Sunday, May 09, 2010

higit pa sa kapeng mainit

sa wakas, pagkatapos ng trabaho ko kagabi ay nasilayan ko rin ang coffee shop ng kaibigang si Edsel, ang Kafferazzo. matagal-tagal ko na ring binalak na makapunta sa nasabing kapehan (hindi naman kasintagal ng ten years) mula pa noong nagkakilala kami ni edsel sa cyberworld at nang malaman kong nagmamay-ari sya ng isang coffee shop. siya rin ang nagbubuyo sa akin para subukan ang negosyong ganito, na siya namang pinapanga-pangarap ko rin. dali-dali akong nag pack-up sa opisina para bumiyahe patungo sa kapehan ni edsel. minabuti kong huwag ma-trapik dahil kahapon din ay idinaos ang naglalakihang mga miting de avance sa iba't-ibang panig ng Maynila, kaya sumakay ako sa ever-reliable na LRT. pagbaba sa estasyon, sumakay lang ng jeep at ilang minuto lang ay naroon na ako sa bungad ng cute na coffee shop.

higit pa sa mainit na kape ang inihain sa amin (kasama si biep kuri) ni edsel, kasabay ng makukulit na kwentuhan. naroon ang nakapaglalaway na sisig, mayaman sa lasang kaldereta at napakalinamnam na grilled fish na binanatan ko nang husto. sayang walang dinuguan kase masasayang lang talaga dahil hindi ko kakainin. ang masarap naming pagkain ay sinamahan pa ng napaka-refreshing na blended coffee... aahhh... gumuguhit sa lalamunan daig pa ang masasarap na alak.


at syempre, higit pa sa mainit na kape ang kwentuhan naming tatlo. kung anu-anong kakulitan na ang sentro ay umikot sa blogosperyo. may iba pa ba? sa tuwing nag-a-eyeball yata ang mga bloggers, bloggers din ang pinag-uusapan. pero napag-usapan din namin ang pagnenegosyo na akala mo may pang capital kami lahat (si edsel lang ang may puhunan sa amin, actually.) napag-usapan din namin ang ilang bagay na may kinalaman sa "sideline" lalo na ni kuri (no need to elaborate, hehe) at siguro konting kwento tungkol sa mga nakaraan (kasama pa sa kwento si Ondoy). ayun. bitin ang oras pero syempre, dahil kaming tatlo ay mga ulirang mga tatay, kinailangan naming sundin ang kani-kaniyang "curfew". hindi kami masyado nagpa-late. katunayan, may byahe pa ang LRT pag-uwi ko. cool!

at dahil may permiso ako sa general manager ng Kafferazzo, narito ang ilang larawan ng kaniyang coffee shop:




...yan. ang cozy ng lugar. masarap magkape kung nag-iisa ka o kaya ay may kasama. FREE WI FI ZONE. highly accessible via jeepney, LRT 2, FX at lalo na ng taxi. puntahan ninyo. nasa pagitan lang sya ng UERM at Caltex station after ng J. Ruiz LRT 2 station kung galing ka ng Cubao, after V. Mapa LRT 2 station naman kung galing ka ng Recto. higit pa sa mainit na kape ang malalasap mo sa Kafferazzo. t'yak yon! at kung hilig mo naman ang pagkain ng masarap na steak, bulalo o barbecue sa abot-kayang budget, hindi mo na kailangan pang lumayo. katabi lang ng Kafferazzo ang makapagbibigay sa iyo nito:


Sa susunod yung iba namang bloggers ang eye-ballin natin sa Kefferazzo at Edong's. ;)

DISCLAIMER: This is NOT a paid advertisement.

9 comments:

  1. hmm, tara kain tayo jan! :-)

    ReplyDelete
  2. yahoo, mukang masarap talaga! yum yum!

    ReplyDelete
  3. di lang mukha, masarap talaga! kilala mo may-ari nyan? :D

    ReplyDelete
  4. sige minsan punta tayo dyan mga dabarkads ;)

    ReplyDelete
  5. ako kilala ko.mabait yun biep.
    balita ko nga hindi lang nagpapakape yun nagpapainom pa!

    tingnan mo nga naman. ;)

    ReplyDelete
  6. palagay ko, ang tindi ng topak nun pag nagpainom pa... hahahaha

    psst kapogi! ikaw ang bahala sa inuman!

    ReplyDelete
  7. Natagpuan ko rin! hahahh! Yan ba ang ihahanda mo kuya Chingoy, pag uwi ko? Masarap na ang kape sa Disyembre!

    Masarap din ang sisig at steak. Wag na rin ang dinuguan, sayang lang! hahah!

    Puto na lang na maraming keso, o kaya bibingka--ayos na. Kay kuya Chingoy din ang Edongs?

    ReplyDelete
  8. yehey, another bloogers EB! woot! woot! :D

    ReplyDelete
  9. [...] i (together with biep Kuri) was able to visit a blogger friend’s coffee shop, Edsel’s Kafferazzo. in June, our baby celebrated her first birthday also, mom’s homecoming is another story [...]

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails