Monday, October 31, 2011

Because we pray for our leaders...

"Remember your leaders, those who have spoken God's word to you. Think about the impact of their lives, and imitate their faith." - Hebrews 13:7, ISV


One reason why the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo) rapidly progresses is the high regard of its members towards their leaders. Guided by the Holy Writ, the members do remember those who labor in tirelessly imparting God's words. We pray for them. That God may continue to give them the strength and knowledge that they need in bringing us to the perfection of our faith.

May GOD continue to bless our beloved Bro. Eduardo V. Manalo on the occasion of his birthday and on the years to come. God-willing, may he be the man to bring us in meeting our LORD Jesus Christ on His second coming.

Monday, October 24, 2011

career, business, atbp.

ⒸⓐⓇⓔⓔⓇ
▶mukhang na-acknowledge na (finally) ang role ko bilang AP-editing nitong nakaraang linggo. kinausap ng boss ko yung PC-admin para i-credit ang AP rate sa mga araw na ginampanan ko ang papel na yun nang absent ang aming EP. ayokong umasa kase ayokong mabigo. ang sa akin lang, mabuti na yung natututo ako sa mga bagay-bagay, at syempre, yung tiwala ng mga bossing na kaya kong gampanan ang ganung trabaho... malaking bagay na yun. siguro, consolation na lang yung additional TF kung meron man.
▶thankful ako sa "raket" na ginagawa ko sa ngayon... kasama na run yung pasasalamat ko sa mga bossing na pinayagan akong rumaket nang ganung oras. medyo sapaw na kase sa production time ng main program ko pero gayunpaman, binigay nila sa akin ang responsibilidad na kayanin na mapag-sabay ang dalawang programa. ang usapan naman, basta hindi ko napapabayaan ang main program ko. saka hindi naman buong linggo may raket. maliit man ang halaga, malaking tulong na rin pansuporta sa maliit kong TF buwan-buwan.
▶nagpasalamat ako sa isang tao (sa trabaho) na naging bahagi ng pag-unlad ko sa karera ko ngayon. maraming tao ang ilag sa kanya pero pag may pagkakataon ako, kinakausap ko yung taong yun kahit maliit na bagay lang. sigurado ako, naa-appreciate nya rin yung small conversations na ganun. anyway, nagulat sya dahil sa out-of-nowhere instant message ko sa kanya at tinanong kung para saan yung thank you. nang sinabi ko ang makabagbag-damdaming litanya, eto lang ang sagot nya: "AH ;)"
▶hindi na ako takot rumaket sa ibang programa. pero iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa "mother program" ka. parang may pakiramdam na "you belong!" at sa ibang programa, para kang isang "dayuhan."
▶nauuri ko na ang ilang mga tao sa trabaho. may mga taong noong simula ay parang hindi ka nage-exist pero ngayon ay kapalagayang-loob mo na. may mga tao rin namang hanggang ngayon, kapag nakita ka nila, para lang silang nakatingin sa pader--- blanko. wala lang. sabi nga ng isang modernong kasabihan, "walang basagan ng trip."

ⒷⓤⓢⓈⓘⓃⓔⓢⓈ
▶umarangkada na ang neGOsyo ni wifey. syempre, full support ako. nakakatuwa ang unang isang linggo ng SABOWNZ business. marami kaming nakausap at nabagsakan ng supply, at halos bayad na lahat. pero maliit lang ang tubo. sa pagkakataong ito, naa-appreciate namin ni wifey ang negosyong-tsino: di baleng maliit ang tubo basta mabilis ang ikot ng pera. sa mga interesado, narito ang listahan ng aming neGOsyo:
▶nag-aalok pa rin po kami ng 50mL EDP (oil-based) perfume. may kasama na po itong bottle at box, perfect na panregalo sa mga mahal nyo sa buhay (naks!) o kaya, maganda ring panregalo sa sarili. :D
▶para sa pang-araw-araw na gamit, may supply po kami ng dishwashing liquid. apat po ang packaging nito: 330mL/P18, 1L/P40, 1.5L/P60, 1gallon/P155. sing-bisa ng ibang liquid dishwashing brands pero di-singmahal.
▶meron din po kaming supply ng fabric conditioner para sa mas mabangong labada, ang packaging at presyo, kapareho lang ng sa dish washing liquid.
▶at kung may fabcon, dapat meron ding detergent powder. P40 kada kilo naman po ang bentahan nito. sabi ni wifey (na syang naglalaba sa bahay) mabango at mabula naman daw kapag ginamit. dati kaseng CHAMPION ang gamit namin at syempre, nag-shift na kami sa produkto namin dahil sa mas murang halaga, parehong kalidad naman ang nakukuha namin sa paggamit ng "sariling amin." ;)
▶sa pang-matagalan at mas kapaki-pakinabang na "investment," ang CARITAS HEALTH SHIELD naman po ang bahala sa inyo. ang bentahe ng Health Care Provider na ito, para syang savings account. sa loob ng limang taon, nagbabayad ka ng premium mo pero ang buong benepisyo ay matatanggap mo higit pa sa bilang ng taon na ibinabayad mo. kung ikukumpara sa ibang sikat na health care provider, taunan kung magbayad ka sa iba at kapag hindi ka nagkasakit (salamat naman kung hindi ka magkakasakit pero...) yung ibinayad mo ng isang taon ay wala na. sa CARITAS, naka-imbak yung ibinayad mo at maibabalik sa iyo. sa karagdagang impormasyon, feel free to have an appointment with us. KKB muna kung magyayaya kayo ng meet-up sa isang kofi shop o any food establishment. hindi pa kase kami mayaman :P

ⓐⓣⓑⓟ
▶tinext ako ni mamsi. pinaalala nya yung re-application namin sa Canada. medyo negative ang response ko sa kaniya. una, hindi ganun kadali kapag "nadidiskaril" ang takbo ng buhay mo. aminin man natin at hindi, ang paga-abroad ay nakakapagpabago ng takbo ng buhay mo. lalo na kung migration ang binabalak mo. yun nga lang pagta-trabaho sa ibang bansa, sobrang dilemma ang hatid sa akin, yun pa kayang pang-habang-buhay na paglipat sa panibagong lahat-lahat?
▶matalino ang anak ko. hindi dahil sa ako ang tatay nya pero nakikita ko/namin ni wifey na maraming siyang alam na para sa edad nya, tingin namin ay advanced na. pangarap ko, maging isko sya sa UP. para libre tuition fee hehehe... ayoko syang mag-artista. strict ang tatay nya. studies first. saka kaya ko pa namang magtrabaho para buhayin ang mag-ina ko. at kung artista lang din ang usapan, pwede pa naman ako, kami ni wifey. hahaha dream on! blog ko to walang pakialamanan! :P
▶marami na kong nami-miss... pagpapa-massage, panonood ng sine (widescreen edition please), pamamasyal nang medyo may kalayuan (road trip), uhmm... puro luho pala ito. sa ngayon kase, prioritizing muna sa needs. 'ika nga ng matandang kasabihan, "habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot."
▶excited ako sa pagdating ng December.. uuwi kase si Ate B para sa kasal ng isang pinsan namin at mini-reunion na rin ng pamilya. yun nga lang, hindi ako makapagbakasyon ng todo-todo. paki-spell nga ang N-O-W-O-R-K-N-O-P-A-Y?
▶lone weekend pala sa darating na weekend, at pati sa susunod na linggo, long weekend ulit. teka, saan nga bang dictionary mababasa ang "long weekend?"

Saturday, October 15, 2011

should death penalty be brought back?

[caption id="" align="alignleft" width="300" caption="courtesy: kilusangmayouno dot org files"][/caption] there are too many crimes lately. following the (SM) mall shooting incidents the previous weeks, other crimes that made it to the top stories of prime time newscasts are alarmingly growing:

- hostage-taking in a bank in Cavite
- assassination of a high-ranking school official in PUP
- massacre in Laguna
- the rape and killing of a 19-year-old UPLB student

other crimes were even committed by minors so the senators want age of criminal liability returned to 9 yrs. old.

with all these crimes being committed (and petty crimes happening everyday), it leads us to ask once again, "Should death penalty be brought back?"

--------------

i was disturbed by the amateur video of the SM mall shooting incident in Pampanga which happened last month. in the amateur video posted online, one of the victims was still moving as police and security personnel from the mall just walked around them. the (almost) 3-minuter video showed no signs of help from the authorities and yes, some people managed to document it on video. the video even caught one person taking photo of the scene.

in an interview with the PNP Chief, he said the authorities handled the incident properly and that only one side of the (cut) video was shown. on the latter part, he added, it was the same authorities (as seen on the amateur video) who took the victims away and brought them to the hospital.
full story here.

Tuesday, October 11, 2011

Antukin

Monday, October 10, 2011

Lunes na pala

another week... kayod na naman para mabuhay. sa pagkakaalam ko, nagtatrabaho tayo para mabuhay at hindi tayo nabubuhay para magtrabaho. get the difference?

umarangkada na si wifey para sa aming much needed "extra income" at sana, ma-reconcile ko ang sked ko sa sked ng mga appointments nya. gusto ko kase, ako pa rin kasama nya sa paglalakad ng kaniyang mga mini-negosyo na matagal-tagal na ring nakatengga. and now, lets make these happen! go, team, go! :P

i'm seriously contemplating on moving to a "home" network... kung kailan nagsisimula na akong medyo pagkatiwalaan sa pinirmahan kong programa. muntik na akong maging Associate Producer noong nakaraang biyernes, October 7, 2011. yep, i-dokumento ko lang dahil sobrang dalang dumating ang pagkakataong ito, katunayan, hindi pa nga natuloy. mahabang kwento. at bago ako makapag-AP sa programa namin, mahaba rin muna ang listahan at maraming taong lalagpasan kaya tulad ng nasabi ko, sobrang dalang na mangyari ito. Feb 28 kami nag-launch, muntik na akong maging AP noon lang Oct 7. yup. muntik na.

masarap ang pakiramdam dahil nagpakita iyon ng pagtitiwala sa kakayahan ko (kahit kaunti). ilang beses na rin akong inalok ng EP post pero ilang beses ko ring tinanggihan yun. para sa akin kase, salat pa ang kaalaman ko para sa gampaning iyon. at minsan ko lang hindi magawa nang tama ang pagpapatakbo sa 5-minuter program na iyon, tapos na agad ang career ko sa kumpanya. at hindi basta tapos na. pangit na pagtatapos pa at markado na ang buong katauhan ko ng mga taong hindi naman ako lubos na kilala pa.

may ilang beses ko na ring sinabi na kailangan ko ng raket sa labas ng pinagtatrabahuhan ko, pero dahil mailap ang magandang pagkakataon, nagkasya ako sa pagraket sa loob din, sa ibang programa. ok naman ito pandagdag sa kaunti kong kinikita pero mas ok sana kung mas higit pa ang kikitain ko. ang haba na kase ng listahan ko ng mga dapat magawa, at hindi ko pa rin maisagawa dahil sapat lang para sa priorities ang buwanang talent fee ko. madalas nga kapos pa. pero sabi nga ng South Border, "there's a rainbow always after the rain." naniniwala ako doon, kahit pa marumi na ang hangin sa kapaligiran at polluted na ang himpapawid.

siguro sa susunod kong mga posts, ilalatag ko rito yung small business ni wifey. sana tangkilikin nyo, kung gaano tinangkilik ng mga tao ang mga produkto ng namayapang si Steve Jobs.

Wednesday, October 05, 2011

Salamat po, Ma'am, Sir!

Si Ma'am Elicanal ang unang-una kong naging adviser sa formal school. Siya ang adviser ng Kinder section Snow White sa Trinity College of Quezon City (Trinity University of Asia na sya nagyon!) Uhmm... naaalala ko pa siya. Dalawang beses yata siyang dumalaw sa bahay namin. Yup... house visitation. Hindi ko alam ang dahilan ng pagdalaw niya at kung ano ang pinag-usapan nila ng nanay ko pero ang natatandaan kong sinabi sa akin ng nanay ko, nag-aalok daw si ma'am ng insurance? Pero in fairness kay ma'am, kinumusta muna (raw) nya ako sa bahay kung gaano ako kabait na anak, at in-update nya rin ang nanay ko kung gaano ako kahusay na estudyante. pero kung ang pagdalaw nya sa bahay ay isang oras, tatlong minuto lang yun at ang 57 minutes ay puro business na ang usapan.

Si Mrs. Del Rosario ang adviser ko sa section Diamond noong grade 4. Math teacher sya. Magaling din siyang magbilang ng panukli sa mga bumibili ng yema nya na itinitinda sa classroom. Mabait sya... sa pag-aalok ng paninda nyang yema. Hindi ko lang matandaan kung may bearing ba sa grades yung pinakamaraming bumili ng yema. ako kase, paisa-isa lang ang bili kada araw.

Si Miss Mandate... siya naman ang adviser namin sa grade 5 section Aquarius. Ang ipinagtataka ko, meron kaming scheduled subject pag oras nya pero sa araw-araw na nagkikita kami para sa klaseng ito, puro homeroom lang ang nangyayari. feel na feel ang pagka-adviser. ok lang naman kase masarap makinig ng mga payo nya. kaya lang, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga ang subject na itinuturo nya sa section namin.

isa sa pinakapaborito kong guro noong elementay ako ay si Mr. Linsangan. teacher sya sa music. kung uso na noon ang Pilipinas Got Talent o Talentadong Pinoy, pasok sya sa pakontes na ito. lahat yata ng musical instrument na pwede nyang dalhin sa classroom, kaya nyang tugtugin. pinayaman niya ang interes ko sa musika. sa kaniya ko natutunan ang magagandang Kapampangan folk songs. Siya ang lumikha at naglapat ng musika ng University hymn namin. Huli kaming nagkita pagkatapos ng graduation nung elementary, ay sa kasal na ng kaibigan ko nung hig school.... siguro more than a decade after. pero hindi pa rin kumukupas yung galing nya sa pagtugtog. tumugtog sya dun sa reception.

^ sila ang memorable teachers ko nung kinder/elementary.

Si Ms. Patiu ang adviser namin sa I-Genesis. hindi sya masyadong gumawa ng "ingay" sa HS life ko pero nang maging Filipino teacher ko sya nung 2nd year, parang lalong nawala sya sa listahan ng mga guro na kumukuti-kutitap sa alaala. although, naalala ko pa rin sya kase hindi ko na-appreciate ang ganda (raw) ng Florante at Laura. oo. maganda raw yun. pero nang ituro yun sa amin ni Miss Patiu (sori mam pero eto ang totoo kong saloobin) parang.. ngek, yun na yun?

moving on... ang terror teacher na si Ms. Garilao ang naging adviser namin sa II-Jeremiah. bago ito, looking forward akong maging guro siya. pero nawala rin ang "spark" nang maging adviser namin sya nung second year. all throughout her advising career daw (kase) eh nasa section one sya. at yun lang yung time na na-reshuffle sila at napunta sya sa section 2 (section namin). lagi nya kaming kinukumpara sa mga section 1 na nahawakan nya. anyway, biology ang tinuturo nya. isa sa mga subjects na ayaw ko. kaya tuwing bio subject na, kinakabahan kami, oo, kahit adviser namin sya. sa buong school year yata, tatlong beses lang syang ngumiti sa harap namin. laging parang pasan ang daigdig at galit sa tao. oh well...

III-Corinthians, University of the Assumption (High School)
Si Mrs. Pingul ang tanging naging adviser ko na kababayan ko rin. Sa lahat yata ng adviser, sya ang pinaka-introvert. Yung tipong hindi ka kakausapin kapag hindi mo tatanungin. Parang kulang sa PR. Hindi tuloy bumagay sa kaniya yung tinuturo niyang subject--- social studies. Isa rin pala siya sa mga teachers na bumisita nang personal sa bahay namin. Pero hindi ako ang pakay niya. At this time, tuwirang hinanap ang lolo ko (na tumatayong guardian ko noon)... hindi para sabihin ang lagay ko sa school kundi para bentahan ng life plan. yup, insurance agent din ang lola nyo, este, ang titser ko.

nung 4th year naman, wala akong subject sa ilalim ng adviser naming si Mrs. Magtoto. Sya ang head ng PE Department sa school at home economics na pambabae yata ang specialty nya. kaya ayun, kapag homeroom lang kami nagkakaroon ng pagkakataon na makasama siya. Isa sya sa mga cool teachers sa school kaya masaya ang 4th year life namin.

special mention kay Mr. Canlas na agad natanggap pagkatapos maging student teacher noong 2nd year kami. noong 3rd year, sya ang naging teacher namin sa Advance Biology. At nung time na nagdidiscuss sya tungkol sa stimulus and response, sobrang natural ng naging example nya... lumindol ng napakalakas. takbuhang umaatikabo ang mga estudyanteng nasa building pa. si Mr. Canlas, classic. Matapos naming maramdamang yumayanig ang building, sumigaw pa sya ng "Don't panic!" pero dahil bago lang syang teacher at buhay namin ang pinag-uusapan, hindi namin ssya pinansin. unahan kami sa pintuan at hagdan. Paglingon namin sa harapan ng classroom, una pa palang nag-disappearing act si Mr. Canlas at nang makita namin, nasa baba na ng building. hanep! Don't panic nga!

at dahil hindi naman ako seryoso sa pagaaral noong college, isa lang ang katangi-tanging guro na masasabi kong naging malaking impluwensya ng mga pananaw ko sa buhay pagkatapos ng buhay-estudyante ko. si Ma'am Fe Aguilar-Walath. Apat na taon akong nasa ilalim ng kaniyang pagkandili bilang adviser namin sa prestihiyosong Glee Club. Wala siyang kinalaman sa kursong kinuha ko pero malaking bahagi ng college years ko, siya ang naghubog sa akin pagdating sa self-development. marami siyang values na naibahagi at naiwan sa puso at isipan ko, na naibabahagi ko rin naman sa ibang mga tao ngayon na nakakasalamuha ko. may mga bagay na hindi ko inakalang kaya kong gawin pero dahil sa kaniya, nagawa ko. may mga katanungan sa buhay na noo'y hindi ko nasagutan pero dahil sa paggabay niya, natutunan kong unawain. Maraming salamat po, Nanay Fe!

Sa lahat ng nabanggit kong guro dito sa blog post, may mga negatibo mang pagpuna, taos-puso po akong nagpapasalamat. Alam kong hindi madali ang maging guro, at para manatili sa propesyong ito, ibayong dedikasyon ang kailangan. Sa maliit na sahod katapat ng malaking responsibilidad, saludo po ako sa inyong lahat! MARAMING SALAMAT PO! Special mention din po at thank you kina Sir Elson, na hanggang ngayon ay naniniwala sa kakayahan ko, kay Boss Noriel na nagtiyagang magturo sa akin ng mga dapat kong gawin sa loob ng warehouse, kay Doy, na nagtiyagang umalalay sa mga unang linggo ko sa GMA newsroom, at sa mga taong nagturo sa akin na sa buhay, kailangan mong matutunan na sumabay sa agos nang hindi naipagsasapalaran ang pagpapahalagang nakaukit sa iyong puso at isipan. Salamat po.

Tuesday, October 04, 2011

BAWAL MAGKASAKIT!

nitong Sabado, tinamaan ako ng matinding allergy sinusitis. as usual, sinipon ako nang todo-todo. sayang. 2 programa ang kumontak sa akin at pinapa-raket ako... pambawi na sana sa dalawang araw na leave ko last week. pero, ayon nga sa kasabihan, health is wealth. aanhin ko nga naman ang pera kung ang kikitain ko ay malulustay lang sa pambili ng gamot o pambayad sa pagamutan? kaya nanghinayang man ako sa oportunidad na mabawi ang absents ko, di bale na lang. ang masaklap nito, hindi na nga ako tumabi sa mag-ina kong matulog nitong sabado ng gabi, nahawahan ko pa rin sila ng sipon at ubo. kinakabahan ako kase lumipas na ulit ang isang buwan. pero sana, ma-break na namin ang one month jinx ng anak ko na kada-buwan ay nao-ospital. pakiramdam ko, hindi naman mauuwi sa pagka-confine dahil masigla naman sya at kumakain pa rin. bukod pa run, napakakulit pa rin. kaya good signs :D BAWAL MAGKASAKIT. mula sa akin na no work, no pay, kay wifey na tanging nag-aalaga sa aming dalawa ng anak ko, at lalo namang ayoko nang magkasakit ang anak ko. mahirap makita na nahihirapan siya kahit simpleng sipon at ubo man lang. sa pabago-bagong panahon, 'ika nga ni kuya john lloyd... "ingat!"

Monday, October 03, 2011

A Different Perspective

One day, the father of a very wealthy family took his son on a trip to the country with the express purpose of showing him how poor people live. They spent a couple of days and nights on the farm of what would be considered a very poor family.

On their return from their trip, the father asked his son, "How was the trip?" "It was great, Dad." "Did you see how poor people live?" the father asked. "Oh yeah," said the son. "So, tell me, what did you learn from the trip?" asked the father.

The son answered: "I saw that we have one dog and they had four. We have a pool that reaches to the middle of our garden and they have a creek that has no end. We have imported lanterns in our garden and they have the stars at night. Our patio reaches to the front yard and they have the whole horizon. We have a small piece of land to live on and they have fields that go beyond our sight. We have servants who serve us, but they serve others. We buy our food, but they grow theirs. We have walls around our property to protect us, they have friends to protect them."

The boy's father was speechless.

Then his son added, "Thanks Dad for showing me how poor we are."

Isn't perspective a wonderful thing? Makes you wonder what would happen if we all gave thanks for everything we have, instead of worrying about what we don't have. ;)

[Originally posted last September 14, 2006]

Related Posts with Thumbnails