Sunday, July 21, 2013

an unsolicited (bad) advice

after taking a good nap after lunch, i once in a while log-in to FB mobile to check my notifications of there are already comments on the photo i posted at lunch time. got a good number of likes already and a few comments. "notifications" is what i look at first whenever i log-in to facebook because it's where you are told that somebody either liked or commented on your your post, or the post/s where you yourself liked or commented. now checking it again this early evening, i noticed a relative giving a comment in the photo i posted and dedicated to my dad during his birthday. to my surprise, it was a long comment intended for my dad about her observation during *their* recently-held family reunion. my dad seemed happy (based on her comment) and said something like this...
"koyang eddie... our rudy fernandez way back... looks so pogi. i see you are very happy with your newfound SOULMATE. get an annulment just like what ________ did..."

i was like... WTF??? on a PUBLIC post you will write that? and clearly it wasn't well-thought of... my mom commented on the same thread of comments earlier. well, i HAD to delete it and send her a PRIVATE message:

"hi tita XXXX. please don't advice my dad to get an annulment, much more on a public forum such as Facebook. it is already a struggle for us to keep our family back together and reading such unsolicited advice isn't doing us any good.
thanks."


some *relatives* are just unbelievable.

Saturday, July 06, 2013

July na!

Ambilis lang ng panahon. O siguro, abala lang talaga ako sa trabaho. good thing. ito lang ang naging trabaho ko na talagang humihila ng mga araw. yung tipong papasok pa lang ang buwan, may plano na hanggang sa katapusan. at ito na ang tina-trabaho araw-araw. at pagkatapos nito, may susunod na kaagad. minsan sabay-sabay pa. ganito ang eksena sa buong isang taon. sabi ko nga, good thing. mas gusto ko nang ganito kaysa petiks at naghihintay lang ng oras sa opisina. well, sa nakaraang trabaho ko, wala rin namang petiks mode. pero ang trabaho, one day at a time lang. pagkatapos ng araw na ito, panibagong araw na bukas. kumbaga sa TV show, bagong episode na bukas. literal naman na ganun ang trabaho ko noon.

Nitong nakalipas na buwan, andaming okasyon sa pamilya. unang-una na ang birthday ni wifey. tapos birthday ng biyenan ko. tapos, birthday ng tatay ko. at syempre, birthday ng little girl namin! kasabay nya yung birthday ng uncle nya at pinsan ni wifey. nakapunta rin kami sa dinner celebration ng birthday ng lolo ko (na pumanaw na). puro birthdays. kaya siguro ang taba ko na naman :D

[caption id="attachment_3048" align="alignnone" width="300"]cup cakes for wifey's birthday :) cup cakes for wifey's birthday :)[/caption]

[caption id="attachment_3043" align="alignnone" width="300"]birthday gift ni little Aya kay Lolo Daddy nya. plus... surprise visit! :) birthday gift ni little Aya kay Lolo Daddy nya. plus... surprise visit! :)[/caption]

[caption id="attachment_3044" align="alignnone" width="300"]celebrating Apung Tino's birthday with family and relatives.  happy day  :) celebrating Apung Tino's birthday with family and relatives. happy day :)[/caption]

recently, nakapanood na ng pangalawang wide screen film si little Aya. ito ang dahilan kung bakit sobrang dalang na naming manood ng sine. gusto kase namin ni wifey, kasama namin si kulit sa panonood sa wide screen. unang palabas na pinanood nya sa sinehan... Alvin & The Chipmunks Chipwrecked. Familiar na kase sya sa characters sa kakapanood ng kiddie films sa DVD. at sa DVD rin nya nakilala at kinawilihan si GRU at ang kaniyang minions. Kaya naman, susunod na schedule naming papanoorin--- Despicable Me 2! Pero bago ito, nakapanood kami (nang hindi planado) ng Monsters University... in 3D! Enjoy kaming tatlo. haha, oo, kami talagang tatlo ang nag-enjoy kase bukod sa natuwa si little girl, maganda rin yung palabas. first time kong nanood ng installment nito (hindi ko napanood yung Monsters, Inc.) at hindi naman mahirap magustuhan yung palabas. ayun. sulit ang family bonding.

[caption id="attachment_3049" align="alignnone" width="300"]first 3D-movie experience ni little girl - Monsters University first 3D-movie experience ni little girl - Monsters University[/caption]

- - - - - - - - - - - -

andaming nakapilang aktibidad sa opisina. sumabay pa ang mga ito sa 99th anniversary ng INC. kaya hindi biro para sa akin ang buwang ito. sana nga lang madagdagan ko pa ang update ngayong July dito sa blog... kung may time at sisipagin! kasabay pa ng busy month na ito, magli-leave yung 2 kong team mates.. una si King, tapos si boss Nix. tig-isang linggo silang mawawala. huhuhu... ako naman magbabakasyon sa susunod. ang lunkgot lang kase ubos na yata yung leave credits ko. YATA. tignan natin.

looking forward din ako sa pag-uwi ng ate ko at buo niyang pamilya. pati si mamsi, uuwi rin. hmm... hay! makulay ang taon na ito para sa akin. mukhang magiging emo ang year-ender blog post ko ah. :D

Related Posts with Thumbnails