may ilang linggo na rin ang lumipas mula nang ibalita sa akin ni Kuya Chinggoy ang paglabas ng pinaghirapan nilang aklat.. ang Unang Putok ni Glentot. una ko pa lang nabalitaan na "niluluto" nila ito, natuwa na ako. unang-una, binalak kong sumali sa isang proyektong kauri nito pero hindi natuloy. pangalawa, na-imagine ko pa lang ang magiging laman ng aklat, naisip ko na agad na papatok ito. pangatlo, pareho kong kaibigan ang dalawa sa mga bumuo nito at nakilala ko sila mula sa mundo ng blogosperyo.
[caption id="attachment_3144" align="alignnone" width="207"]
ang "Unang Putok" ni Glentot[/caption]
kaya kagabi, pinilit kong dumaan na sa pambansang aklatan (National Bookstore) sa may Robinsons Metro East kung saan available daw ang kopya ng aklat ni Glentot (ayon sa ads and promotion material nya sa blog nya). excited akong tumingin sa shelves, naghanap sa "new arrivals" section. wala pala. ikot ulit sa shelves, hanap... hanap.. hanap... saang section kaya naroon yun? wala sa FICTION. wala sa ROMANCE. wala sa BIOGRAPHY. wala rin sa HUMOR... nasa RELIGION shelf kaya? last resort ko na yun. wala pa rin. kaya minabuti ko nang tunguhin ang customer service nila at ibulong sa babae, "Miss, meron kayong Unang Putok?" nung bigyan ako ng isang salitang tugon na "ha??" with matching taas-kilay-sa-noo facial expression, doon ko medyo na-realize na may pagka-double meaning yung tanong ko. o baka nga sa kanya, isang meaning lang yung sinabi ko. kaya nilinaw ko, "Miss, meron kayong new arrival na libro na ang title ay Unang Putok?" "ah. sinong author?" "di po kase ako sure kung gumamit sya ng pen name." hanap sa computer si ate sa inventory nila. after a few minutes and many keyboard strokes, nagsalita yung babae, "ahh... ohh... uuhhmmm... (joke lang, walang ganung halinghing) eto. wickedmouth? isinulat ni Glentot!" "ay, yan na nga po!" "wala kami. meron sa national sa recto. meron din sa megamall." gusto ko syang bigyan ng makulay na poker face. "MISS. baka sa Sta Lucia meron?" "ah, oo. meron nga pala." ktnxbye!
nagmamadali kase ako dahil hinihintay ako ng mag-ina ko sa kanto. kaya excited kong tinahak ang walking distance branch ng national bookstore sa sta. lucia mall naman. sure ako meron na rito. bukod kase sa mas malaki yung branch nila, dapat lang meron na kase kung wala pa rin, aawayin ko na talaga si Chinggoy! (na-text ko na nga pala sya at sinabing walang stock sa robinsons metro east, taliwas sa advertisement ni glentot)
so ayun. dahil kulang na ko sa time, dumiretso na ko sa Customer Service at nagtanong ulit in a well-toned manner voice, "miss, may Unang Putok kayo?" naulit yung taas-kilay-sa-noo facial expression na natanggap ko sa kabilang branch at gusto ko nang tawagan si glentot para sabihing umiiba na ang imahe ko sa katatanong ng titulo ng libro nya sa mga babaeng akala naman nila eh ubod sila ng attractive. anyway, dahil excited akong makabili nung libro ni friend glentot, in-specify ko ulit yung tanong at dali-dali akong kinaladkad isinama sa "humor" section... Lo and behold! eto ang nakita ko:
[caption id="attachment_3143" align="alignnone" width="300"]
Unang Putok ni Glentot sa Humor shelf[/caption]
hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, i grabbed one copy and went to the cashier. without batting an eyelash, put out my 500-peso bill and paid for my precious copy of the book! sana matuwa yung dalawang blogger friends ko. i'm sure matutuwa rin naman ako sa libro. in fact, babaunin ko ito sa flight ko sa Iloilo bukas. great timing! di ako matutulog lang sa eroplano this time. gusto ko na sanang buksan kagabi pag-uwi ko kaya lang baka matapos kong basahin, wala na kong babaunin sa air trip ko. as the name of the book suggests kase, mukha syang pringles.. once you popped, you can't stop. baka pagbukas ko ng unang pahina, maya-maya huling pahina na pala yung binabasa ko. so ayun.
sa halagang 200 pesos, nangilin ako ng isang full body massage session para mabili ko ang aklat na ito. (glentot, alam mo na kung anong gift cert ang ibibigay mo sa akin sa bagong taon, hehe)
[caption id="attachment_3142" align="alignnone" width="300"]
ipinangilin ko ng isang body massage ang pagbili ko ng aklat na ito. sulit, pramis![/caption]
sulit na itong aklat na ito. sabi nga ng may-akda, somewhere inside the book, meron din itong moral story, kahit di sya sure, basta! grab your copy now! ;)