Monday, December 06, 2010

may isang blog

may (higit) pitong taon na rin pala akong nagba-blog. sa loob ng mahigit na walumpu't apat (84) na buwan ng pagba-blog ko, marami na rin akong nabasang blogs. may mga ex-links na hindi na aktibo, yung iba ay araw-araw kung mag-update, yung iba naman tamang pabugsu-bugso, yung iba ay tama lang. bagama't malungkot na yung ilang blogs na sinusundan ko noon ay di na gasinong naga-update at yung iba nga ay tuluyan nang tumigil, nakatutuwa naman na laging may bagong mga sumusulpot at nawiwilihan ko rin namang basahin.

may isang blog. natagpuan ko ito dahil naka-link sya sa mga blogs na ka-ex-link ko. sa iisang kategorya lang kami pareho: personal blog. pero ang estilo ng pagsulat namin ay magkaiba. una, na-culture shock ako sa pahina nya. hindi kase ako sanay sa ganung babasahin. pero may katuturan ang laman ng blog nya. kumbaga sa isang bagay, hindi ampaw. at kahit ramdam mo na problema ang isinusulat nya, madali nya itong idaan sa isang nakakatuwang paraan. tipikal na Pilipino--- masayahin.

sabi ng iba, kung ikaw ay blogger at marami kang mambabasa ay isa ka na ring "celebrity" in your own little way. kaya kung magkakaroon ako ng pagkakataong ma-interview ang sikat na blogger na ito, hindi ko yun palalampasin. tutal, kung mangyari man yun at maisulat ko dito sa blog ko ang ilang mga bagay sa likod ng blog na iyon, sigurado akong matutuwa rin ang mga nagbabasa sa blog ko dahil kilalang-kilala nila ito. panghuli, sino ba sa mga bloggers ang hindi natutuwang makilala ang tunay na katauhan sa likod ng mga titik na nababasa lang nila sa cyberspace?

(naalala ko tuloy si Bob Ong. sumikat na't lahat, hanggang ngayon ay anonymous pa rin. HMP.)

6 comments:

  1. Naks! Me blind item! Sinong blogger ang tinutukoy mo? LOL!

    ReplyDelete
  2. adik hindi naman blind item yan kase hindi ko naman pinapahulaan kung sino tinutukoy ko. :P

    ReplyDelete
  3. sinetch itey? hahaha

    ReplyDelete
  4. kilala ko ba yang sikat na blogger na yan. hehe

    ReplyDelete
  5. kilala ko ito! sus, magsisisi ka pag nakilala mo sya imperson! haha!

    ReplyDelete
  6. eh sino nga ba yang blogger na yan?

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails