alam mong nasa probinsya ka kung:
1. 
may bumabiyahe pang calesa sa lugar ninyo
2. 
nakakabasa ka pa ng tagalog na road signs sa kalsada
3. 
kapag kapitbahay mo ang mga bundok at ang tabi ng "highway" ninyo ay palayan
4. 
kapag may nagbibilad ng palay sa lugar ninyo... pero mas classic kung hanggang ngayon, sa kalsada pa nagbibilad ng palay ang mga magsasaka sa lugar nyo. tulad nito:
sa iba, kapag binansagan kang "probinsyano", parang napaka-negatibo ng dating. pero ang totoo, masarap maging probinsyano. minsan nga mas marami pang karanasan ang mga probinsyano. marunong sa maraming gawain na karaniwang hindi alam gawin ng mga taga-syudad. at ang pinakapanalo sa pagiging "probinsyano"--- mas malayo ka sa magulong buhay ng kalunsuran.
Thursday, March 31, 2011
probinsyano ka ba?
story told by
aajao
at
7:24 pm
Labels: lighter side of life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


TAMA!!! sana naging probinsyano na lang ako. para magaling ako dumiskarte.
ReplyDeleteyan ang tingin ko sa mga taga probinsya, madiskarte. :)
ang sarap kaya ng buhay sa probinsya. ako, gustung-gusto ko ng tahimik na buhay dun. basta dala ko lang yung xbox at ps3 ko. hehehe
ReplyDeleteprobinsyano ako and IM so proud of it... :D
ReplyDeleteBasta ako, proud probinsiyano! hehehe
ReplyDelete@poy, gibo, edsel, ely... probinsyano and proud, YEAH!
ReplyDeleteHaha may idadagdag ako: probinsiyano ka kung may ikinakasal sa kapitbahay nyo, sa likod bahay nila ang reception at sayawan, tapos ang tugtog ay Please Forgive Me ni Bryan Adams...
ReplyDelete- hahahaha!! talagang "Please Forgive Me yung kanta? hahaha!!! - aajao :P