habang umiinit ang klima, palamig naman nang palamig dito sa basement. marahil ay hindi na gaanong binubuksan ang heater ng bahay. kung sabagay, hanggang sa susunod na linggo na lang kami rito. malungkot ring mahiwalay dito sa bahay na ito na halos nakasanayan na rin namin, kasama ang lola ko sa itaas at ang komunidad ay matagal nang umiiral. sa bagong tirahan, panibagong pakikisama sa mga magiging kapit-bahay, at pag-aadjust muli sa bagong komunidad. mabuti na lang, malapit lang doon sina ka Chito.
------------
kagabi ay tinext ko ang kaibigan kong si jejie sa kanyang Globe line. "kumusta na," sabi ko na hindi nagpapakilala, at sa buong pag-iisip na dati ko nang naibigay sa kanya ang bago kong number. nagreply naman ang number na tinext ko: "i'm ok. where did we meet? where can i call you, landline or cell phone?" sumagot ako, "you can't call me. anyway i just messaged you to know if you're already ok. last time we met was holy week 2003 and the last time you texted me, you were struggling in a hospital." tapos ay sumagot muli yung number: "oh. if you are texting jejie, this is no longer his number. this is jeff his brother. he's gone."
pagkabasa ko nun, gusto kong biglang mag long distance sana pero hindi pwede. saka halos hatinggabi na nang magkatext kami. agad akong sumagot upang kumpirmahin ang nabasa ko sa text: "no! don't tell me he really is gone?!! i'm his classmate and last time he texted me, he was in the hospital recovering from a certain sickness. are you his younger brother? your kuya has always been proud of you. sorry." pagkatapos ng text na ito ay hinintay ko ang reply at agad naman akong nahimasmasan sa tugon ng kapatid: "no, i don't mean that. jejie is in japan recovering. he left last February with my mom. he told me he emailed all his friends about his plan of leaving."
hay naku. mabuti naman kung ganun. natatandaan ko kase nung mga panahong maysakit sya at nasa ospital, madalas siyang magtext nun. gamit ko pa ang SUN SIM ko, kaya marahil hindi ko nalaman yung pag-alis niya ay dahil nagpalit ako ng number. howell, ang mahalaga, matapang pa rin siyang humaharap sa buhay.
Thursday, May 06, 2004
story told by
aajao
at
8:03 am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment