Wednesday, October 06, 2010

mga taong mahalaga

meron akong nabasa sa email ko noon na ipinasa ng isang kaibigan. sabi sa email, magbigay ka raw ng pangalan ng limang philosophers at kung ano ang naging saysay sa buhay mo ng pilosopiyang itinaguyod nya. mahirap mag-isip. pagkatapos, sinabi sa email na magbigay ka raw ng pangalan ng limang guro na hindi mo malilimutan sa buong buhay mo. sabi sa email, bagama't pinag-aaralan ang biography at kontribusyon ng mga bantog na philosophers sa isang asignatura sa paaralan, mas madali pa rin daw magbigay ng limang pangalan ng mga guro na nag-iwan ng "tatak" sa buhay mo. hanggang sa pagtanda mo, maaalala mo pa rin ang naging kontribusyon sa buhay mo ng gurong ito kumpara sa napag-aralan mong buhay ng mga pilosopo.

ngayon ay itinalaga bilang World Teachers Day. tunay na hindi makakaila ang pagtitiyaga at pagsisikap ng mga teachers na mapunan ng kaalaman ang kanilang mga estudyante at hindi lamang sa subject nila sila nagtuturo, nagiging tagapayo rin sila ng mga mag-aaral na nangangailangan ng gabay. madalas nating marinig na ang pagiging guro ay isang bokasyon. hindi ito karaniwang trabaho tulad ng mga nag-oopisina. isa ang mga teachers sa nangangailangan ng higit sa isang ugali, batay sa dami ng mag-aaral na pinangangasiwaan niya. wika nga ng kasabihan, kung 100 ang tao sa pangangasiwa mo, dapat ay may 101 ugali ka. ganun ang mga guro. hindi nila ikinatutuwa kung may estudyanteng hindi nagtatagumpay, at bahagi naman sila ng karangalan ng mga estudyanteng nakapagtatapos ng pag-aaral. patuloy rin ang pagsasanay ng mga guro para laging up to date ang mga kaalamang dapat ibahagi sa makabagong panahon. sila ang humuhubog sa mga musmos na kabataan, nagbibigay-halimbawa sa mga kabataan, gumagabay sa mga binata at dalaga, at inspirasyon ng mga kumukuha ng karera sa kolehiyo. hindi mapapantayan ang kabayanihan ng mga teachers.

sa buhay ng tao, nakakasalamuha natin ang iba't-ibang uri ng tao na maituturing din nating mga tagapagturo sa iba't-ibang aspeto ng buhay natin. maging tayo sa ating sarili. nagiging teacher din tayo ng ibang tao kahit minsan ay hindi natin namamalayan. ayon nga sa kasabihan, habang may buhay ay patuloy ang pagdaragdag natin ng kaalaman. at sa pagtuklas ng kaalamang iyon ay may mga guro na patuloy na gagabay sa atin.

sa lahat ng mga naging guro ko, at sa lahat ng mga nakilala kong teachers, HAPPY WORLD TEACHERS DAY sa inyong lahat. ;)

2 comments:

  1. napaisip tuloy ako sino bang guro ang tumatak sa isip ko.

    madami sila. lalo na sa kolehiyo.

    hay.

    new look kuya jon ah!!! nice!!!

    ReplyDelete
  2. isama na din naten yung mga di teacher in profession pero may naituro na nakatulong sa atin patungkol sa buhay : )

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails