Friday, May 07, 2004

JARY V! paki-confirm nga ito sa akin sa pamamagitan ng email:
Macapagal-De Castro.

parehong ayoko yan ah!

90.6 cents per liter ang gas ngayong umaga.
batay sa ulat ng Toronto Star, umabot sa 81 cents per liter ang average na presyo ng gas ngayong linggong ito. medyo hindi pa updated ang ulat, malamang mabago ito bago matapos ang araw dahil nga sobrang taas ng presyo ng langis ngayon.

ayokong isipin na bunga ito ng pakikialam ng Amerika sa Iraq. ayoko.

Thursday, May 06, 2004

habang umiinit ang klima, palamig naman nang palamig dito sa basement. marahil ay hindi na gaanong binubuksan ang heater ng bahay. kung sabagay, hanggang sa susunod na linggo na lang kami rito. malungkot ring mahiwalay dito sa bahay na ito na halos nakasanayan na rin namin, kasama ang lola ko sa itaas at ang komunidad ay matagal nang umiiral. sa bagong tirahan, panibagong pakikisama sa mga magiging kapit-bahay, at pag-aadjust muli sa bagong komunidad. mabuti na lang, malapit lang doon sina ka Chito.

------------

kagabi ay tinext ko ang kaibigan kong si jejie sa kanyang Globe line. "kumusta na," sabi ko na hindi nagpapakilala, at sa buong pag-iisip na dati ko nang naibigay sa kanya ang bago kong number. nagreply naman ang number na tinext ko: "i'm ok. where did we meet? where can i call you, landline or cell phone?" sumagot ako, "you can't call me. anyway i just messaged you to know if you're already ok. last time we met was holy week 2003 and the last time you texted me, you were struggling in a hospital." tapos ay sumagot muli yung number: "oh. if you are texting jejie, this is no longer his number. this is jeff his brother. he's gone."

pagkabasa ko nun, gusto kong biglang mag long distance sana pero hindi pwede. saka halos hatinggabi na nang magkatext kami. agad akong sumagot upang kumpirmahin ang nabasa ko sa text: "no! don't tell me he really is gone?!! i'm his classmate and last time he texted me, he was in the hospital recovering from a certain sickness. are you his younger brother? your kuya has always been proud of you. sorry." pagkatapos ng text na ito ay hinintay ko ang reply at agad naman akong nahimasmasan sa tugon ng kapatid: "no, i don't mean that. jejie is in japan recovering. he left last February with my mom. he told me he emailed all his friends about his plan of leaving."

hay naku. mabuti naman kung ganun. natatandaan ko kase nung mga panahong maysakit sya at nasa ospital, madalas siyang magtext nun. gamit ko pa ang SUN SIM ko, kaya marahil hindi ko nalaman yung pag-alis niya ay dahil nagpalit ako ng number. howell, ang mahalaga, matapang pa rin siyang humaharap sa buhay.

Wednesday, May 05, 2004

feels nice to blog when you're busy the whole day. in that case, one may have a lot of things to document online. unless one is too tired to gather thoughts or maybe doesn't have the luxury of time to go online, then all things that transpired for the day will just be left in memory. no hard copies.

------------

karen just arrived from the KADIWA visitation and she sounds so happy. although she's tired, i would understand how she feels. visiting brethren has always been a reward, no matter what 'obstacles' you may encounter in the process of visitation--- (eg) transportation, traffic, weather, money. but even these barriers can't hinder you from doing your God-given duties, and one of them is to edify the brethren, through faith & trust in God.

------------

i'm thinking of good, simple, mother's day gifts for a number of moms. here goes my mothers list:

1. mamsi
2. ate B
3. ka Clarissa
4. ka Pining
5. nanay Pining
6. Aunt Esther
7. Apung Nining
8. Mama Estela
9. Nanay Menang


eeek! I underestimated the time... if i'd be sending cards to Manila, i must send them ASAP... Ok. first thing tomorrow morning, will do! ...but no. maybe i'll just give them a long distance call. its more heart-warming, i guess.

Tuesday, May 04, 2004

ang sarap ng manggang hinog! mahal ang mangga rito, pero nakabili sina ate ko ng isang dosena mula sa Chinese store. Mula nang pumunta ako rito noong nakaraan taon, dalawang beses pa lang ako nakakain muli ng manggang hinog. Ito pa naman ang paborito kong prutas sa lahat! Karamihan sa mga mangga rito ay nagbubuhat pa sa Mexico. Siyempre, iba pa rin yung namimitas ka na lang ng bunga mula sa puno ninyo sa bakuran.

Monday, May 03, 2004

woke up at 10AM, i was too tired and sleepy from last night when we went to Creditview after our choir practice. we were able to sell four colognes to Flory and the trip was worth it. anyway, we've been busy this morning preparing for house moving which is scheduled on the 11th. then, this afternoon, i had a great time at the audition in church, and this is for the upcoming Musical GEM in September. how i wish i could join it.
oh well, i took a video of the audition and i have to hide the camera below the chair beside kuya Ralph & Sister Debbie, who were supervising the audition. Karen has a nice voice. i just heard her sing solo this afternoon! well, she sang with Crystal and they both sang well. anyway, i still have to do some house cleaning before our scheduled committee-prayer here at home later tonight.

busy weeks ahead... ciao!

Sunday, May 02, 2004

First day of May! weather temperature has been nice for the past few days, umaabot na ng (positive) double digit, usually above 15 degrees. Yun nga lang, medyo maulan.

kahapon, sinubukan naming kumain ni Karen sa bagong Filipino restaurant dito sa may Creditview. Maliit lang yung lugar at mukhang kantina yung ayos. masarap naman yung pagkain, lalo na yung pork barbecue. ewan ko ba. basta lutong Pinoy, solb na ako! medyo nakipagbolahan ako ng konti sa may-ari, nagtanong ng mga presyo ng kanilang catering at nagtanong din ukol sa ilang bagay na may kaugnayan sa kanilang "business". busog kami pareho, at pagkatapos nun, dumiretso na kami sa lokal ng Toronto para dumalo ng bautismo.

kanina ay sinamahan ako nina Noriel at Charlie sa Square One upang makipagkita kay Flory, at mag-alok ng aming 'business'. Medyo may maganda namang resulta, sana lang ay madagdagan ang mga kukunin niya mamayang gabi, gaya ng ipinangako niya. kaya pagkatapos ng tupad namin mamaya ay tutuloy kami sa aming 'business'. ang hirap mabuhay dito sa Canada! hehe..

------------

naaaliw ako sa mga balita sa inquirer 7 kaugnay ng eleksyon at ng Iglesia Ni Cristo (INC). masyadong binibigyan ng kaukulang pansin ng media at ng sanlibutan ang ginagawang kaisahan sa pagboto ng mga kaanib sa INC. habang nananahimik ang INC, ganun naman kaingay ang mga tao ukol sa kung ano ang magagawa ng INC sa darating na eleksyon. narito, kayo ang pumansin:

Poe, Lacson agree to let INC decide who'll slide

sa artikulong iyan, nakapag-iwan lang ito sa akin ng isang katanungan: "Bakit kailangang gawin ito ng mga kampo ni FPJ at Lacson?"

eto ang bagong ulat ng pareho ring pahayagan:
Iglesia ni Cristo going for Macapagal

at ito pa:
Poe on Iglesia choice: No comment; Lacson to fight on

hay naku. saka na lang ako magco-comment ukol rito.

Related Posts with Thumbnails