Mayo 09 na pala. ang bilis talaga ng araw. kaarawan ngayon ni Pam. isang ka-mang-aawit sa lokal ng Mississauga. binati ko sya sa Friendster at sapat na yun.
Anyway, sa wakas ay nagkaroon din ako ng bakasyon. at ito'y malaking bagay para sa akin. out of town lang dyan sa tabi-tabi...
- - - - - - - - - - - -
noong Sabado, sumama ako sa ensayo nina Camille para sa Sunduan. Ito'y isang kultural na palabas na idinaos naman nung Linggo sa bayan ng Taytay. pinatalsik yung kapareha nya kaya muntik pa kong maging konsorte. buti na lang, nandun yung kapatid nya kaya silang dalawa ang naging magkapareha. Pagkatapos nung ensayo eh nagtungo kami sa bahay ng isang kaibigan ng kanyang inay. may handaan kase, merong may kaarawan. sa tagal ng pagkukwentuhan, napag-alaman naming lahat na kamag-anak sila (yung may bahay) nung biyenang babae ng ate ko. maliit lang talaga ang mundo.
- - - - - - - - - - - -
outing ngayon ng Funky Fun. Ang punong tanggapan nila ay doon din sa tanggapan namin, isang silid lang ang pagitan. ang mga kawani ay tutungo sa Island Cove sa may Binakayan, lalawigan ng Cavite. naalala ko tuloy yung ginawa naming escapade nung ilan sa malalapit kong kaibigan dun din sa nasabing resort, tatlong taon na ang nakararaan. haayyy... ang bilis talaga ng panahon. pwede kayang humakbang pabalik ng kahit mga tatlong taon lang?
- - - - - - - - - - - -
nagngingitngit ako. sapagkat pinutol ang puno ng narra sa tabi ng bahay namin. mga walang pakundangan sa kalikasan! mga walang pakialam sa mundo! mga halang ang kaluluwa! sana naging puno kayo at maranasan nyong putulin nang walng kadahi-dahilan! mga salot kayo ng lipunan!
Tuesday, May 09, 2006
nagngingitngit ako
story told by
aajao
at
7:32 am
Labels: breather, onli in da pilipins, rants
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


nakakangitngit. isumbong mo sa bantay kalikasan yan..
ReplyDeletenakakangitngit. kinausap ko na rin yung taong nagbigay ng pagngingitngit sa akin :p
paki-blog nga ang kwento mo tungkol sa taong nakapagbigay sayo ng pagngingitngit...
ReplyDeletehahaha.. so funny! you reminded me of my reaction when they cut the acacia tree in front of our house in the Philippines....
ReplyDeleteOh well, baka naman may gagawin silang importante kaya pinutol????
kung nd valid ang reason why they cut the tree, then sana nga naging puno sila!
kelangan ko pa ba iblog? kilala mo na naman yun e *rolleyes*
ReplyDeleteajaw, nakakatuwa namang isipin na ang lalim mong magmura pag nagngingingit ka sa galit. samakatuwid, di na siya tinuturing na pagmumura sa panahon natin ngayon.
ReplyDeletengunit, gusto din kitang pasalamatan dahil naging makabagdamdamin ang inyong pangingitngit sa pagputol nila ng puno. meron nga siguro silang kadahilanan, pero pag ako ang tatanungin, nagpaalam ba sila sa kumunidad na putulin ang puno? sa pagkakaalam ko ay pwedeng isangguni ang ganoong mga kaso...
subalit, huli na ang lahat. nakakalungkot isipin dahil sikat ang bayan mo sa baha. di ako nagtataka kung bakit...
pero sana ay mabasa ng mga tao ang tungkol dito. sana maging isang halimbawa ito sa kung paano ipamulat sa tao ang kahalagahan sa pangangalaga ng ating kalikasan.