Monday, September 20, 2010

pampalamig

[caption id="attachment_1709" align="alignleft" width="150" caption="ice scramble Y2K10 edition"][/caption] -ber month na nga at halos patapos na ang unang "ber" month pero parang mainit pa rin ang panahon dito sa Pilipinas. kadalasan, pawisan pa rin ako kahit kaliligo ko lang dahil nga sa init. sa labas naman, nuknukan ng init ang sikat ng araw at talagang hindi ka makatatagal ng kahit sampung minuto sa pagkakabilad mo rito. kaya madalas kami ng pamilya ko sa mall. hindi upang mag-ubos ng pera (dahil unang-una wala naman kaming uubusin :D) pero para magpalamig. yup, yup, yup... MAGPALAMIG. isang magandang paraan ng family bonding ang pagmo-mall at mahusay rin ang gawaing ito para makatipid kami ng kuryente sa bahay. tutal naman, maghapon hanggang gabi bukas ang air condition ng mga malls, sulitin na natin ang paggamit nila nito. sa mall, marami kang makikita na eengganyo sa yo na gumastos. pero kadalasan, malakas ang will power namin ni wifey na hindi gumastos (dahil nga wala naman kaming gagastusin). pinupudpod lang namin ang gulong ng stroller ni ayapot kakaikot ng mall at mabuting practice-an din ni ayapot ng kanyang walking skills :P nitong nakaraang mga linggo, isang nakakatawag ng pansin sa isang mall na malapit dito sa amin ay ang kiosk ng buzTopps ice scramble. HINDI NAWAWALAN NG PILA DITO simula yata mall opening hanggang mall closing! una, dalawa lang ang staff ng maliit na kiosk nito. kahapon nang maisipan kong makipila, lima na sila! halos walang tigil ang paghalo nila ng yelo at noong kulay pink na pampakulay sa ice scramble at salit-salitang binubuhat ang mga ice box na pinaglalagyan ng timpladong pampalamig na ito. sa mura (pa) niyang halaga, nauunawaan ko kung bakit hindi maubos ang pila nito at naka-isip ako ng ilang mga dahilan:

1. mainit. mahusay itong pampalamig.
2. mura ito sa halagang P10 small, P14 medium, P17 large.
3. mura pa rin kahit mag add-on ka ng marshmallow (P3), candy sprinkle (P3), chocolate sprinkle (P3) o kaya ay mini-sago (P3)
4. binabalik nito ang ala-ala ng iyong kabataan.*

*yes, kids of the 2000's... street food po ito nung aming kabataan (batang 80's po ako at hindi ko naman dine-deny). nilalako ni manong sa kalye at ang pinaka add-on lang nito noon (bukod sa masarap na powdered milk) at yung chocolate na brown cow. sabi ng matatanda, marumi raw ito. para sa aming mga kids (at kids at heart), walang marumi-marumi sa nalapaglalaway na pampalamig.

sa mall na malapit sa inyo, meron na rin ba nito?

6 comments:

  1. kung hindi ako magtu-tuition sa grad school, dapat kukuha na ako ng franchise niyan, wala pa kasing 50 thou, tapos mabenta pa...

    ReplyDelete
  2. masarap ang iskrambol na maraming skimmed milk. manonood ka pa kay manong habang ginagawa yung iskrambol dun sa makeshift machine nya na panghalo. tas tsaka ka lang bibili after ng show

    ReplyDelete
  3. ayun negosyante ka rin pala. pa-finance ka muna kay chinggoy tapos bayaran mo pag nabawi na yung capital. :D

    ReplyDelete
  4. tama. showtime talaga yung "The Making" ng iskrambol :P

    ReplyDelete
  5. ikaw kaya ang mayaman... pag bumili ka ng oto, parang nag-Jollibee ka lang heheheh :p

    ReplyDelete
  6. oto...shoes? :P

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails