Showing posts with label dreams. Show all posts
Showing posts with label dreams. Show all posts

Friday, August 13, 2010

the night's journey

the other night i had a dream. it wasn't a very pleasant dream. i dreamed that a friend died and the scene where i am at is right there in his funeral. the sight of people sobbing from a certain distance seems to be a familiar dream scenery. like any other dreams, the sequence of that dream was disorganized. but the feeling of being there makes me feel like it's not a dream at all.

i was sadden. i only came to know this friend of mine recently. being a prominent TV news reporter and an accomplished film maker, i never knew that i'd be friends with him in person. we even had the chance to share a few conversation over cups of coffee. many of his colleagues value his existence, and his contribution to the world of independent films--- his other passion. a loving and responsible man of his family, he doesn't deserve to leave... yet (as eventually all of us will).

it seems so real. so real that upon waking up, i struggled a few minutes to recall when was the last time i communicated with him, either through SMS, micro-blogging or through that popular social networking site. finally, i realized it was just a dream. a bad dream. and this was confirmed when he replied candidly to a 'hello' text message i sent.

didn't know that prominent public figures can be real-life friends, even if your "worlds" are different from each other. perhaps it's something to prove that people we see on tv screens can be real, too.

Saturday, June 05, 2010

nanaginip ako

sino sa inyo ang naka-obserba na ang mga panaginip ay weirdo? kaya marahil sa panahon pa ng mga propeta ay kinailangan na nila ng mga dream interpreters o taga-pagpaliwanag ng panaginip upang lubos na maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig nito. halimbawa sa panahon ni Jose (na anak ni Jacob), kinailangang ipaliwanag sa Faraon kung ano ang ibig sabihin ng pitong malalaki at matatabang baka na lumabas mula sa ilog at nanginain sa may tabi nito, at kung ano naman ang kaugnayan ng bigla ring paglitaw ng pito rin na mga payat at pangit na baka na lumamon sa naunang pito na malalaki at matatabang baka.

may mga bahagi ng panaginip na maliwanag pa sa isipan mo kapag nagising ka. yun nga lang, mapapaisip kang muli: kung bakit si ganito at si ganito ay magkasamang naroon sa panaginip mo samantalang hindi sila magkakilala sa totoong buhay. o kaya ay naroon ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar sa totoong buhay pero ang pasikut-sikot ay kabisado mo na tila ba naroon ka araw-araw. sa panaginip ko kanina, may ilang pamilyar na tao ang naroon. pero ang mag-ina ko ay wala. ang tampok sa panaginip ko at siyang pinakamalinaw sa memorya ko pagkagising ay ang kaisa-isa kong si Ate B. galing raw ako sa isang flight ng eroplano at pagka-lapag nito ay nasumpungan namin ang mga tao sa paligid na nagmamadali. lahat sila. ang tindahan na bukas hanggang sa kalaliman ng gabi ay dagli dagling nagliligpit ng paninda at akmang magsasara. paglingon ko sa paligid, nakita ko ang mga tao na tumatakbo ng paroo't parito. nabanggit ni Aba (lola ni wifey)--- na siya ring naka-tao dun sa tindahang nagsasara--- na kailangang bilisan ang pagkilos at aabutin daw kami sa lugar na iyon kaya dapat ay makalikas kaagad. kung anuman yung "aabot" na iyon sa lugar namin ay hindi naging maliwanag sa akin pero ang naisip ko ay dalawa: baha tulad ng Ondoy at nagbabagang lava mula sa puputok na bulkan.

naisip kong tawagan si Ate B na sa mga sandaling iyon ay naka duty sa ospital na malapit sa kinaroroonan nung bulkan. susunduin ko sana sya pero bago pa man ako nakapagsalita ay nagbilin na sya sa akin at sinabi na sila raw sa ospital ay gumagawa na ng 'evacuation plans' at ako naman daw ay lumayo na rin sa lugar kung saan ako naroon sa pagkakataong iyon. nabanggit pa nya na pinayagan na raw ng Malacanang na magamit ng mga sasakyan(?) ang riles ng MRT para makaiwas sa trapik sa daan na sa mga sandaling iyon ay napuno na ng mga tao tulad ng scenario noong EDSA 1. sa ganung tagpo ko idinilat ang mga mata ko...

pagkagising ko, isa lang ang naging malinaw sa akin: nami-miss ko ang ate ko. :(

[caption id="attachment_1506" align="alignnone" width="300" caption="me and ate B taken way back (see photo date)"][/caption]

...sana matuloy sya ng pag-uwi dito sa Manila sa Enero.

Related Posts with Thumbnails