Friday, February 12, 2010

taym pers!

malapit na ang balentayms day... araw na kinasasabikan ng mga kabataan (at ng matatanda na rin na may nakatakdang "date" sa araw na iyon.) ako ay hindi naman nag-oobserba ng balentayms day dahil para sa akin, araw-araw ako dapat na inlababo sa asawa at anak ko (naks naman, me ganun!) kasabay ng araw na ito ay ang opisyal na pagpasok ng taon ng tigre at dahil nga tsino ang aming bossing sa opisina, maagang iginagayak ang tanggapan para sa pagsalubong ng Chinese new year! at naalala ko, ako nga pala ang naatasan ng admin na mag-email sa lahat ng kawani upang ipaalala na dapat kaming magsuot ng pula sa lunes. malamang ay mayroon uling lion dance ceremony na magaganap at sagana sa pagkain sa opisina sa lunes, yum! yum! gayundin, mamimigay ulit ng kahong-kahong tikoy sina bossing. may ilang taon na rin akong nabibigyan nito pero hindi ko naalala na naubos ko ito. mas malamang na si wifey pa dahil paborito nya ito.

taym out muna... ano itong nangyayari sa bulacan at pampanga na kung saan halos magkasunod na napatalsik sa pwesto ang kani-kaniyang gobernador dahil di umano'y natalo sila ng may ilang boto sa eleksyon noong 2007 ayon sa commission on koleksyon... election? ito ay bunga na rin ng pag-apila ng kani-kanilang katunggali sa politika. ano naman ang magagawa pa ng mga bagong luklok sa pwesto gayung halos tatlong buwan na lang sila uupo sa pinakamataas na luklukan ng lalawigan nila? wow. talaga nga naman, onli in da pilipins!

eh ano naman daw yung bagong palabas ng isang malaking estasyon sa TV na gumaya (na naman) dun sa orihinal na format ng showtaym?! is it dat? dis is it? bagama't humanga ako sa nasabing estasyon sa pagpupursigi nitong mabigyan ng magagandang palabas ang kanilang manonood, hindi ako kumporme sa panggagaya. marami namang ibang ideya na pwedeng maging orihinal ang palabas mo pero ano nga bang pakialam ko dito eh hindi ko naman napapanood ang dalawang nasabing palabas na ito dahil sa oras ng airing nila eh nasa opis ako?

kopi taym! wiling-wili ngayon sa istarbaks si wifey dahil sa hindi ko alam na dahilan. iminulat ko naman sya sa pagmamahal sa figaro. hmm... marahil dala nung pagkakaroon namin ng istarbaks planner. may mga freebies pang naka-insert duon. pero gayunpaman, hindi naman niya lubusang itinatakuwil pa ang figaro at aminado rin sya na mas maganda pa rin ang "ambiance" (may ganun) sa figaro kasya anupamang coffee shops. habang nag-eenjoy siya sa paghigop ng white choco mocha ng istarbaks, lab naman namin ni boneneng ang brewed coffee + warm ambiance ng Figaro :)



taym na. taym na para ako'y maligo at maghanda sa pagpasok sa opis.

11 comments:

  1. uhm, may balemtayms ba tayo? penge tikoy! haha

    ReplyDelete
  2. ganun naman talaga ang GMA at ABS... kung ano meron ang isa, dapat meron din yung kabila... im still wonderin y GMA still hasn't come up with Pinoy Small Sister (nye!)

    mahal ang *bucks at Figaro... try our coffee heheheh

    ReplyDelete
  3. uy ano yang kape nyo? meron bang FREE TASTE? :D

    ReplyDelete
  4. araw-araw sa akin, balentayms :P gusto mo ng tikoy? sige pag nagkita tayo at meron pa, bibigyan kita ;)

    ReplyDelete
  5. Umiinom na din pala ng kape si Boneneng. LOL. Nakapanood ako ng Thiz Iz It sa Pinas. Si Ehra Madrigal lang ang worth watching dun. *tulo laway*

    Happy Chinese New Year! :)

    ReplyDelete
  6. natatakot ako para kay boneneng kasi baka bigla syang mabuhusan ng mainit na kape. ikaw talaga tito jon bwahahahaha :P

    ReplyDelete
  7. yun din ang naisip ko.

    wag ka uminom ng kape habang hawak mo ang manugang ko!

    :-/

    ReplyDelete
  8. may kapihan kau? yaman!

    ReplyDelete
  9. Bali times lang toll, ung kailangan ng advanced ng sweldo pag kakapusin na. Bali times ang tawag dun.

    ReplyDelete
  10. ako rin, pengeng tikoy :D

    ReplyDelete
  11. sige, invite ko kayo onetym... libre refill hehehe

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails