Ang sarap maligo sa ulan. Hindi ko na maalala kung kailan yung huli kong paliligo sa ulan pero kaninang mga bandang alas siete ng gabi, para muli akong bata na tuwang-tuwang naligo sa ulan. hindi naman sa walang dahilan, biglaan lang din ang pasya kong gawin ito. mula pa kase kaninang tanghali walang tigil ang ulan, at ngayong gabi mas malakas ang buhos nito. tamang-tama naman, matagal ko nang gustong malinis ang L300 van namin. lumabas ako ng bahay, kumuha ng payong at basahan, pinunasan ang aming sasakyan na kanina pa nakaparada sa labas ng bahay. sinabayan ko ng punas ng sasakyan ang malakas na buhos ng ulan at kahit nakapayong, nababasa pa rin ako sa lakas nito. kaya, yaman din lang at naka-boxers lang ako at basa na rin halos ang katawan ko, isinauli ko na ang payong sa loob at sinugod na nang tuluyan ang malakas na buhos ng ulan. may napuna lang ako. di tulad noong mga nauna kong pagligo sa ulan, hindi yata malamig ang tubig. marahil hindi masyadong umiihip ang hangin kaya ganun. pero medyo maligamgam yata ang tubig-ulan, bakit kaya?
pagkatapos kong mapunasan ang buong katawan ng van, hinugasan ko ang basahan sa tulo ng alulod na mula sa yero ng aming garahe. at pagkatapos ay isinampay na ito sa loob. naligo na rin ako sa banyo pagkatapos, at ngayon ay preskong-presko ang pakiramdam. nai-save ko pa ang dapat sana'y pambayad sa carwash na ilang araw ko na rin ipinagpaliban dahil nga madalas umulan nitong mga nagdaang araw.
napag-uusapan na rin lang ang van, may isang hindi magandang balita ukol rito. naibangga ko sa poste ng Shopwise ang gild na bahagi ng aming sasakyan at ngayon ay namomroblema kung saan ito ipapa-pukpok nang hindi gagastos ng labis. may mga talyer na iminungkahi sa akin ang ilang mga kapatid at marahil ay mapasyalan ko bukas kung hindi naman masyadong pangit ang panahon.
kaugnay naman ng salitang "bukas", busy mode na naman ako tiyak. mula sa meeting sa umaga, at pagtungo sa Mercury, gayundin sa pagtutok sa inventory ng aming mga produkto. hayy... salamat na lang at nababalitaan ko na may bagong CS na darating sa katapusan ng buwan na ito. kailangang mai-define ko ang mga dapat na maging gawain niya at para pag nagturo ako, ok ang lahat. nakakapagod rin pala.
- - - - - - - - - -
kanina ay kina mama estela ako kumain. wala si chad, wala rin si pasaway na ryan. kaya ang kasabay ko sa hapag ay si rad at si chum, habang inaasikaso naman kami ni mama estela. pinagbalot niya rin ng pagkain si ka dan. may sakit kase si misis nya kaya wala yatang lutong ulam. actually, kahapon pa nila ako sinabihan na sinigang ang uulamin nila kaya inimbita nga nila akong mananghali sa bahay nila. syempre masarap.... hindi lang ang ulam na inihain kundi ang pakiramdam na may mga taong gusto ka pa ring makasalo sa pagkain at malaking bagay rin yung maimbita ka sa bahay ng may bahay. hindi naman lahat ng bahay ay pinupuntahan ko. mapili kase akong tao. karaniwan, at home ako sa isang tahanan kapag malapit sa akin yung mga taong nakatira doon.
- - - - - - - - - - - -
kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? wala na kong panahon masyado sa kanila. nakaka-miss din yung mga dating bagay na nagagawa namin magkakasama, ngayon ay hindi na masyadong magawa. simple lang naman yun eh: magkita sa Mr. Donut ng Megamall bldg.A, mag-usap kung saan kakain, at magkwentuhan. nun nga palang a-kinse ay tumulak na patungong estados unidos ang isa sa mga barkada--- si kerwin. mapalad na nilalang. may job offer sya run at yun ang pinakamagandang paraan para makapagdesisyon ka kung gugustuhin mo bang manatili doon, o bumalik pauwi ng Pinas kapag natapos ang kontrata ng trabaho mo. madali na lahat para sa ganung bagay pag may working VISA ka, na yun naman ang nakuha ni kerwin. eto kaseng si kerwin, masunuring anak ng Diyos kaya pinagpapala.
- - - - - - - - - -
Happy 92nd anniversary thanksgiving sa lahat ng kapatid sa Iglesia Ni Cristo! Ang tagumpay na tinatamasa ng Iglesia ngayon ay walang pag-aalinlangan na gawa ng makapangyarihang kamay ng ating Amang Diyos! :)
Sunday, July 23, 2006
ulan atbp.
story told by
aajao
at
9:56 pm
Labels: life's like that
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


last akong naligo sa ulan ay july 8. :D pero grabe, di ka naawa sa poste ng shopwise :p
ReplyDeletemaligayang anibersaryo!
ReplyDeleteJon, kamusta ka na? angdaanhym
ReplyDeleteearl sarap maligo sa ulan no? lalo na pag malakas na malakas yung ulan, yung parang shower sa bathroom ang dating. hehe..
ReplyDeletejawee di kase gumalaw yung poste eh. :p
mart same to you, bro.
reatine hello po. parang wala pa yatang laman yung webpage mo. wala tuloy ako mabasa :(
aldy, ikaw ba yan? may kapatid EB tayo sa Sunday... 5pm sa mr. donut SM Megamall bldg A and meeting time and place