yay! ang bilis. biyernes agad? :(
huling blog post ko nung Sabado pa pala pagkauwi galing sa aming stormy summer outing. hehehe... bullet muna:
☼ Linggo, Mayo 18 - pagkatapos ng mabiyayang pagtupad ng obligasyon sa Lumikha, sinamahan ko si Ayah sa kanilang mini-event sa White Plains. Pero bago yun, nag-almusal muna kami sa Figaro ni ayah sa may THE STRIP na matatagpuan sa harapan ng The Medical City sa may Ortigas Avenue, Pasig City. sa hapon, gumawa muli ng kabanalan sa pamamagitan ng pagdalo sa pulong ng PNK, sinundo si ayah sa trabaho (kasama si bespren untongis), at tumulak sa lokal para maki-kain sa ika-11 anibersaryo ng pagkakatatag nito. tapos, umuwi na.
☼ Lunes, Mayo 19 - nakaabang lahat kami sa opisina para sa isang pangyayaring di namin lahat mapapalagpas...... tama kami. sinabon ang isang kasamahan sa trabaho pero hindi sa loob ng isang kwarto kundi pahiyaan sa harapan ng karamihan. hayyy... buhay, makulay, parang gulay. sa iba pang kwento, nagkausap kami ni bos charles nang tawagan ko sya habang nagmamaneho papuntang opisina. feels good to get connected to them again. sa susunod, yung isa ko namang "boss" ang tatawagan ko. mura lang naman ang IDD rate ng SUN Cellular. :p pagkalabas sa opisina, binaybay ko ang Shangrila (mall) upang katagpuin ang dalawa sa aking close pals at para na ring mga kapatid: sina jawee v. at kerwin. nagyaya akong makipagkita sa maikling oras na iyon habang hinihintay naman ang oras ng paglabas ng aking beh beh galing sa trabaho. masaya ang pagkikita ng barkada kahit sandali at kahit di kami kumpleto pero sa wakas ay nai-abot ko na rin ang aking new year's gift kay jawee v. hehehe... nga pala, kerwin nasaan na ang ating mga KODAKS? :P pagkasundo kay beh, syempre gutom sya kaya dumaan kami sa Tiendesitas at naghanap ng makakainan. pero talaga namang isang lugar lang ang pinupuntahan namin dun. kaya habang kumakain si ayah ay nanonood naman ako sa kanya *kase busog na ako* at nagtatanghal naman sa entablado ng food court ang prestihiyosong South Border. humanga ako nang awitin ng LIVE ang Kahit Kailan... alam nyo yun, yung parteng "hanggang sa muli...." at sasaluhin ng saxophone yung mataas na boses? ang galing, hanep!... at panghuli na dapat mai-dokumento para sa araw na ito, nagbayad ako ng aking kauna-unahang traffic violation ticket para sa taong 2008--- at kaka-bago ko lang ng lisensya ko noong nakaraang lunes. :( at least, hindi ako naglagay dun sa traffic enforcer nang hulihin ako.
☼ Martes, Mayo 20 - araw na pumanaw si ANAKPAWIS Representative Crispin Beltran. Ka Bel sa tawag ng marami, kilala siya bilang malaking impluwensya sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. nang mapanood ko sa telebisyon ang maikling kwento ng buhay nya, bata pa ay ipinakikipagbaka na niya ang kanyang adhikain. naupo sa Kongreso bilang panghuli niyang tungkulin para sa bayan at pumanaw nang may dignidad, respeto hindi lamang mula sa kanyang pamilya at mahal sa buhay, maging ng mga Pilipinong naniniwala sa kanyang adhikain. sa araw ding ito ay pumanaw ang ina ng isa naming ka-opisina.
☼ Miyerkules, Mayo 21 - birthday ng asawa ni boss. syempre, libreng pananghalian ulit sa opisina. nag half-day ako upang lakarin namin ni ayah ang ilang mahahalagang bagay. pinagmaneho ko sya paikot sa bayan nila habang nakasakay si papalove na sa tingin ko naman ay naging proud sa kanyang only daughter. nagbayad ako ng bill sa telepono, nag-grocery din kami at syempre, nalungkot ako dahil dalawa sa mga bagay (o brand) na gusto kong bilhin ay wala na sa market :( pero hindi bale, pagkahatid naman sa mga magulang ni ayah sa bahay, nakakain ako ng masarap na mango-banana crepe. ummm... sarap talaga! pagkatapos, bago namin tinapos ang makabuluhang araw na iyon, nag KTV muna kami ni ayah sa Timezone. bagama't nag-enjoy kami sa KTV, nalungkot naman ako dahil hindi ko pa rin nakukuha yung major prize na gusto kong makuha sa STACKER :(
☼ Huwebes, Mayo 22 - maliban sa pakikipaglamay sa namatayan naming opismeyt, isa lang ang maibabahagi ko para sa araw na ito: natikman (at nagustuhan ko naman) ang lasa ng GOYA DARK CHOCOLATE. *NOTA* hindi ako mahilig sa dark chocolates. salamat sa nakaka-pressure na twits ng mga twitter friends, napabili rin ako ng nasabing tsokolate. mamaya, GOYA DARK MINT naman ang titikman ko. :p
nga pala, panghuli, mukhang t*nga yung buhok ko nung Miyerkules. gusto ko nang magpagupit pero di kami magtagpo nung barbero ko. kaya nung isang araw, basta ko na lang hinawi yung buhok ko at kung ano ang kinalabasan ng unang hawi ng suklay, yun na yun! ewan kung malinaw na makikita ang buhok ok pero eto yung araw na yun:

PS. mukha na pala akong tsonggong puyat :(
(salamat sa twitter dot com dahil naging madali ang pag-alaala sa mga pangyayari noong mga nakalipas na araw)