Tuesday, November 30, 2010

i wanna be a millionaire so freakin' bad

yep... hindi ko hangad maging billionaire kaya yan lang ang nasa title ng blog post ko, hango sa titulo ng isang sikat na kanta ngayon. kung bakit, hindi ko kase alam kung ano ang gagawin ko sa pera kapag naging bilyonaryo ako. mainit ngayon ang paksa ukol sa jackpot ng lotto kung saan umaabot na sa 700M+ ang mapapanalunan ng sinumang mapalad na tatama rito. paano ko nga ba gagastusin ang 700M+ kung ako ang mabigyan nito? hmm..... malalim-lalim na palaisipan. pero marahil, eto ang mga paglalaanan ko:

1) invest for my children's (take note: children) education up to college.
2) bumili ng bahay at lupa sa Pampanga, Tagaytay, Quezon City, at Rizal.
3) mag-franchise ng Jolibee at Figaro
4) patatakan ang pasaporte patungo sa Canada, US, at mga bansa sa Europe. Pag napagod kami, pahinga muna kami sa Asia.
5) Magtayo ng school
6) change wardrobe. LAHAT NG NASA APARADOR KO. :P
7) bumili ng SUV
8) mag-sponsor ng tatlong kamag-anak na nag-aaral pa at tatawagin itong 03.03.03 stories...scholars!
9) magkaroon ng sariling TV Station
10) bilhin ang kumpanya ng boss ko. buwahahahaha!!!

hmm... siguro wala pang 500M yang mga nabanggit ko sa itaas. meron pa kong 200M++
hayy... tama na ang pangangarap ng dilat. hindi naman ako mananalo ng 700M sa lotto dahil hindi naman ako tumataya dito kahit sa bawat barangay ay nagpapahabaan ng pila ng mga tumataya sa lotto, hindi ako madaling madala ng agos. pero teka, tumataya pala ang tatay ko. at babalatuhan nya raw ako kapag sya ang nanalo. wow. tuloy ang pangangarap ng dilat! yahoo! sana manalo ang tatay ko. sana manalo ang tatay ko. sana manalo ang tatay ko...

on another note, medyo same topic (usapang panalo), Surprise! NANALO AKO! nanalo ako sa give-away ng WAVE 89.1 na premier tickets ng indie film na IKA-SAMPU. Ipapalabas ito BUKAS (Nov. 30) sa SM Megamall, 7:00 ng gabi. apat (4) ang napanalunan kong tickets at dahil hindi ako makakapanood nito bukas (dahil pesteng cut-off nga pala sa opisina at maliwanag pa sa sikat ng sun na LATE na LATE na kami makakauwi) naisip kong ipamahagi na lang ang apat, dalawang tickets ko. dalawa na lang kase nakuha na nga pala nina bloggers Ahmer & Andy yung dalawa. binigay ko na sa kanila alang-alang sa magandang business partnership namin ni Ahmer :P anyway, may dalawa pa akong tickets na ipamimigay! Please lang. paki-claim BUKAS (nov. 30) ng LUNCH TIME sa akin yung dalawang ticket sa may Eastwood City ang sinumang interesadong manood nito sa Megamall. ulit: IKA-SAMPU (an indie film) Premier showing Nov. 30 @7PM in SM Megamall. FREE (2) tickets to be given away until tomorrow lunch time only for those interested, please claim the tickets from me in Eastwood City. mag-comment na lang po dito yung interesado.

yun lang. salamat po! ;)

14 comments:

  1. paano naman kami? la bang balato sa mga kablogs?! laki pa ng natira... :P

    ReplyDelete
  2. kapampangan daw ang nanalo... :P

    ReplyDelete
  3. Penge ako ng movie tickets! Jowk! As if naman makakanood. Penge ako ng 5M kapag nanalo ka gusto ko din mag-franchise ng Jollibee...

    ReplyDelete
  4. Balak ko din magsulat ng blog about what I would do if I win the 741 MILLION jackpot. Nabuo ko na sa isip ko, isusulat ko nalang. Hahaha! I like this. Pero agree ako sa friend mo, sana naisip mo rin balautan mga friends mo. Hahahaha!

    Sayang di nanalo tatay mo. May panalo na eh. Hehe.

    ReplyDelete
  5. wla na, nakuha na ang jackpot.showbiz nalang ang kasagutan para maging milyonaire ka biep. ayaw mo pa kasing tangapin ang mga offers eh.

    ReplyDelete
  6. Salamat sa tix. Pumunta akonng premiere night for the first time. lol

    ReplyDelete
  7. Nainggit naman ako kina Ahmer at Andy naka-score ng free tickets haha...

    ReplyDelete
  8. isang blog party para sa blogger friends ko. ayan, ok ba? :P

    ReplyDelete
  9. kapampangan tatay ko pero sayang hindi sya yung nanalo :*(

    ReplyDelete
  10. sige ba. saan mo ipa-franchise, dyan ba sa SG?

    ReplyDelete
  11. di praktikal ang balato. in kind na lang dapat kaya ok na yung bloggers party. hahaha

    ReplyDelete
  12. wala naman akong showbiz offers eh. ikaw itong may star-up na sa indie film auditions eh. kunin mo na lang akong PA mo ha. ok na ko sabit sa mga location shoots mo. what are bi-eps for? ;)

    ReplyDelete
  13. welcome. balita ko may free food pa raw?

    ReplyDelete
  14. wag na mainggit. malay mo mas higit pa dyan yung future freebies na mapunta sa yo? ;)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails