Saturday, January 28, 2012

Dito lang ako...

Nandito ako ngayon sa mall. Nagre-renew ng passport. Maganda ang proyektong ito ng DFA. Hindi na kailangan pang sumadya sa kanilang tanggapan para doon makipagsiksikan ang mga gustong kumuha ng bago o mag-renew ng kanilang passport. Pero dito, marami ring aplikante at mahaba rin ang pila. Yun lang, di mo na kailangang bumiyahe nang malayo para gawin ang bagay na ito kase nga, inilapit na ng DFA ang kanilang serbisyo sa mamamayang Pilipino. Pero sa scenariong ito, napapaisip tuloy ako kung ganito ba talaga karami ang lumalabas ng bansa o masabi lang na may passport ka? Eh ako, ano ba ang dahilan ko bakit ako kumukuha ng passport?

Uhm... Una, posible kaseng may maawa sa akin at magbigay ng pamasahe papunta sa bansang kinaroroonan ngayon ng mommy at ate ko. Di naman masamang mag-ambisyon. Pangalawa, baka makaipon ako ng pamasahe at makalabas kami (with my two girls) ng Pinas... HK disneyland, Japan disneyland, California disneyland, o sa Universal Studio na lang kaya sa Cali? Pwede rin sa SG. Ulit, hindi naman masamang mag-ambisyon. Pangatlo, baka may mahulog na biyaya mula sa langit at alukin ako ng trabaho abroad. Syempre ang unang itatanong ng employer, "do you have a passport?" at agad kong masasagot, "oh yeah! I do have a passport!" uulitin ko, hindi masamang mag-ambisyon. Saka kumbaga sa sundalo, lagi kang handa. Meron ka nang pasaporte bago pa man biglain ng pagkakataon na kakailanganin mong lumabas ng Pilipinas.

Ayan, siguro alam ko na rin ang dahilan ng maraming Pilipinong kumukuha ng passport: hindi kase masamang mag-ambisyon. Tama?

P.S. Naiihi na ako pero hindi ako makaalis sa pila.

3 comments:

  1. Patience is a virtue. Pasasaan pa't makukuha mo na din po ang pasaporte mo. Regards! :)

    http://iifatree.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. Saang mall yan? Pwede na pala sa mall so ndi na by appointment dun? Sana sinabi mo para sumabay n lang ako. Hehe. Anyway, nasa DFA din ako nung Jan. 16. Makukuha ko na passport ko next week. :)

    ReplyDelete
  3. Naks! In preparation na ata 'yan sa pagiging OFW. Baka naman passport mo lang ang ni-renew mo.

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails