* gusto ko ang amoy ng basang damo. mahalimuyak ito sa pang-amoy ko lalo na kapag tinatabas ito. naaalala ko ang grade school days ko sa UNO-R.
* ang una kong natutuhang kantahin noong ako'y bata pa ay ang kantang Ebony & Ivory.
* naaaliw akong manood ng larong "plinko". gusto ko sanang maranasang maglaro rin nito sa The Price Is Right... mismo!
* mahilig ako noon sa negosyong buy & sell pero sa dinami-dami ng sinubukan kong itinda, ang medyo nag *boom* lang sa mga iyon ay ang pagtitinda ko ng cell card at boxer shorts. sa magkahiwalay na mga pagkakataon.
* kahit naniniwala ako na dapat IISA lang ang tinatawag na "best friend", meron akong itinuturing na apat (4) na best friend(s). 1 best friend nung college, 1 best friend sa pananampalataya, 1 best friend sa blogosperyo at 1 best friend sa trabaho (o naging trabaho). ang huling nabanggit ay isang babae.
* unang sosyal na ice cream scoop na nakain ko sa tanang buhay ko ay ang ice cream brand na Coney Island.
* hinahanap at nami-miss ko ang brand ng sapatos na Mighty Kid. alam nyo na kung bakit.
* mula sa kabataan ko, may mga panaginip akong "serye". yung tipong paulit-ulit at tuluy-tuloy ang kwento kahit ibang gabi na ang pagtulog ko.* hanggang ngayon ay kabisado ko pa ang 24 senador na tumakbo sa tiket ni dating pangulong cory aquino nang magkaroon ng snap election. in alphabetical order:
1. Alvarez
2. Angara
3. Aquino
4. Defensor
5. Gonzales
6. Guingona
7. Herrera
8. Laurel
9. Lina
10. Maceda
11. Manglapus
12. Mercado
13. Osmena
14. Paterno
15. Pimentel
16. Rasul
17. Romulo
18. Saguisag
19. Salonga
20. Sanchez
21. Shahani
22. Tamano
23. Tanada
24. Ziga
...ayun o!
:D



wow, dami ko nalaman sa iyo kuya!
ReplyDelete:)
bumuboto ka na ba nung panahon na yon? hehehe
ReplyDeletepara sakin ang hirap magbrand ng kaibigan na 'best friend'. parang unfair sa ibang mga kaibigan ko na may ituturing akong 'best' dahil iba iba ang mga pinagdaanan namin ng bawat isa sa mga kaibigan ko.
sinisipon ako sa amoy ng basang damo. o alimuon.
naaalala ko yung coney island. hay nakakamiss yung bubblegum flavor na ice cream nila. hay.
Gibo, haha. nung nag snap elections, 9 years old pa lang ako. malakas lang ang recall nung mga political ads that time. ewan ko pero may isa pa kong di malilimutang political ad... yung Romy "Nonong" Jalosjos na tumakbo sa pagka-senador. :P
ReplyDeletehehe.. konti pa lang yan. pag nag backtrack ka sa blog ko mas marami ka pang malalaman. lalo na dun sa series ko na 10 truths, 5 lies. ;)
ReplyDeleteSinong Defensor yan jon?
ReplyDeletesharp ng memory!
ReplyDeletepresto lang ang natikman kong ice cream nong bata ako.
yan ang hindi ko matandaan. pero sigurado akong hindi yan si Sen. Miriam or si Mike Defensor. Malamang yung Art?
ReplyDeleteMiss ko rin ang Mighty Kid! Meron ako nun, white.
ReplyDeleteisang pares lang ako nagkaroon nun :(
ReplyDelete