Tuesday, May 23, 2006

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka

Saberdey, tinutukan ko ang mga gawain sa opisina upang maagang makaalis. naka-schedule akong tumupad sa kasal ni kuya Daniel de Leon. Pero bago ako tumungo sa ensayo, dinaanan ko muna si Camille sa kanilang tahanan at isinama sya sa okasyon. 2:30 ang ensayo, alas-kuatro naman ang takdang oras ng kasal. Mula sa 2nd row ay inilipat ako ng kuya Jimmy sa first row. ako pa ang inatasan manguna sa panata. hmp. hindi pa naman ako seryoso, pangiti-ngiti pa ko kase katabi ko si Ryan at may pinag-uusapan kaming ibang bagay. hehehe. bad.
eniwey, maayos namang nairaos ang sakal, este, kasal at pagkatapos ay tinulungan ako ni Camille sa pag-aayos ng sarili patungo sa reception. tila kase biglaan ang mga pangyayari, ako raw ay isa sa mag-e-emcee eh pagdating sa clubhouse, wala naman palang programa. kung meron man, ayaw mag host nung isang emcee na dapat makakasama ko. eh dahil hindi ko naman gamay yung "script" ng programa na inihanda ni ichay, ayoko ring gamitin yun. sa madaling sabi, walang gustong humawak ng mikropono sa panahon ng reception. si Camille. kabi-kabila ko syang ipinakilala sa mga ka-lokal ko. isa syang lifesaver. bagama't malakas ang hiyang nararamdaman, naglakas-loob siya para lamang hindi magmukhang kawawa ang reception. ayaw rin magsalita ni lorens. si ichay, nahiya rin. ako, hmm... ayoko rin eh.
to cut the long story short, iniwan na namin ni Camille ang clubhouse. naka-kain ako ng kaunti pero papunta na sana kami sa Metro East nang tumawag si inay. papunta raw sya sa reception. sabi ko, paalis na yung mga tao dun kaya susunduin na lang namin sya.
pagkasundo, nalaman namin na may isa pa palang pinagdausan ng piging. at iyon ay sa White House. sa bahay yun ni manong Mulong. ang nag-cater naman dun ay ang kapatid ni Manong Mulong na si Manong Rommel. Pagdating namin dun ay andun sina mama Estela, Raynard at Mark Daniel. Ayus! Kainan na naman. mas ok dun kase kaunti ang tao at ka-vibes ko halos ang mga nandun. Eh di sige, dun na nakakain si Camlle, samantalang ako, iced tea na lamang at desert ang nilantakan ko. Ilang saglit pa, medyo dumami na ang mga otaw. Dumating sina Ilyo kasama si Calvin. akala ko nga andun si irene, hihintayin ko sana kaso tumupad pala sa Cainta.
Dumating na rin sina Enchong, kuya Jaymer, lorens, Jess... speaking of the latter, halatang medyo nailang nang makita si Tamil. eh pinansin ko pa.. hehehe.. wala lang. speechless sya.
dumating na rin yung iba pang nanggaling sa clubhouse kaya niyaya ko na si inay umalis. tutal, nagpapasama pa sya sa amin sa eastwood kaya pumunta na kamin dun.

habang nagpapa-ayos ng kung ano si inay, nagkape kami ni Camille sa Seattle's Best. Actually, parehong Iced White Choco Mocha ang inorder namin. Yun lang naman ino-order ko dun kadalasan.

Tapos, umuwi na kami.

Araw-araw (sunday) ngayon ko lang nalaman na pag literal na iniliwat ang salitang SUNDAY eh lalabas na ARAWARAW pala ito. ang gulo. kase ang SUNDAY ay hindi EVERYDAY na ang tamang kahulugan sa tagalog ay ARAW-ARAW na pag literal namang iniliwat sa English ay SUNDAY.

adik.

cookfest sa lokal. mas marapat siguro na ang detalye nito ay isulat ko na lang sa isa kong blog. mas maayos, mas normal, walang halong kaadikan.

kahapon, SICK LEAVE ako sa office. kung ano man yung "sakit" ko eh ako na lang ang nakakaalam. hapon, umabay ako sa kasal ni Rio. Si Rio ay kaklase ko nung kolehiyo, kasamahan sa Glee Club at Kapampangan kung kami ay mag-usap. Nilusong niya ang ministeryo sa tulong ng aking ina, kaya naman malaki ang pagpapasalamat niya sa kanya. pero hindi yun ang gusto kong ikwento. eto ang nangyaring magaling:

maaga pa lang ay inihanda ko na ang mga gagamitin ko: barong, v-neck, camera, invitation, sarili. hehe.. tapos, sinundo ko sa Camille, nagtungo sa opisina ni itay sa Roces Ave., ibinigay ang mga kailangan para sa DFA at dun na rin nananghalian sa walang kamatayang KFC. Pagkatapos, dahil maaga pa eh nagpalipas kami ng oras sa Gateway, nagkape sa Figaro at doon unang binalangkas ang isang listahan (ng grocery :P). tawanan at pikunan ang nangyari kaya minabuti na naming lisanin ang dakong iyon at sunduin na si inay sa opisina nya. kasama kase sya sa kasal. syempre. alangan namang maiwan sya eh anak-anakan niya yung ikakasal.

Tapos, pagdating sa Central, dun ko nalaman... wala akong undershirt.. naiwan yung hinanda kong V-neck dun sa kama ko! Adik talaga. Sinenyasan ko si Camille na huwag maingay at baka mag hysterical na naman si inay sa pagkakaroon ko ng memory gap. pero andun na. itinaboy ko na sila papasok sa loob at sinabi kong magbibihis pa ako. pagkaalis nila sa sasakyan, dali dali kong tinakbo ang mga tindahan ng RTW sa Tandang Sora kahit na tumagktak pa ang pawis ko, wala akong pakialam. ang mahalaga, makakuha ako ng undershirt at ang sagwa naman kung magba barong ako na bakat ang dede at malaking tyan ko. yakk!

dahil sa diskarte, pagdating ko sa loob ay parang walang nangyari. hehe.
sa reception, sobrang bilis namin (si inay pa! pahuhuli ba yun?) pagdating namin ay naroon pa lamang ang wedding planner, video boys, pamilya ng manong jerson, isang ninang at dalawa niyang kaibigan. ayun, nakapagpakuha pa kami ng ilang litrato sa may presidential table at sa harap ng wedding cake. pagkatapos ay naki-upo na lang kami ni Camille sa mesa ng manong jerson. tila nagka-crush pa yata ang anak ni manong jerson na grade six student kay Camille ah. panay ang sulyap nung bata at kami namang dalawa eh aliw na aliw syang pagmasdan. tapos pinilit ko si Camille na magkaroon ng isang souvenir photo kasama yung bata. hehe. ang kulet!

hagisan ng bouquet at garter, tumakas kami ni Camille. nagpunta kami sa CR (syempre magkahiwalay) at matamang nakinig sa mga nangyayari sa labas. wala nang nagtatawagan ng binata at dalaga kaya bumalik na kami sa lamesa namin. Aba! saka pa lang nagtawag. ayun, nakasali sya sa bouquet tradition, at ako sa garter tradition. bwiset. pero syempre, hindi na kami yung "nagkapalad" na gumawa nung sumunod na seremonya. hehehe...

uwi na kami. dumaan sa Max's para mag-inquire ng bday package para sa pinsan ni Camille. Ang magbabayad eh yung tita nya na taga Ottawa. hmmm... place sounds familiar. opo. sa Canada po yun, sa lalawigan din ng Ontario. malapit lang ang kamag-anak nila sa kinaroroonan ng pamilya ng ate ko. haayyy... ang liit ng mundo.


= = = = = = = = = = = =

Ang lakas ng ulan habang itina-type ko ito. Ang sarap matulog. Mula dito sa kinauupuan ko ay natatanaw ko ang mga patak ng ulan sa bintana ni boss.. sobrang lungkot ng kalangitan, at malamig ang simoy ng aircon, hudyat na malamig ang panahon sa labas. Tumawag ako kay Camille. Brownout daw. at least, malamig. pwede pa ring matulog at magpahinga. Mamaya ay naka-schedule kaming lumibot sa mall (ulit) pero this time, kasama ang kanyang ina. biyenen bonding? LOL. high talaga ako ngayon. pasensya na.

7 comments:

  1. Wow.

    Maliit nga talaga ang pilipinas. Ulan din dito, and lakas, pati kidlat. Tapos kabablack out did bago lang.

    Away pa rin tumigil ang lintek na ulan. wala akong cel phone, walang sasakyan... Nagiisa ako dito... Saklolo!!!!!!

    ReplyDelete
  2. adik! small world. yang frend mo na kinasal e dating taga deparo, though di ko sya kilala.. kilala sya ni ana. yung isang kaguro ni ana, si che e umatend din sa kasal.

    ReplyDelete
  3. jon, inlababoo ka talaga ha..=)

    pst, i tagged you.
    check my blog.

    ReplyDelete
  4. sino si camille? uyyy! inlabidab si lolo jon!

    ReplyDelete
  5. Ron yup, maliit lang ang Pinas. pag bumabagyo rito, malamang may bagyo rin dyan. :P
    pansin mo, in-add kita sa links ko? ayos yung blog mo... keep it up, ok?

    jary sabi nga ni Ron, maliit lang ang Pinas. at mas maliit ang metro manila. hehehe...

    ivan nag-post na po. paki-organize next kapatid EB pls... :p

    Mart sama ka pag nagkaro'n ng next kapatid EB, try ko ipakilala sa inyo yung first lady ng KADIWA sa lokal. ;)

    ReplyDelete
  6. ^ aba! blogger ka na! hehehe.. mukhang overjoyed tayo ah. hmm.. lagot ka. maraming stalkers dito sa internet kaya mag-ingat ka sa pagpopost! ;)

    see you later...

    ReplyDelete
  7. ang alam ko, ikaw yung number 1 stalker :D elow dayanacamilayah, hope to meet you in person :D dont worry, nameet mo na yung pinakaadik sa amin :D

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails