unang-una, maligayang kaarawan ng pagsilang sa isa kong blogger good friend at masugid na mambabasa ng aking munting blog, si gilbert a.k.a. gillboard. tinawagan ko sya kanina nang mag-alarm ang cellphone ko para ihudyat na kaarawan nya. nagising ko yata sya sa pagkakatulog. sori naman, tao lang. :P
bukas, gaya ng nabanggit ko na sa nakaraan kong blog post, ay birthday ng lola ni wifey. kung tawagin namin ay si ABA. niregaluhan namin sya ng ticket sa paborito nyang noontime show. nawa ay maging uber saya sya doon bukas. :)
walong buwan na pala ngayon mula nang magkatawang-tao ang isang biyaya buhat sa langit. bagama't hindi madali ang mga bagay-bagay, walang kapalit na kaligayahan naman ang ibinunga nya sa aming mag-asawa araw-araw. walong buwan na si Aya! sa maraming pagkakataon hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo, hindi nya kami pinag-alala sa kalagayan niya, dinulutan niya kami ng tuwa sa bawat sandali at kahit medyo makulit na sya ngayon, siya pa rin ang bituin na nagpapaningning sa aming sambahayan. isa sa kalokohan namin mga magulang niya ay ang kantahan siya sa gitna ng kaniyang kaligayahan... bakit daw kalokohan yun? dahil ayaw na ayaw niya ang kinakantahan siya lalo na ang may himig na mga paghuni (humming). sa hindi namin alam na dahilan, ayaw na ayaw niya ito at ang masaya niyang mundo ay sa isang iglap mapapalitan ng kalungkutan. daig pa si judy ann santos sa bilis ng pag-iyak:
Wednesday, February 24, 2010
walong buwan na pala
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


ayos lang kuya jon. madami gumising sakin kanina kaya tinigil ko na pagpapanggap matulog... hehehe
ReplyDeletesalamat sa tawag tsaka sa pagbati sakin dito!!! appreciate it...
and happy birthday bukas kay Aba!!!
Ang KYUT! parang hindi siya happy sa boses ng parents niya hehehe
ReplyDeleteHaha hangkyut nga! Nagkita na ba si Boneneng at si Red, anak ni Kuri? Hahaha. :)
ReplyDelete8 months of happiness... :) sarap maging daddy!
ReplyDeletedi pa. :D
ReplyDeletehappy 8th month sa manugang ko! :)
ReplyDeletedi pa.napurnada kc ang first meet-up nila. :)
ReplyDelete