Saturday, October 12, 2013

bugbog na ang mga Pilipino

ang tagal ko ring hindi nakakapag-blog. sa maraming bagay na maaaring ikuwento, ito ang napili kong isulat. may ilang linggo na rin kase ang isyu sa anomalya ng paggamit ng mga mambabatas sa kanilang pork barrel. nakakapagngitngit lang na sobrang kapal ng mga nakaluklok sa gobyerno. hindi na naawa sa mga ordinaryong mamamayan na ang liit na nga ng sweldo, ninanakawan pa sa tax na kada sahod eh kinakaltas sa kanilang kita. sabi ko nga, ok lang magbayad ng tax. pero sana naman, di ba, gamitin sa tama. mga tinamaan ng magaling yang mga yan. kapal lang ng mga mukha. magpasarap sa perang hindi kanila? yung bunga ng pagpapawis ng mga taong sakto lang ang ikinabubuhay sa araw-araw, gagamitin lang sa personal na kapricho?

may mga pamilyang naapektuhan ng gera sa Zamboanga. mga pamilyang nasalanta ng mga pagbaha dahil sa kalamidad at patuloy na pag-ulan. nasaan ang buwis na binabayad ng mga mamamayan na sa ganito sanang mga panahon ay napapakinabangan ng mga dapat pag-ukulan ng tulong? kung titignan mo at uunawain ang mga expose kaugnay ng pangungurakot na ito, nakakakilabot. sa mga "proyektong" multo, inilulusot ang kaban ng bayan para pakinabangan ng iilan. ang masaklap pa nito, ilan sa mga nakikinabangan ay nakapwesto sa pamahalaan at humahawak ng 'kapangyarihan.' paano ka pa magtitiwala sa slogan na "matuwid na daan?"

- - - - - - - - - - - -

10 na raw ang namamatay sa kaso ng leptospirosis sa olongapo. daan-daan pa ang kaso na ngayo'y nilulunasan sa ospital. hindi lang ito epidemic ayon sa department of health. outbreak na itong maituturing. bihira akong makarinig ng balita ng pagbaha sa Olongapo pero sa nakaraang habagat, sapul sila ng kalamidad. mauuwi na naman sa usapin ng illegal logging ito. kaya madali nang magbaha ay dahil sa pagkasira ng kalikasan. kung pwede lang magsalita ang mga kawawang puno, siguro minumura na nila yung mga walang habas na tumatapos ng kanilang buhay. pero 'ika nga, ang tahimik ay matindi raw gumanti. ayan na nga. kung masusi lang na susuriin, ang gobyerno na naman ang may sala rito. sila kase ang nasa kapangyarihan para tuwirang mangalaga sa ating mga likas na yaman. paano ba nakakalusit ang mga ganid sa pagi-ilegal na troso? imposibleng makalagpas sa checkpoints ang mga yan... sa laki ng mga kawawang puno na ipinupuslit, hindi nila ito malalaman? lagay-lagay lang din pag maraming time.

- - - - - - - - - - - -

good news naman nitong nakalipas na mga araw... Congratulations kay Megan Young sa pagkaka-sungkit ng kauna-unahang MISS WORLD title para sa Pilipinas. karapat-dapat kang maluklok dyan at nawa'y matupad mo ang lahat ng gampanin ng isang Miss World titlist, sa karangalan ng ating inang bayan.

Related Posts with Thumbnails