Maaga akong nakauwi ngayon. Late na akong nakauwi. Para sa isang offset day, nagtagal pa ako sa trabaho nang halos tatlong oras dahil kinailangan ko pang ipakita sa ilang piling brokers ang aktibidad na pinagkakaabalahan ngayon ng aming kagawaran. mabuti na lang at nakapagsalita ako, di tulad nung isang araw na naghintay ako nang matagal pero dahil kinapos sa oras ng renta ang isang grupo ng mga ahente, hindi na ako nabigyan ng pagkakataong makapag-present.
ang sarap lang... 3 2 araw akong nakabakasyon dulot nung mga araw na ipinasok ko noong holiday. gayunpaman, hindi ko pa rin ganap na maalis sa isipan ko ang iniwang trabaho. at bagama't naghabilin na ako sa aking bagong kasama, iniisip ko pa rin ang magiging resulta noong ibinilin ko. pagkatapos pa naman ng bakasyon ko, hindi pa rin ako makakatuloy sa opisina dahil kailangan naman (ulit) naming lumipad pa-Iloilo para sa isa muling business trip. magbubukas daw kami ng 'negosyo' sa city of smiles. wow, nakaka-excite naman... doon yata ako nanirahan nang may tatlong taon ng aking kabataan. kung matutuloy man yun at kung kailan, abangan! :D
- - - - - - - - - - - -
mukhang tuso itong dagang bubwit na nakapasok sa loob ng bahay namin ngayon. nakatambay sya sa likod ng oven at panaka-naka ay sumisilip sa itaas ng kalan. madalas din niyang masalisihan si misis sa mga pagkaing pareho nilang kinagigiliwan--- chocolates! naglagay na ng traps pero ayaw kagatin ni bubwit.
- - - - - - - - - - - -
bukas... saan kaya magandang mag-family bonding?
Friday, January 11, 2013
Day 10 of 365
story told by
aajao
at
2:35 am
Labels: career, lighter side of life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment