Sunday, July 18, 2010

freaky thing

it was the first time (and most likely my LAST TIME) to witness someone doing tawas to a person. yung tawas na sinasabi ko, hindi yung "alum" sa english.

si wifey kase ay may ilang araw nang sumasakit ang balakang. we suspect it is connected to her CS operation but nonetheless, nagpatingin sya sa OB nya. niresetahan sya ng antibiotic pero ilang araw ang lumipas, sumasakit na naman. pinagpaalam din nya kung pwede syang magpamasahe kase kapag nagpapamasahe kami ni wifey, gumiginhawa ang pakiramdam nya. we haven't had a massage for some time now so i guess it's high time we have one. kahit sya na lang muna (wala pa kaseng budget at medyo limited ang time dahil nandito nga si mamsee). so we consulted to this well-known hilot in our town. ang alam namin pareho, titignan ang balakang nya at hihilutin lang. pagdating namin sa bahay nung manghihilot, natakot ako. i glanced upon the numerous images (of the supposed "jesus christ") and some are even life-sized images. freaky thing! i felt uncomfortable pero dahil nandun na kami, at ang alam nga namin eh manghihilot lang yun, kasubuan na. after telling how she (wifey) feels, the old woman decided to give her tawas. alam mo yun? yung may tubig sa batya, may kandila at may konting bulong-bulong. wifey confessed later to me that she felt uneasy with all the "procedure". after a big candle burning, lumabas sa "tawas" ang imahe (kuno) ng apat na maganda at seksing "engkanto". meron pang alalay na gatong yung matanda... "naku naiinggit sa yo yun! kinukuha nya unti-unti ang maganda mong kutis. pag gumaling yang balakang mo, may susunod ka na namang sakit." i was like, inside me, WTF??? mag-alay daw si wifey ng dugo ng dalawang puting manok dun sa puno (sa tabing bakod namin) na pinaputol nya (dahil inuuod yung puno na yun at nakalagpas na sa bakuran namin). yung 'tawas' naman, ibinalot sa papel. i-unan daw sa pagtulog sa gabi at sunugin kinabukasan. freaky sh*t!

paglabas namin sa bahay nung manghihilot, iniwan namin kung saan yung ibinalot sa papel. pag-uwi ay nanalangin at kinabukasan ay napapahid ng langis si wifey. wala pa ring mas mabisa sa pagpapagaling ng Ama sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis na may kalakip na panalangin at pananampalataya.

3 comments:

  1. Natawa ako dun sa "kinukuha nya unti-unti ang maganda mong kutis..." LOL. Pero alam mo naman ang mga Pinoy, masyadong superstitious. Dahil na din siguro sa impluwensiya ng mga Espanyol. Kumusta naman ngayon si Wifey? Ang solusyon diyan, palitan ang OB-Gyne niya. Hehe.

    ReplyDelete
  2. ay huwag. close na kami sa OB nya. nakatagpo na kami ng manghihilot. yung talagang hilot LANG ang ginagawa. walang bulong-bulong. :D

    ReplyDelete
  3. Nyahahha! Natawa ako--natakot ka ba? Si Mother in law ko rin, sanay na, na kapag nagkakasakit si Pao--alam nya na maari nyang tawagin si Ka Mercy (kapatid, diakonesa) para magpapahid ng langis si Pao at prayers.

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails