pambansang kamao, Manny Pacquiao, sa muli niyang pagbibigay karangalan sa lahing Pilipino sa nakalipas na laban nito kay Clottey!

Sunday, August 30, 2009

Ang Wikang Filipino At Ang Filipino

Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.

Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.

(mula sa fil.wikifilipinas.org)


isa sa mga asignatura (subjects) na nakahiligan kong pagtuunan ng pansin noong ako'y nag-aaral pa ay ang (P)Filipino. Dito ay matamang itinuturo ang wikang Filipino, ang bumubuo rito, at kung paano ito tamang isulat o sabihin. Walang gaanong pinag-iba rito ang subject na English o Language na kung saan dito ay ipinakilala sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng noun, verb, adjective, adverb, mga uri nito at subject-verb agreement at iba pa na may kinalaman sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sa Filipino ay matututunan ng isang estudyante na maling baybayin na p-a-n-g-a-l-a-n ang noun dahil ang tamang baybay nito ay p-a-n-g-n-g-a-l-a-n. Sa Filipinos subject ko rin natutunan na may tatlong uri ang panlapi (affix) at ito ay ang unlapi (prefrix), gitlapi (infix), at hulapi (suffix). Ang mga panlaping ito ay karaniwang ikinakabit sa isang salitang-ugat (rootword). dito ko rin natutunan at naisaulo na sa salitang nagtatapos sa mga titik na da-la-ra-sa-ta (d, l, r, s, t), titik "n" ang dapat na huling letra sa unlapi na ikakabit sa salitang-ugat:

*Nakakita ako sa mall ng magandang polo-barong na (pang-, pan-, pam-) lalaki.
*Kapag magwawalis ka sa labas ng bahay, mabuting may hawak ka rin na (pang-, pan-, pam-) dakot.
*Magluluto si lola ng sinigang kaya ibibili ko siya ng (pang-, pan-, pam-) sahog.

mas madali naman tandaan kung kailan ikakabit ang unlapi na nagtatapos sa titik "m"... ito ay kung susundan ng salitang-ugat na nagsisimula sa (dalawang titik lamang) "b" o "p":

pam-babae
pam-pasada

at sa mga letrang hindi nabanggit, kabilang ang limang patinig (vowels), doon naman gagamitin ang unlapi na nagtatapos sa "ng":

pang-kulay
pang-ehersisyo
pang-akit

Bagama't maraming wika ang bumubuo sa kabuuan ng wikang Filipino, Tagalog ang karaniwang pinagkakamaliang opisyal na wikang Filipino. Sa pagkakaalam ko, anumang wika na mula sa mga lalawigan ng Pilipinas ay maituturing na wikang Filipino. at hindi lang ito iisa. batay dito, mahigit isandaan ang mga ito.

Ano nga ba ang kinalaman ng pagkilala natin sa wikang Filipino, lalo na sa panahon ngayon na tunog-amerikano na ang kasalukuyang henerasyon na pinagyaman pa ng nag-usbungang call center industries at english online tutorial jobs sa bansa?

para sa iyo, ano ba ang halaga ng pagkilala natin sa sarili nating wika? nakakalungkot kaseng isipin minsan na itinuturing na "bobo" ang mas sanay sa wikang Filipino kaysa Ingles. hindi ba mas katawa-tawa na isa kang Pilipino at mas alam mo pa ang wikang banyaga kaysa sarili mong wika?

Friday, June 19, 2009

Sa Kabataang Pilipino



Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.

At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.

- Salin ito ng tulang A La Juventud Filipina na sinulat ng pambansang bayani, si Jose Rizal, sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang.

(salamat sa Jose Rizal dot ph para sa sipi ng blog post na ito.)

Friday, June 12, 2009

re-post: Pag-ibig Ang Bumubuhay Sa Atin

"...mahal ko ang Pilipinas, iniibig rin niya ako. sa panahon ng kagipitan, walang iwanan. lumayo man ako ng may ilang distansya, ang puso ko ay nananatiling nasa iyo, mahal kong lupang tinubuan. pangako, kung ako man ay pansamantalang lumisan, pagbalik ko ay laan ko sa iyo ang malaking karangalan!..."

- Pag-ibig Ang Bumubuhay Sa Atin.


- - - - - - - - - - - -

Mga kaugnay na kuwento:
- ID12
- Happy 108th Independence Day Anniversary
- Long Live Philippine Broadcast Journalism!
- The Lighter Side Of A Natural Calamity

Maligayang ika-111 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas!

Monday, May 04, 2009

tikman mo'ng kamao, ang kamao!



Hindi ko masyadong kilala si Ricky Hatton pero marami ang nagsasabi na mayabang siya kaya bagay lang sa kanyang humiga sa boxing arena na hilo sa suntok ni Manny Pacquaio habang pinapanood sya ng mga fans nyang Briton na natulala sa nangyari sa kanilang kinikilalang diyos ng boxing. Taliwas naman ito sa ugali ng pambansang kamao, si Manny Pacquiao. kahit sa mga interviews nya pagkatapos patumbahin sa una at ikalawang rounds si Hatton, nanatiling mababa ang loob ni Pacquiao. kaya proud ako sa kaniya! isang karangalan ng bansa ang pagkakaroon ng mahusay na boksingero hindi lamang sa loob ng boxing arena kundi maging sa ugali nito bilang isang sikat na propesyunal. ang gusto kong pataubin ni Manny sa ring sa susunod ay si Floyd Mayweather Jr. marahil gaya ni Hatton, maturuan niya itong tumapak sa lupa pagkatapos halikan ang boxing arena sa pagkakayanig sa kamao ni Manny. eto ang ilan sa mga winika ni Mayweather Jr. mga ilang minuto bago ang laban nina Manny at Ricky Hatton:

“I guess I just missed boxing,”
“Somebody’s got to keep the sport up and running. Why not me?”
“I’m still the biggest draw in boxing,”
“Everybody wants to fight me because they know I’m the cash cow.”
“I left on top, and I came back on top,”
“I’m here to fight and reclaim what’s mine.”


(ang larawan sa itaas ay mula sa GABRIEL BOUYS/AFP/Getty Images) ng Sports dot Yahoo dot com)

kaugnay na artikulo:
"While Mayweather plays the villain with great success, Pacquiao comes across as a humble fighter who cares about nothing except doing his job, then getting together with his band as he did after stopping Hatton to make some music."
basahin ang buong kolumn dito: Lot to like about the new king of boxing

Saturday, March 07, 2009

tribute to Francis M.

while i know that master rapper Francis "Kiko" Magalona has been battling with his illness which was diagnosed only last August of 2008, i felt sad upon hearing that Kiko passed away at noon of yesterday, March 6th. for one, he is one Filipino artist who stirred up the Filipino pride among his "Mga Kababayan". His music has inspired a lot of Filipinos and Filipino artists as well. Kiko will always be looked up to in terms of nationalism and it's one thing i admire with the guy. For me, he is the only rapper that deserves that title here in the Philippines. He has his own style--- in a good way. Kiko showed bravery in battling with his illness when he updated his blog during the time of his treatment and medication. He wanted to inform people how it is in being in that state, how we should value what we currently have, how strength can uplift other people, and how humility can bring us at peace with our Creator. Kiko was a loving father and husband to his family. He is an inspiration to the Filipinos and especially to those who are suffering from the same illness he had, or its likes. He is a Filipino. His fans grieve over his loss. His legacy will remain...


So many faces, so many races
Different voices, different choices
Some are mad, while others laugh
Some live alone with no better half
Others grieve while others curse
And others mourn behind a big black hearse
Some are pure and some half-bred
Some are sober and some are wasted
Some are rich because of fate and
Some are poor with no food on their plate
Some stand out while others blend
Some are fat and stout while some are thin
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most

[chorus]
Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin’ round, make it twirl
In this kaleidoscope world

Some are great and some are few
Others lie while some tell the truth
Some say poems and some do sing
Others sing through their guitar strings
Some know it all while some act dumb
Let the bass line strum to the bang of the drum
Some can swim while some will sink
And some will find their minds and think
Others walk while others run
You can’t talk peace and have a gun
Some are hurt and start to cry
Don’t ask me how don’t ask me why
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most

[repeat chorus]

Kaleidoscope world
In this kaleidoscope world


- - - - - - - - - - - -

03.03.03 stories... trivia with the master rapper

when i had my practicum in TAPE INC. during my senior year in college, i had the chance to meet the hosts of Eat Bulaga! it was during this time when i was able to perform a short stint with Francis M. The latter was to do a short introduction number for their then-segment, tunog-tao and we, the OJT students were tapped to back him up as the human instruments. Lucky me, i was asked by Kiko first on what i will be doing so i chose right away the least-embarrassing hitapik while others have to deal doing the more embarrassing instrumental gestures such as the armpitik, asmatik, tiyanpitik & boombuga. I was on the left side of Francis M. as he did what he does best: rap. Some friends saw me on TV that time and were calling our home number that night informing me how i looked funny on that segment.

Friday, February 20, 2009

pakikipagtagpo kay Claro M. Recto

kahapon ay naka-OB (official business) ako ng buong umaga. mula sa agahang pagpupulong sa may Metrowalk, Pasig City, ay tumuloy ako sa tanggapan ng aming principal company upang iabot ang disket na naglalaman ng bentang ulat ng pinakamalaking botika sa buong bansa na siya naman naming kliyente. pagkatapos ng maikling pag-uusap at pagmamalaki sa bagong server na hahawak sa bagong computer program para sa benta ng mga produkto sa buong bansa, tumulak na ako upang muling bumalik at makipagtagpo kay Ginoong Claro M. Recto. Mabuti-buti naman ang kalagayan ni G. Recto ngayon kumpara noong isang araw na pumunta ako upang maghanap ng pagawaan ng mga ID Laces na gagamitin sa convention ng kumpanya namin sa susunod na linggo. bumuhos kasi ang malakas na ulan noong una at medyo naantala ang lakad ko pero nitong huli ay maaliwalas ang paligid. medyo maaga kase akong nakarating nitong huling punta ko sa lugar at hindi pa gaanong masalimuot sa kalsada. bagama't mas maaliwalas ang paligid, hindi pa rin ako nakaligtas sa pawis. mainit nga kase at nagmamadali akong maglakad patungo sa pinagpagawaan ko ng nasabing bagay. nang makita ko ang yaring gawa, medyo hindi ako natuwa. hindi nakuha ang logo ng kumpanya namin kahit ang kulay nito na kabilin-bilinan ko ay hindi rin nasunod. pero ano pa bang magagawa ko? ayoko nang bumalik doon at kailangan ko nang maibigay sa opisina ang mga ID Laces. kung sabagay, ano ba naman ang aasahan ko sa presyong 12-piso na may libre pang ID case? sige na nga. isang gamitan lang naman yun ng mga kinauukulan.

sa pagsakay kong muli ng LRT 2 pabalik sa opisina, napansin kong ampangit ng tanawin sa kalakhang Maynila. marami namang magaganda sa Pilipinas pero ang makikita mo mula sa mga riles ng tren ng LRT 2 (maging sa LRT 1) ay isang Maynila na napag-iwanan ng kaunlaran at kaginhawahan. mabuti-buti pa sa MRT 3 na ang hindi lang kaaya-ayang pagmasdan sa landasin nito ay ang masikip na trapik sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue at ang maitim na usok ng mga sasakyan. nabaling ang pansin ko sa tatlong estudyante na nagkukwentuhan sa harapan ko. dalawa sa kanila ay Koreano at ang isa ay Filipina. Ingles ang usapan nila. Umikot ang usapan sa project, paghahanda sa dorm, lapis, bolpen, at chocolates. tapos, napag-usapan din ang maraming umuusbong na Koreans sa bansa at ang pagkakaroon na rin ng Korean Community dito. naaaliw ako sa usapan nilang tatlo at yung isang Koreano ay panaka-nakang nagsasabi ng Tagalog na salita. nanlaki ang mata ko ng sabihin ni Filipina sa dalawa niyang kaeskwela na: "(Filipina) you have a house in Baguio?" "(koreana) uh-huh" "(Filipina) oh please, take me there, take me to Baguio, please please please..." sa isip-isip ko, sino kaya ang tagarito sa Pilipinas sa tatlong ito? teka, bumawi naman ang kababayan natin at buong pagmamalaki naman niyang tinanong: "(Filipina) have you been to Cebu?" "(Koreana at Koreano) no..." "(Filipina) well you should go there. it's just like Manila but it's cleaner there. it's very beautiful!" "(Koreana) and where is that... chocolate.. chips place..?" "(Filipina) haha.. it's chocolate hills... chocolate hills. its also beautiful there." tapos, bigla akong naalimpungatan sa pagkakatunganga sa kanila. ako rin pala, hindi pa nakararating sa Cebu o kahit sa Bohol man kung saan matatagpuan ang Chocolate Hills). Bukod sa mga eksenang 'yon, lumipad din ang isip ko sa pagiging swerte ng mga dayuhan sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Likas kase sa atin ang kaugalian na maalab sa pagtanggap sa tao, hospitality sa terminong mas kilala. kaya sinumang dayuhan na maliligaw sa bansa natin ay hindi makakaramdam ng kalungkutan dahil sa likas na pagiging maasikaso ng mga kalahi natin. isang ugali pa na negatibo naman na marahil isa ring ikinapagiging mapalad ng mga dayuhan ang ang pagiging makadayuhang pag-iisip natin o pagkakaroon ng colonial mentality. isang pag-iisip na mas mahusay ang dayuhan kaysa atin kaya kailangan silang isaalang-alang nang higit kaysa ating mga sarili. hindi ako sang-ayon sa huli at lalo, hindi ako natutuwa dito. sa ganang akin, sapat na na maging maasikaso tayo sa mga dayuhan pero hindi sa puntong magpapaalipin tayo sa kanila. kaya nga labis akong nabugnot nang malaman ko na lalawigang kinalakihan ko ay umusbong na ang maraming negosyo na pag-aari ng mga Koreano at ang nagtatrabaho para sa kanila ay mga Pilipinong nais magkaroon ng kikitain para sa pamilya. di baleng alipin sa sariling bayan, magkaroon lang ng ikabubuhay. Ok lang naman sana yun. likas tayong masipag pero kapag naiisip ko na dayuhan ang kailangang mamuno sa atin sa sarili nating bayan, ibang usapan na yun. gaano ba kahirap magtayo ng negosyo sa sariling bansa natin? bakit ang mga ito ay nag-usbungan na parang mga kabute lamang? sino ba talaga ang nakikinabang sa mga ito? hindi ba tayo pwedeng maging hari sa sarili nating bayan? o kung hindi man, maramdaman man lang natin na mas pinahahalagahan tayo ng kapwa Pilipino una kaysa sinumang dayuhan na matatas magsalita ng wikang banyaga? naalala ko tuloy ang isang pangyayari nang minsang pumila ako para kumuha ng NBI clearance. sa tagpong iyon, may isang dayuhan na mas matapang pa sa empleyado ng isang sangay ng gobyerno natin at walang pakundangan na pagsabihan ang mga Pilipinong nagtiyaga sa haba ng pila. sabi ko sa yo. kung may batuta lang ako nang mga sandaling yon, pinukpok ko na sa ulo ang mayabang na Amerikanong yun eh!

Sa lugar ni Ginoong Claro M. Recto mababakas ang tipikal na larawan ng Pilipinas. Nagngitngit ang blogosphere nang ma-broadcast sa isang sitcom sa Estados Unidos ang mga litanyang "some med schools in the Philippines" pero nang makita ko ang kahabaan ng Recto, buong kababaang-loob kong tatanggapin ang isang hindi magandang katotohanang iyon. maglakad ka lang sa bangketa ay aalukin ka na ng kung anu-anong uri ng dokumento na hindi naman talaga magbibigay ng anumang pagkilala sa "pinaghirapan at tinapos" mo (kung mayroon man). naglalakihan man ang mga gimikan sa mauunlad na lunsod ng Metro Manila, hindi pa rin maaalis ang katotohanang "hindi pa natin ramdam ang kaunlaran." bilang Pilipino, ayokong masadlak sa bangungot na ito habambuhay pero ang katanungan ay nananatili: sa kabila ng tanyag na mga pangalan ng ating mga lansangan, sino sa panahon natin ang makapagdadala sa buong bansa sa isang estadong tunay nating maipagmamalaki?
(ang larawan sa kanan ay mula sa website ng lrta.gov.ph)

- - - - - - - - - - - -

Claro M. Recto:

"Tatlong bagay ang pinaniniwalaan niyang naging dahilan ng kanyang pagiging matagumpay na abogado: una, ang kanyang kakayahan sa pagsusulat (literary ability); ikalawa, katalinuhan; at ikatlo, ang kanyang pagiging masipag at matiyaga."


(mula sa tl.wikipedia.org)

Related Posts with Thumbnails