Wednesday, August 25, 2010

101 (age-revealing) Trivia

1. ang unang kanta na natutunan kong kantahin ay Ebony & Ivory ni Paul McCartney.
2. ang unang kanta naman na pinerform ko sa paaralan ay ang kantang The Search Is Over ng Survivor.
3. nanalo kami ng kaklase kong si Maridel sa duet-singing competition nung high school. 3rd place nga lang at isang trophy lang ang award. ayun, nasa kanya yung nag-iisang trophy na yun.
4. nase-senti ako sa kantang The First Time ng Surface. Kung curious ka kung ano'ng kanta yun, eto:



5. pinagawa kami ng song card noong high school bilang project namin sa Art, at ang pinagdiskitahan kong gawing song card ay ang kantang Kahit May Mahal Ka Nang Iba ni Wendell.
6. sobrang saya ko nang una akong makapanood ng LIVE PBA game sa ULTRA. San Miguel vs Shell, rookie pa lang si Benjie Paras.
7. sa aming magpipinsan, ako si Blue 3 sa Bioman.
8. inaabangan ko linggo-linggo ang Pinoy Thriller.
9. naaliw ako sa iba't-ibang kulay ni Voltron. tignan nyo rito.
10. alam kong si Tandang Sora (Melchora Aquino) ang tao sa hugis-bulaklak na 5 sentimo, at si Lapu-Lapu naman ang bida sa parisukat na mamera.
11. paborito ko ang Bakal Boys at natutuwa ako kapag natatalo nila ang Smokey Mountain Brothers.
12. hindi ko pinag-iisipan ng masama ang samahang Shaider-Annie. Pero nagtataka ako kung bakit sa kabila ng napaka-iksing suot ni Annie eh panay pa rin ang tumbling nito. may nakikita ba kayo rito:




13. nagpadala sa akin ng personal email ang song artist na si Archie D. dahil sa paghahanap ko ng single nya na Mahal Na Mahal. July 5, 2008 ang petsa sa inbox ko.
14. kinasasabikan kong panoorin ang Yakult Roleta ng Kapalaran... "Letter Y, Letter Y, Letter Waaaaaaahhhyyy!!!..." tatlong beses ito sa isang episode ng Family Kuarta O Kahon.
15. Speaking of Family Kuarta O Kahon, nakapanood na ako ng LIVE show nito sa Entertaiment Stage (meron pa ba nito ngayon?) ng SM North Edsa, at pagkatapos ng show ay nilapitan at hinawakan ko ang kinaaaliwang Yakult Roleta Ng Kapalaran.
16. kumanta ako ng sintunado sa isang grade school pageant bilang intermission number. ang salarin...ang minus one ng kantang Lovers In The Wind na puro 2nd voice. yun ang katapusan ng solo singing career ko. (dapat kinanta ko na lang yung walang kamatayang The Search Is Over, perfect ko pa sana)
17. pinakagusto kong moment nung elementary ako ay yung susunduin na kami ng school bus pauwi. andami kaseng tinda nung kundoktor namin sa bus... lagi kong inuutang binibili ay turon at isang basong orange juice.
18. sa school bus pa rin, nag-uunahan kaming umupo sa likuran kapag dadaan na sa may bahagi ng Roces Ave. sa quezon city. meron kaseng parang rampa ang isang bahagi ng daan dun kaya parang nasa roller coaster lang ang pakiramdam kapag umangat yung likurang bahagi ng bus.
19. kami ng ate ko ang unang sinusundo ng school bus. wala pang araw kaya antok na antok ako lagi.
20. mahilig kaming umarkila ng betamax ng pinsan kong si Bernie sa palengke. karaniwang hinihiram namin--- Summer Slam 88 (kung saan nagtanggal ng skirt si Elizabeth), Wrestlemania 3 (Hulk Hogan vs Andre The Giant ang main Event), at Royal Rumble episodes ng (dating) WWF.

photo of Ms. Elizabeth after the main event of SummerSlam '88. photo courtesy of Wikipedia


21. sa kasabikang maglaro ng water gun noong pre-school years ko, napaso ang putotoy ko ng mainit na tubig na isasalin sana sa pampaligo ko.
22. ang pangalan ng kindergarten crush ko ay si Arlet.
23. meron akong biniling class picture na wala ako sa larawan dahil absent ako nung picture-taking.
24. may kaisa-isa akong kabatch nung high school na kapangalan ko. namatay pa sya nung high school din kami.
25. may malaking poster si Voltes V sa kwarto namin noon. Takot na takot ako kaya tinaggal ng tatay ko.
26. noong naniniwala pa ako kay Santa Claus, tuwang-tuwa ako nang ang medyas na sinabit ko ay nagkaroon ng laman na de-bateryang robot kinabukasan. eto sya:



27. sa buong panahon ng pagiging mag-aaral ko, 5 paaralan ang nilipatan ko. 3 rito ay nung nasa elementarya pa lang ako.
28. hindi ako na-guidance ni minsan sa buong buhay mag-aaral ko.
29. naglalaro kami ng mga kaklase ko ng agawang base tuwing lunch break sa open field ng school.
30. gusto ko ang amoy ng bagong-tabas na damo.
31. nanghuhuli kami ng tutubing-kalabaw sa open field ng school sa pamamagitan ng paghagis ng ruler sa himpapawid.
32. natatakot kami sa isang matandang pari na lumilibot sa campus at may dala-dalang malaking rosaryo na nakasinturon sa baywang niya.
33. tumitigil kami sa paglalakad kapag tumunog ang orasyon sa school.
34. patok na patok ang halloween episode ng Magandang Gabi Bayan ni kabayang Noli at inaabangan naming magpipinsan ito.
35. huli kong binabasa ang Niknok tuwing may bago akong Funny Komiks. pangalawa sa huli lang ang Planet Opdi Eyps.
36. naranasan kong magdikit ng campaign posters ni dating senador Ting Paterno sa kalye gamit ang gawgaw nang kumandidato sya sa ilalim ng tiket ni dating pangulong Cory.
37. kinabahan ako matapos makapagsend ng "erap joke" sa numero ni senador enrile nang biglang magreply ang huli na "hu u?"
38. inaabangan ko lagi sa Panorama ang Slice Of Life ni Larry Alcala.

from Slice of Life Gallery, LarryAlcala dot com
39. gusto ko ang "freedom" na nararamdaman kapag boxers lang ang suot.
40. mas kumportable akong magsuot ng slack pants kaysa jeans.
41. nangongolekta ako ng campaign bookmark give-aways ng mga tumatakbo sa student council.
42. nagbebenta ng yema sa klase ang titser namin nung grade 3. madalang akong bumili.
43. ibinibili ko ng menudo ang aso namin para sa tanghalian pagkagaling ko ng school.
44. hinahabol ko ang Mara Clara pagkatapos ng klase. minsan, inaabot ko pa ang Anna Luna kapag maaga akong nakauwi.
45. iniyakan ko ang aso namin habang naghuhukay ng libingan nya sa bakuran namin nang ito'y mamatay.
46. dinedicate ko sa aso namin ang kantang Tears In Heaven.
47. kapag 4:30 na, AngTV naaaaaa!
48. hindi ko nami-miss panoorin ang Hoy, Gising!
49. naaaliw ako sa satire-sitcom na Abangan Ang Susunod Na Kabanata. Parang blog lang ni Professional Heckler na binigyang-buhay sa telebisyon. :D
50. ang baon kong inumin sa school noong kinder hanggang grade 1 ay Hi-C Orange, Hi-C Mango, Hi-C Grapes, at Yakult. Isa lang nyan sa isang araw. Nasaan na kaya ang Hi-C?
51. iniisip ko na madaya ang final round ng One Million Dollar Chance Of A Lifetime.



52. pangarap ko noon na makasali sa game show na The Price Is Right at manalo ng... "a new car!" hanggang ngayon, pangarap ko pa rin makapaglaro dun.
53. noong bata pa ako, gusto kong maging lawyer paglaki ko.
54. natutuwa ako pag may natatalong Gladiator sa American Gladiator.
55. naiinis ako kapag dinadaya ang T-Birds sa Roller Superstars.
56. nakanganga ako tuwing mapapanood ang introduction/opening scene ng CHIPS.
57. mabango pa ang amoy ng mansanas noon.
58. kinasasabikan kong manood ng xmas show sa COD - Cubao.

photo courtesy of theurbanroamer.com
59. nagtaxi kaming pamilya noon mula quezon city hanggang pampanga sa halagang 100 pesos lang. kontrata pa yun. hindi naka metro.
60. nagkikiskis kaming magpipinsan ng styrofoam sa pader para magkaro'n ng "snow".
61. nagtitinda kami ng bunga ng kamias sa bahay ng lola ko... fresh na fresh from the tree! kami lang sa buong street ang may puno ng kamias.
62. nagkaroon ako ng isang pares ng Mighty Kid.
63. unang commercial ice cream na natikman ko ay ang Coney Island bubble gum flavor.
64. tinitignan ko ang serial number ng tube ng Pepsodent.
65. natutuwa ako sa kulay ng Ola (detergent bar soap).
66. gumagamit ako ng Perla White pang-hilamos sa mukha ko noong high school.
67. may picture ako nung 4 years old ako na naliligo sa kalye, hubo't hubad.
68. kinukuha ko ang statistics ng laro naming magpipinsan sa Double Dribble... kumpleto: points, rebound, assist, freethrow, slam dunk, three-point shot, at win-loss record.



69. nag-iipon ako noong elementary ng Mr. Clean wrappers dahil may paramihan kami na requirement sa school. dismayado ang labandera dahil madali raw matunaw at yun lagi ang binibili namin *teehee* :D
70. nag-breed kami dati ng kuhol.
71. sabay-sabay kaming naliligo ng mga pinsan ko nung elementary pa kami.
72. nahuli ako ng boss ko dati na nagtatatalon sa tuwa nang umalis siya--- bigla kaseng bumalik, may nalimutang dalhin na nasa kwarto nya.
73. nasarhan ako sa loob ng bank vault, akala ko katapusan ko na. marami ngang pera, paunti nang paunti naman ang oxygen... wala rin. :P
74. sexy para sa akin ang babaeng naka maong shorts... yung parang ginupit-gupit lang na jeans. :D
75. sa That's Entertainment - Saturday Edition ko natutuhan na pwede palang mag-effort na maging maganda ang mga production numbers kapag may competition... at prize syempre.
76. hindi pa rin bagay ang tambalang Romnick-Sheryl. matangkad yung babae para kay lalaki.
77. mas may sense mag showbiz balita ang namayapang si Inday Badiday kaysa kay Cristy Fermin. opinyon ko lang yan.
78. ipinagpapalagay ko na astig ang pelikulang Coming To America.

Eddie Murphy (right) in 1988
79. naa-astigan din ako sa pelikulang Passenger 57.
80. mas gusto ko yung Under Siege part 1 kaysa part 2 starring Steven Seagal.
81. napanood ko ang Rocky 1 to 5. Pinaka-maganda para sa akin yung part 4.
82. kahit mahirap pumasok kapag linggo, nag-enjoy ako sa ROTC kasama ng UST Golden Corps of Cadets.
83. paborito kong de lata ang Century Tuna (flakes in vegetable oil with omega 3) :D
84. na-appreciate ko ang Filipiniana songs dahil sa new era glee club.
85. feeling celebrity noong miyembro pa ng new era glee club. may mga nagpapa-autograph sa amin. SERYOSO.
86. kahawig ko noong college ako si Gio Alvarez, sabi ng maraming nakakakilala sa akin.
87. pero nung high school, ayon sa mga kaklase ko, kahawig ko si Doogie Howser.
88. nagrerecording kami ng mga pinsan ko ng version namin ng Humanap Ka Ng Panget, gamit ang portable keyboard.
89. pinakagusto kong single ni Andrew E. ay yung "Mahal Kita"
90. may isa pa akong paboritong pakinggan sa mga singles ni Andrew E. nung kasikatan niya--- Mas Gusto Mo Siya. kanta yata ito ng mga sawi sa pag-ibig.
91. nainis ako nang una kong marinig yung Maganda Ang Piliin ni Michael V. pakiramdam ko, sumakay lang sya sa popularidad noon ni Andrew E.
92. kaklase ko sa Humanities (subject) si Gladys Reyes. mabait sa tunay na buhay ang magaling na kontrabida sa telebisyon.
93. nangongolekta ako ng BAZOOKA JOE comics noon, paramihan kami ng mga kaklase ko, minsan trade-in pa pag may doble kang kopya.
94. patok na patok sa akin ang Tropang Trumpo.


95. para sa akin, cute si tweetie de leon bilang Faye sa Ok Ka, fairy ko.
96. comedy ang unang-unang drama series ni Kris Aquino sa telebisyon, ang "Kris at 18".
97. natutuwa akong panoorin ang Sic O' Closk News, tampok si Jaime Fabregas.
98. pari ang role ko sa isang school play nung grade 5.
99. sikat moment nung nag-perform kami sa EAC bilang baguhang boyband. sad to say, hindi nagtuloy-tuloy ang gigs namin. ang pangalan sana ng aming samahan--- NORTH.
100. sa mga hindi pa nakakaalam, na-ambush interview kami ni wifey bago kami ikasal nung 2008, para sa primetime news. at ni-replay pa yung interview nang dalawang beses sa magkaibang news program. *kahiya moment*
101. meron akong natutulog na formspring account. kung may gusto kayong itanong sa akin anything under the sun, punta na kayo doon. ;)

yun lang! :P

20 comments:

  1. hahaha!!! ang tindi ng post na ito. :)

    ReplyDelete
  2. very revealing tito jon! :p

    share ko lang. paborito ko hindi lang si paul McCartney kundi ang buong Beatles,
    ako si green 2 sa bioman version namin,
    naguidance ako one time nung elementary (vandalism).
    hindi ko makakalimutang kantahin ang the search is over sa inuman at habang pinapatulog si red. may robot din akong gaya nyan,
    at hilig ko rin magrent ng betamax. nga lang, madalas horror inaarkila ko. panigurado kasing may maliligaw na sizzling na eksena dito.

    :D

    ReplyDelete
  3. relate na relate ka ba? hahaha

    ReplyDelete
  4. meron pa kayang robot na ganun ngayon? di ba yun yung naglalakad tapos titigil sandali tapos may lalabas na sine dun sa tyan? hahaha astig! :D

    ReplyDelete
  5. Katakot ang pagbabalik tanaw na yan

    ReplyDelete
  6. tanda mo yung plastic robot na pag binabad lumalaki??? :P

    ReplyDelete
  7. If I remember right, every Thursday night ang Pinoy Thriller. Naalala ko dati. 50% ng laman ng notebooks ko ay mga drawing ng mga kwento sa Pinoy Thriller. Dinodrawing ko habang kinukwento sa mga katabi ko.

    hindi ko kilala si Wendell, so I guess, mas matanda ka saken.hehehe.

    Patok din saming magkakapatid ang halloween special ng MGB. May nakahanda pa kaming kumot para magtalukbong paglumabas na yung multo.

    Hi-C Apple ang favorite ko. Kasi nagtataka ang bakit maitim ang kulay ng juice pero yung loob ng apple maputi.

    Gumamit din ako ng Perla pantanggal ng tigyawat. Kaso tinigil ko dahil nagka allergy ako.

    ReplyDelete
  8. uhm.. oo merong ganun dati. pero di yata plastic yun? saka pinagbawalan kaming bumili nun kase nakakalason daw. hehe

    ReplyDelete
  9. haha daming common things. naabutan mo tiyak si Wendell. kapanahunan sya ng mga pinoy rappers although ballad mga songs nya at di gaanong sumikat :D

    ReplyDelete
  10. ang tiyaga!!!! medyo nakakarelate ako sa ilan... sabagay ilang taon lang naman ang tanda mo sakin. hehehe

    ang gusto kong pelikula ni steven segal yung Hard to Kill... ako din si Blue 3 noong bata pa ako.. hahaha

    ReplyDelete
  11. wag ka na umepal KUYA dom!!!

    ReplyDelete
  12. eh yung 3 men and a baby na may mumu sa likod?

    ReplyDelete
  13. channel 7:
    starsky ang hutch (tama ba spelling?)
    charlie's angels
    chips
    combat

    channel 9:
    superfriends
    wonderwoman
    Lotlot and Friends
    SUPERSTAR nyahahaha

    channel 4: di ko matandaan yung ke Kuya IKe na pantapat sa That';s heheheh

    ReplyDelete
  14. hehe.. 5-days in the making yang blog post na yan :P

    ReplyDelete
  15. ay kuya hindi ko po alam ito soree :(

    ReplyDelete
  16. shet. Lotlot & Friends???!! hahaha

    ReplyDelete
  17. masaya kaya hehe :D

    ReplyDelete
  18. uy ang creepy nun. kinilabutan talaga ako dun. hanapin mo yun kuya jon. sa may hotel scene yun. kakatakot!!!

    ReplyDelete
  19. hala ba't di ko yun alam? sinong bida?

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails