baryang-barya na lang, as in, baryang-barya na lang ang isanlibong piso ngayon. bakit ba pawala na nang pawala ang halaga ng pera natin ngayon? kung ako'y may isanlibong piso ngayon sa kamay ko, pang gasolina ko ang 500, yung 100 ay pang kain ko ng tanghalian at meryenda (kapag ginutom sa hapon), yung natitirang 300 ay pambayad ko sa namamalantsa ng damit namin. meron pa kong natitirang 100. 60-piso dito ay ipambabayad ko sa 2 basyo ng mineral water at yung 40 pesos ay magagamit kong pamasahe (one way) papuntang opisina kapag ang sasakyan ko ay coding. ang siste, zero balance na ako pagdating sa opisina. yan. dalawang araw (na bitin pa) ang itatakbo ng isanlibong piso sa akin. huwag pa akong tapatan ng pagkaubos ng gatas ng anak ko at sabayan ng sandamakmak na utility bills kung hinde, maghahanap na ako ng lubid para itali sa leeg ko at isabit sa kung saan mang puno malapit sa amin. joke lang. kawawa naman ang pamilyang maiiwan ko. saka di yata ako magiging pogi kapag namatay ako nang nakabigti.
kayo, hanggang saan ang itinatakbo ng isanlibong piso nyo?
Monday, July 19, 2010
isanlibong piso... nasaan?!
story told by
aajao
at
6:30 am
Labels: life's like that, rants
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


1000 PHP = 30 SGD
ReplyDeleteHmmm... allowance ko 'yan ng tatlong araw. 165 PHP ang budget ko sa lunch. Tapos transportation pa, tapos kapag me nakita ka pang gusto mong bilhin... Haaayyy ang hirap talagang mag-budget. Kahit nga mas malaki na ang kinikita ko dito sa Singapore eh nahihirapan pa din ako.
mag kana kasi magpaplantsa. makakatipid k ng 300. kami cmula nung nagpakasal never na kami nagplantsa ng damit. tutal mauunat din naman yun pag isinuot mo na.
ReplyDeletengaun araw, lumipad din ang 1000 ko. 700+ na gatas at 200+ gamot sa sore throat at ubo lang nabili ko.after 4 days kelangan ko na ulet ng 700+ na panggatas. haist! abroad na tau pare. patulong tau kay @gasul
Kuri, madali ka naman makakahanap ng work sa abroad kasi engineer ka. Ang tanong, desidido ka bang mag-take ng risk at iwanan ang pamilya sa Pinas?
ReplyDeletePare-pareho tayo ng problema?! Kaya ayoko pa mag-asawa eh. hehehe
ReplyDeletengayon na nasabi mo, napansin ko rin na di ko na kaya paabutin ng isang linggo ang isang libo ko. partida di na ko masyado nagcocomics niyan. hay.
ReplyDelete