Wednesday, March 10, 2010

Earth Hour Pilipinas



Mula nang ito'y pasimulan tatlong taon na ang nakalilipas, nakuha ng Earth Hour ang imahinasyon ng mundo sa pagiging pandaigdigang kaganapan na nakamamangha. Binigyang-inspirasyon ng Earth Hour 2009 ang may isang bilyong tao sa may 4100 na kalunsuran at 88 bansa upang magpatay ng ilaw. Mahigit 10 milyong Pilipino sa 647 na bayan, lunsod at munisipalidad ang nakibahagi rito--- higit na marami kaysa saan mang dako sa daigdig. Sa taong ito, hangad ng Earth Hour Pilipinas ang pakikibahagi ng higit 15 milyong PIlipino sa mahigit 1000 bayan at lunsod sa buong kapuluan. Sa buong mundo, nakapagpahayag na ng pakikibahagi rito ang 807 kalunsuran at bayan sa may 82 na bansa na sakop ng bawat kontinente ng mundo.

(mula sa wwf.org.ph/earthhour)

makibahagi tayo! ;)

4 comments:

  1. game na ba? magpapatay na ba ko ng ilaw? =)

    ReplyDelete
  2. sige wag mong bubuksan hanggang 9:30PM ng March 27 ha ;)

    ReplyDelete
  3. kainggit talaga maging tatay...

    ReplyDelete
  4. yehey bago ang domain! asteeg na si atty.! woot! woot!

    hmm.. dun yata sa isang post dapat itong comment mo ah. hehe. di bale, alam ko naman magpapatay ka rin ng ilaw sa Earth Hour eh. ;)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails