Saturday, May 01, 2010

Ang Mga Manggagawa At Ang Ina Ng Tahanan

[caption id="attachment_1416" align="alignleft" width="228" caption="ang beh beh ko: full time, super mom! :)"][/caption] Mayo 1--- sinong nagsabi na ang araw ng mga manggagawa ay para lamang sa mga trabahador at namamasukan sa mga malalaking kumpanya? isa sa mga hindi gaanong nabibigyang-pansin, subalit lubhang may mahalagang gampanin, ay ang mga ina ng tahanan. sa blog post na ito ay itutuon ko ang aking panulat hindi para sa karaniwang manggagawa sa ating lipunan kundi sa mga maybahay at ina na maituturing din nating mga manggagawa. ang kaibahan lamang ay hindi sila nagpapawis sa labas ng tahanan kundi iniukol ang buhay sa pag-iingat ng kani-kanilang mga tahanan. hindi lamang sila pagal sa pag-aasikaso sa kaniyang pamilya, nakahanay pa ang walang katapusang gawain sa loob ng tahanan. Napakabuti nilang katuwang ng mga padre de pamilya upang manatiling maayos ang buong sambahayan. Sila ang pangunahing nakaaalam ng mga kaganapan sa loob ng tahanan at tinitiyak nila na ang lahat ng bagay ay nasa kaayusan. Sinisinop niya hindi lamang ang mga miyembro ng kaniyang pamilya kundi ang kabuuan ng kaniyang tahanan. Ang mga gawaing hindi biro ay buong-puso niyang ginagampanan--- pagluluto ng pagkain, paglilinis ng bahay, paglalaba at pamamalantsa ng mga damit, pagsinop sa budget ng pamilya, pagtuturo at pag-aasikaso sa mga anak, pagiging mabuting asawa--- ng walang inaasahang kapalit. minsan nga ay hindi maisip ng ibang miyembro ng pamilya kung paano na sila kapag dinalaw ng karamdaman ang masipag na ina. halos titigil ang "operasyon" sa loob ng tahanan. kumbaga kase sa isang kumpanya, bagama't nananatiling "general manager" ang mga ama ng tahanan, "operations manager" naman nila sa loob ng tahanan ang mga ina. malaking bagay kung naroon siya at maayos na ginagampanan ang kaniyang mga gawain, at malaking kakulangan naman kapag sila ay nawala sa sirkulasyon.

kahit hindi pa naman ngayon ang paggunita para sa araw ng mga ina, minabuti ko rin na iukol sa kanila ang blog post na ito dahil sila rin ay maituturing na mga manggagawa--- hindi ng malalaking kumpanya kundi ng pinakamahalagang bahagi ng lipunan--- ng kanilang pamilya. ;)

2 comments:

  1. Nice. Indeed they're the best unassuming workers around.

    ReplyDelete
  2. Thanks Dom! :)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails