Monday, May 31, 2004

>> dito kami ni karen sa south common, naghihintay ng oras. hehe.. nagrent kase kami ng internet time for an hour each kaya ayun. anyway, galing kami sa kapilya, tumupad siya sa kasal (kasal ni Clarissa di ko alam pangalan nung lalaki), ako naman, nakiusyoso lang sa ikinakasal. andaming mga ikinakasal sa panahon ngayon sa mga kakilala at mga kaibigan ko. sa taong ito, katatapos pa lang ng kasal ni Charmaine. Susunod si Judy. Tapos si Ardie. At syempre si Charlie.

masarap nga bang magpakasal? ano sa tingin nyo?

>> kahapon ay namili kami ng halaman sa Rona pagkatapos mananghali sa Mc Donalds. Andami naming nakuhang libre: dalawang strawberry sundaes at dalawang plant pots.

nakuha ko na rin sa wakas yung mga VHS tapes na ipinakisuyo kay Charmaine galing sa pinas. andaming alaalang bumabalik. haay... buhay nga naman parang life.

>> busy na naman this week. tapos, malapit na ang Pasalamat, malapit nang mag-ensayo ulit ng mga awit. malapit na.

>> hmm... pupunta kami (ako at si karen) ngayon kina ka Susie. bale ba, dadalo ng committee at pagkatapos nun ay may konting salu-salo dahil nung makalawa, nanumpa sa pagiging Canadian citizens sina Nanay Imay at si Tatay. Ako kaya, kelan magiging dual ang pagkamamamayan?

>> minsan iniisip ko kung sulit bang mamuhay dito sa Canada. Andami na rin kaseng mga bagay ang nakakapag-pawalang-gana sa akin dito. kundi ko lang iisipin yung mga mahal ko sa buhay, ayoko talaga rito pero dahil sa kanila, unti-unti ko na ring minamahal ang Canada. pero siyempre, gaya nang lagi kong binibigkas noong ako'y nasa elementarya pa lamang: "sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa." Oo. Pilipino pa rin ang buo kong katauhan, kahit saan pa ako pumaroon.

>> Patapos na ang Mayo. Maligayang kaarawan sa lahat ng mga isinilang sa buwang ito!

>> gusto ko ng indian mango.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails