ang post na ito ay isa na namang pagngi-ngitngit tungkol sa kawalan ng pera. pero para maiba naman (at dahil napakarami ko na yatang "no money rant" sa blog ko na ito)... ibahin natin ang anggulo ng kwento . :P
bakit kaya kapag sinabi kong "wala akong/kaming pera" ay wala ring naniniwala? para bang isang napakalaking krimen ang nasabi ko at hindi talaga mapaniwalaan. meron pa ngang nagsabi sa akin... "kuya, mawalan na ng pera ang banko pero ikaw.. hinde!" --- o, pamatay di ba?!
ganun ba talaga ang husay ko/namin (ni misis) na magtago ng tunay naming kalagayan? pero hindi naman sa pagiging OA, kumakain pa naman kami ng tatlong dalawang beses sa isang araw (skip breakfast, kape na lang) at minsan ako eh hindi na rin nagha-hapunan (by choice). at hindi naman din nauubusan ng diaper at gatas ang aming little girl (number one rule sa amin ngayon yan--- daughter first before parents!). well, it's either artista kaming mag-asawa (magaling umarte at magtago ng tunay naming nararamdaman) o kaya naman eh we just choose to have a positive outlook in life (naks!) i think it's the latter (or pwede ring both, hehehe). wala naman kaseng mangyayari kung magmumukmok kami pareho. pag nagmukmok kami, hindi naman biglang susulpot sa harap namin yung muntik nang hindi napanalunang jackpot sa lotto noon na daan-daang milyong piso! although sa aming dalawa ni wifey, mas siya yung positive thinker kaysa akin. siya yung nagpapaalala sa akin na hindi ko dapat ikalumo ang kawalan ng pera naming mag-asawa.
pero teka... define "walang pera". sabi kase ng isa kong kaibigan, wag ko raw sabihing wala kaming pera dahil hindi naman daw totoo. sabagay, exaj nga namang sabihin yun dahil may pambili naman kami ng pagkain araw-araw (kahit pancit canton lang sa tindahan). actually, kapag sinabi kong "walang pera", ang ibig sabihin nun eh wala kaming panggastos para sa mga kaluhuuan namin... minsan din, hindi namin nababayaran yung mga dapat bayaran sa loob ng isang buwan. at may pagkakataon na kahit kailangan naming mag-asawa ay hindi namin nabibili. kase nga, "wala kaming pera." yun na yun! siguro may kaunting inggit lang kami sa ilang mga kakilala na pabaka-bakasyon kung saan-saan, at pabili-bili ng mga gamit na hindi naman necessary. at pagkatapos ay ibabandila nila sa facebook... hmmm... i-shutdown na lang kaya namin yung mga FB accounts namin? good idea? haha! wag naman. isa na lang yun sa pinaglilibangan namin kapag hindi kami makalabas ng bahay (dahil walang panggastos, hehe).
di bale, bilang bahagi ng aking kampanya na 2011 positivity... yayaman din kami! ;)
Monday, February 14, 2011
magaling lang mag-project
story told by
aajao
at
4:11 pm
Labels: family, lighter side of life, rants
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


yeah right! kasi di na ako nakakapagshopping, di na tayo madalas umalis hehe pero okay lang yan . . asus drama mo nagkataon lang nabasag na ang alakansya mo hahaha :)
ReplyDeleteAmpogi kasi ng bago mong chikot kaya mukha kang mayaman. LOL!
ReplyDeletehahaha.. tama. pang-front lang yun! sa totoo lang, liability din yun dahil nagka-utang ako ng limang taon at isa yan sa pasanin ko buwan-buwan :(
ReplyDeletesabi nila, wag mo daw sabihin na walang pera dahil inaattract daw nun yung reality.
ReplyDeletepag sabi ka daw ng sabi ng wala kayong pera, mawawalan ka talaga. -the secret
@Gibo... may tama yang The Secret! :D
ReplyDeletehappy valentines Jon!
ReplyDelete@Dom.. salamat po pero araw-araw mo akong batiin nyan dahil everyday, nagmamahal ako. hahaha! :P
ReplyDeleteyan si jon, YAMANIN! :))
ReplyDeletehappy V sa inyo!
@ninong edsel... iba pa rin ang may sariling negosyo! ayun o! :P
ReplyDeletehappy valentines day biep!
ReplyDeleteyayaman din tau, MALAPIT NA! :D
Para sa 'kin, tama yung sabi ni Gillboard na wag sasabihing wala kang pera. Ang dapat ay, meron pero nakasasapat lang. Hehe! Go go go 2011 positivity! :)
ReplyDeleteMukha ka kasing rich kid kaya walang naniniwala!
ReplyDeleteActually pareho tayo ng sentiments sa mga taong pala-post ng mga purchases nila sa FB... karapatan naman nila yun pero parang hindi sya magandang gawain (for me) kaya hindi ko rin ginagawa...
@glenn tama! para lang silang... ahmm... uhmmm... yun na yun!
ReplyDelete(bitter much) :P
@Dianne yep. yep. yep... positivity!!! ;)
ReplyDelete@kuri. hahaha.. yung greeting mu lang parang iba ang dating. :P
ReplyDeletere: pagyaman natin... OO! 2011 POSITIVIY! buwahahahaha!!!
pasalamat ka kutis mayaman ka. ako kelangan ko pa mag hilod everyday lol.
ReplyDelete