wow. blog time! i have been longing to update this thing but too much pre-occupied with work. so, i'm not discussing work here. :p
hmm, let me see... i'll start my story with my visit to the NEU Glee Club when mom Fe celebrated her birthday. I was so delighted to see her again, and the group of course. i was looking forward to see some alumni members, and two current members: Tami & Dex, but the latter wasn't there. Anyway, i was with Arman and in the office taking lunch ahead of us were Kristie, Butch, & Edmund. A few minutes after, Weng arrived, followed by Onin & Ian B.
Food, as usual, was overflowing. well, di naman ako masyadong matakaw kaya para sa akin, marami na yung pagkain. I just ate pasta and fruit salad. di na ko kumain ng manok at kanin gaya ni Arman, hindi kumukupas, matakaw pa rin hanggang ngayon. hehehe... of course, birthdays come with a birthday cake. i think mom Fe had many cakes including cake rolls from other members who visited. but the chocolate cake seems so yummy. too bad, i didn't took a slice of it. :(
Kristie was telling me that earlier, mom Fe had the routine "birthday drama" wherein she usually displays the "mad mood" as if telling her members that there should be no funfare for the day. but then again, i was delighted to see her in a very light and good mood when we arrived. and this is the only time i have talked to her like a best friend of mine. i've asked how her health is doing, then told her to take it easy. she's been working too hard, nearly neglecting her health and everything just for the sake of her duties in school. but she assured me she's taking good care of herself and told me she rarely visits the clinic anymore. i have been talkative that time. i felt it. at the same time, i was rushing my moment with the group since i only took a lunch break out from the office.
the group's photo with mom Fe, batch 2006:
very noticeable: There is no "I" in "team".
- - - - - - - - - - - -
upon treading the way to Katipunan going back to the office, i decided to get my gurL her love food: Japanese Sweet Corn. I got one pack @ 50 bucks and the good old lady gave me two extra cobs as per my request. good buy. talk about haggling. hehehe...
- - - - - - - - - - - -
i have been to my dad's office in San Fernando last Saturday. While rain was pouring heavy that day in Manila, San Fernando displayed sunny and partly cloudy skies only. I just stayed in my dad's room (located behind his office) and watched WWE Smackdown & RAW, while waiting for our van to have the change oil done. I wasn't able to take the van home so my dad lend me his car in exchange for it. Before i went home, i bought myself (oh, it was courtesy of dad) a jar of garlic peanuts. mmm... my favorite!
- - - - - - - - - - - -
kwentong serbisyo publiko at prinsipyo
natikitan ako kaninang umaga. oo. na naman. pero sa pagkakataong ito, ako ang nagpumilit na ako'y tiketan ng isang traffic enforcer. eto ang kwento:
maaga akong umalis ng bahay: 6 am. dinaanan ko si Camille sa bahay nila at bumaybay na kami patungong Libis. Dahil malakas ang ulan, mabagal ang takbo ng mga sasakyan. Baha sa ilang mga lansangan at ma-trapik sa Manggahan. Kaya umikot kami sa may Katipunan-C5 pero nang makarating kami sa Libis ay mag-a-alas 8 na ng umaga. Pumara ang isang medyo may edad nang babae na traffic enforcer. Akala ko eh magpapatawid lang sa pedestrian lane sa tapat ng Eastwood pero unti-unting lumapit sa sasakyan namin at doon pa lang ay alam ko na. Pinatabi kami. Pwede ko syang takbuhan pero di ko ginawa sa pag-aakalang maari syang pakiusapan, dahil nga sa sitwasyon ng panahon. hindi sya tumanggap ng anumang dahilan at nagtatrabaho lang naman daw sya. isa pang pakiusap at sinabi kong isang bloke na lang mula doon ang opisina namin. hindi raw pwede. dapat daw eh mas maaga pa sa alas sais ako umalis. marahil tama sya pero kung hindi naman ganun kalakas ang ulan, halos trenta minutos lang ang magugugol ko sa byahe at inaasahan ko pa nga na 630 ay nasa opisina na ako. maya-maya, napansin kong antagal magsulat ni manang sa tiket. sabi nya, "o sige, pagbibigyan kita..." at iniabot ang lisensya ko sa akin. kinuha ko ang lisensya ko na ayaw pa niyang bitawan sabay sabi ng "wala ba tayong pangmeryenda man lang dyan?"
nagbagting ang tenga ko. manang, ang tanda mo na, ganyan pa rin ang ugali mo sa trabaho mo. "tiketan nyo na lang ho ako." ang sabi ko na ikinagulat nya:
ako: manang wag ho kayong ganyan. kung magtatrabaho kayo, linisin ninyo.
manang: eh nakikiusap ka eh, pang meryenda lang naman para tulong mo na sa nanay mo..
ako: naku manang hindi ho. tiketan nyo na ko. (sabay abot ng lisensya ko ulit sa kanya)
manang: ...
ako: wag hong ganyan. kesa maging corrupt kayo, tiketan nyo na lang ako..
manang: wala namang ganyanan, iho.. nakiusap ka kase eh
ako: akala ko ho kase maiintindihan ninyo yung sitwasyon. kung maganda ang panahon at inabot ako ng ganitong oras sa kalsada, hindi na ho ako mangangatuwiran. magpapatiket agad ako sa inyo dahil alam kong mali ako. pero hindi ho ganyan, gusto nyo lang pala manghingi. ako may kamag-anak din sa gobyerno hindi ho kami tinuruan ng ganyan.
manang: pasensya na iho. trabaho lang naman walang ganyanan..
ako: yung nga ho eh. magtrabaho ho kayo nang malinis. wag kayong mangingikil.
manang: ... (medyo bumait at nanginig sa pagsulat sa tiket)
ako: manang ano hong pangalan nyo?
manang: iho wala namang ganyanan.. o eto nakasulat naman... (tinuro ang name plate sa uniporme)
ako: sige ho akina yung tiket.
manang: hindi ko naman kukunin lisensya mo, paki bayaran na lang sa Metrobank. pasensya na iho.
ako: sige ho, ok lang.
medyo bad trip yung pangyayari. pero may mga dapat matutunan sa pangyayaring iyon:
1. sa kakaunting halaga, hindi mainam na ipagpalit ang dangal ng isang tao.
2. tulungan ang kapwa Pilipino na mai-angat ang pagkakilala sa mga public servants. alisin ang corruption sa sistema!
3. magtrabaho nang maayos. lahat ng bagay ay may katapat. huwag masanay sa pandaraya.
4. kung lalabas sa araw ng coding, agahan ang alis sa bahay nang maaga ring makarating sa pupuntahan, bagyo man o wala. :p
- - - - - - - - - - - -
guess who visited our office today and is working to promote our products?
Wednesday, July 12, 2006
stories and some.
story told by
aajao
at
2:53 pm
Labels: career, lighter side of life, occasion, onli in da pilipins
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


mas marami pang kamag anak yan sa mantrade going to south.. mga nakukuha sa 20 pesos up na binibigay ng mga kundoktor ng bus para magawang terminal ang magallanes *gggrrrr*
ReplyDelete^ lam mo, nakakalungkot talaga ang ganyang sistema sa atin. napakalayo pa ng kailangang marating para mawala ang "trademark" sa mga law enforcers bilang mga "kotongero"
ReplyDeleteat ang magagaling na mga mamamayan, kunsintidor, numero uno. tsk, tsk... sabi ko nga kanina habang kinukwento ko sa mga ka-opisina ko, mas gugustuhin ko pang magbayad ng tatlong daan pero sa wastong paraan, kaysa singkwenta pesos na ibibigay ko sa kamalian.
naks! ang drama! weheheh :D may isa pa akong kilalang kunsintidor.. ang sabi e abala daw kung papatiket at di daw nya mahaharap kaya magbigay na lang daw.. dalawa nga lalagyan nya ng lisensya, yung isa, totoong license, yung isa e ube, tsk tsk
ReplyDeleteay, pasaway!
ReplyDeletehehehe e.to so lovely and cute, . his not real, but his mine hehehe
ReplyDelete^ yea, he's all yours... si ee-teeng pugot! hahaha!
ReplyDeleteaba kailan pa nagkaroon ng trabaho si E.T. kuya? kuya nacheck mo ba yung background nyang alien na yan?meron bang criminal check yan? hahhahaha
ReplyDeleteroma, contractual lang yan. one day job lang at libre ang services nya. ganun sya kabait kaya malamang, wala rin syang criminal record. hehe..
ReplyDelete