Wednesday, September 22, 2010

paglalambing

ang post na ito ay para sa iyo. yup, ikaw na nagbabasa nito. baka kase nag-iisip kang regaluhan ako, para hindi ka mahirapan, iuukol ko sa iyo ang blog post na ito. hindi naman ako mahirap bigyan. naniniwala kase ako sa kasabihang "it's the thought that counts." kaya kahit ano naman tinatanggap ko. pero para hindi ka na manghula ng mga bagay na gusto kong matanggap sakaling naisipan mo akong bigyan ng regalo out of the blue, narito ang mga simpleng bagay at mga alternatibo nito, kung gusto mong mas higit akong paligayahin:

√ Archie's Digests or Jughead Jones Digests. mas ok kung Double Digest ang ibibigay mo kase mas maraming laman yun.
√ at dahil mahilig ako sa kape, natutuwa na kong makatanggap ng coffee mug. pero mas ok kung tumbler na may tatak *ehem-FIGARO-ehem*... (sige na nga, pwede na rin Starbucks)
√ sa araw-araw kong pagmamaneho, maa-appreciate ko nang lubusan kung bibigyan mo ako ng FREE GAS coupon (or card). pero hindi ako papalag kung patatahian mo na lang ng bagong seat cover yung sasakyan ko :)
√ HUGGIES diaper (XL) para sa baby ko. hindi rin naman ako magseselan kung mas pipiliin mong magbigay ng GAIN Plus para sa kanya ;)
√ ang walang kamatayang guapples. napakahilig ko diyan. pero ok lang din naman kung ang ibibigay mo ay washington red delicious apples--- yung malutong ha, hindi yung malabsa. kung hirap kang alamin kung alin ang malutong na mansanas sa mga fruit stands, pwede na rin sa akin yung seedless grapes. green or red, it doesn't matter as long as they are seedless :D
√ new job. *teehee*



wala namang okasyon pero baket, tuwing may okasyon lamang ba pwedeng magbigay ng regalo? :D

11 comments:

  1. Anong okasyon? Berdey mo? HABERDEY AAJAO!

    Ano 'yung "Tee Hee"?

    ReplyDelete
  2. walang okasyon. haha! yung *teehee*? secret! :P

    ReplyDelete
  3. LOL. Birthday mo??? Happy Birthday!!!

    ReplyDelete
  4. bertdey mo ulet? :)

    ReplyDelete
  5. so ayan pala pagpaparinig mo... hahaha... sige, pag nagkita ulit tayo, meron ako ibibigay isa dyan sa listahan mo. :D

    ReplyDelete
  6. haha hinde. pero hindi ka rin nagbigay ng regalo nung bertdey ko. LOL :P

    ReplyDelete
  7. ayoko. ibig sabihin nun, tatanda ako double time! wahahaha :D

    ReplyDelete
  8. huh? sinong nagparinig? ssshhh... :P

    ReplyDelete
  9. ah, hehehe, mahilig ka pala sa archies. ako naman hardy boys! :D
    but i do read archies noon. i know may cartoon eto, napapalabas ngayon.

    ReplyDelete
  10. noted kuya!

    sabihan mo ako ng mas maaga kapag magmemeet tayo ha, para mahanda ko yung PAPASKO ko sa iyo..ahahaha, joke!

    pero seriously, may matatanggap ka mula sa akin kapag nagmeet tayo..kuya, ano yung guapple?sana makatikim ako ng ganun..

    ingat parati kuya!

    (btw, just wanna say thanks for being a kuya to me)

    ReplyDelete
  11. looking forward to meet you soon, too. pakiramdam ko marami tayong pag-uusapan. yup, salamat sa pagtuturing mo sa akin ng "kuya". malaking karangalan para sa akin na maituring na ganun ;)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails