Actually, Abril a-trenta pa lang, giniginaw na ako. Pero pinilit ko pa ring pumasok sa pag-asang mawawala rin ang sama ng pakiramdam ko. Pero habang nasa opisina, lalo akong gininaw. Kahit naka-jacket na ako (na nahiram ko sa isang ka-opisina na kabilang sa "Team Awesome") sa gitna ng matinding sikat ng araw, pakiramdam ko ay tamang-tama lang ang timpla ng temperatura sa paligid ko... ito ay kahit lahat ng kasamahan ko ay nagrereklamo sa init ng panahon. alaws... may sakit nga ako.
pagkatapos ng pananghalian, nagpaalam na ako sa boss ko at hindi ko na talaga kakayanin. habang may natitira pang sigla ang katawan ko para bumiyahe dahil coding din ako noong Martes. at least, pwede akong umidlip sa biyahe. halos lahat ng ka-opisina ko ay kinapa ako at lahat sila ay nakumbinsi naman na kailangan ko nang umuwi.
Bakit ba naman kung kailan may holiday, saka pa ako daratnan ng lagnat? sayang ang isang buong araw na "family day." umuwi pa naman si lolo daddy para bisitahin ang kanyang one and only Magat na apo. mabuti na lang, medyo lumakas na ang katawan ko para sumama sa grocery treat ni lolo daddy. grab two boxes of milk, one big pack of diaper, couple of fruits, solve! puno na naman ang supplies ng anak ko! hay naku. mabuti na lang may mga lolo at lola sa buhay ng anak ko. :D
ngayon, akala ko ay makakapasok na ako. pero minabuti kong dumito muna ulit sa bahay ng isa pang buong araw para tuluyang makapag-ipon ng lakas. mahirap nang mabinat. sasabak pa naman (dapat) ako ngayon sa taping ng huling segment ng Open House kaya malamang ay init-lamig na naman ang sasalubong sa katawan ko. palagay ko, init-lamig ang dumali sa akin. akala ko hindi na bibigay ang katawan ko, napapagod din pala ako at kinakailangang magpahinga. rest, rest lang din kapag may time. :P
bumaba na ang lagnat ko pero balak kong ubusin ang isang banig ng paracetamol na binili ko noong isang araw... bukas, fight, fight, fight na naman sa trabaho!
Thursday, May 02, 2013
Mayo uno, may sakit si Edilberto
story told by
aajao
at
8:10 pm
Labels: life's like that
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Pahinga muna kaya pag may time? :)
ReplyDelete