noong isang araw habang nanananghalian sa pantry ay napadpad ang usapan naming magkaka-opisina sa mga taon ng aming pagiging mga estudyante. isang tanong lang tungkol sa sembreak, ayun na. "may sembreak pa ba mga estudyante (elementary at high school) ngayon?" --- tanong na tumulay sa pagsasabing... "nung panahon namin, di namn uso yang sem break - sem break na yan sa high school."
doon nagsimula ang maraming pagbabalik-tanaw sa panahon ng pagiging estudyante...
intrams
sinong estudyante ang umaayaw sa intramurals? hindi lamang walang academic classes sa panahon ng intrams, ito rin ang pagkakataon na makapag-unwind ka sa karaniwang classroom-lecture sessions sa paaralan. makasali sa grupo na lalaban sa ibang year level para sa iba't-ibang uri ng larong-palakasan: basketball, volleyball, track & field, at marami pang iba. naranasan ko rin namang sumali bilang manlalaro ng year level namin sa chess pero mas gusto ko pa rin ang manood ng mga laro, mangantiywa sa kalaban kasama ng mga barkada ko, at kung minsan ay makipagkwentuhan na lang sa mga kaibigan sa ilalim ng umbrella tree at lumalamon ng kung anu-anong pagkain habang nakabilad sa araw ang mga naglalaro. exciting din ang announcement of winners at kung sino ba ang magiging over-all champion sa nasabing events.
foundation day
sa palagay ko, mas stress-less ang foundation day kumpara sa intrams. at para sa akin mas masaya ito. wala kase kaming ginagawa kundi lumibot sa buong campus (hanggang sa sakop ng college premises) at sumakay sa mga sinet-up na rides, tumaya sa mini-perya (kung pinayagan ng school admin magkaroon sa loob ng campus), at libutin ang iba't-ibang booths na nakatayo sa field: dedication booth, marriage booth, kising booth, at kung anu-ano pang booths. patok ang marriage booth lagi. dito dinadala ang mga target na couple para hulihin, iposas at "ipakasal" (o bigyan ng huwad na marriage certificate) bilang tanda ng kanilang pagkakahuli. maswerte ka naman kapag sa kissing booth ka napunta kase doon, may actual halikan kahit smack lang. hindi yata ako napunta sa dalawang booths na yun ah. kadalasan kase, kinukuntsaba ko ang tumatao dun at nakiki-duty ako sa manghuhuli ng mga "biktima" hehehe... paborito kong puntahan ang booth ng inihaw na hotdog. sa eskwelahan namin, parng hotcake ito kung bumenta. naisip ko tuloy, lahat yata ng nagsimula ng booth na yun eh "management" ang kursong kinuha pagtungtong sa kolehiyo. in fairness, natatandaan ko pa hanggang ngayon ang masarap na lasa ng sarsa ng inihaw na hotdog na tinitinda sa booth na yun. at dun ko nauubos ang allowance ko sa isang araw. yung mga emo naman (di pa pala uso ang terminong yun noon), well, yung mga katumbas nila noon, madalas tumambay at mag request ng kanta sa "dedication booth". kinikilig na ang mga kumag kapag nabanggit ang mga katagang: this song is lovingly dedicated to (insert name here). Message: i miss you and wish you could be mine forever. Love, (insert codename here). at kung matapang-tapang ang mukha ng nagdedicate ng kanta, real name nya ang babasahin sa huli.
heart's day
napag-uusapan ang mga kilig (ka-corny-han) factor nung high school, isa sa cheesey moments ng high school life ang araw ng mga puso. sa eskwelahan namin, pinapayagan ang mga flower vendors na magkaroon ng tindahan sa loob ng campus, at malayang makabibili ang mga lalaki ng bulaklak para sa kung sinuman ang gusto nilang pagbigyan nito. eto ang panalo: pwede ang special delivery sa mga biniling bulaklak. sabihin mo lang ang room number, pangalan kung para kanino ang bulaklak at anong oras mo gustong ipa-deliver yun. kung kaklase mo yung babaeng pagbibigyan mo, ayos sa kilig moment!
Delivery Boy: excuse me ma'am may delivery lang po ng flowers.
Teacher: Ok sige. O class, meron daw nagpadeliver ng flowers, para kanino kaya?
DB: To (insert girl's name here), Message: "if i have to choose between loving you, and breathing. I would use my last breath to say I LOVE YOU."
love & kisses, (insert flower sender's codename here)
Whole Class: yiheeeee!!!!!
Girl (flower recipient): *blushes endlessly until end of class*
LOL!
Wala akong maalalang memorable tungkol sa academics. hahaha.. hmm, siguro yung NCEE (pinalitan ng NSAT) review & actual test ang pinaka memorable nung high school. kase kailangan naming pumasok kapag Sabado, hindi dahil sa make up classes sa dami ng bakasyon kundi dahil may NCEE review kami. marami pang high school memories. sa susunod na siguro maikukwento yung iba.
elementary moments
naibahagi ko na yata ng kaunti ang ilan sa mga "aktibidad" ko nung elementary. bukod sa pagkakalat sa pagkanta ng Lovers In The Wind sa entablado noong kinuha akong guest singer sa school pageant, marami rin namang magandang memories nung elementary. siguro sa ibang pagkakataon, maiisa-isa ko dito ang mga naaalala ko mula noong kinder pa ako. hmmm... maganda ring balikan yung mga taon na yun, si Pangulong Marcos pa ang presidente ng Pilipinas noon. noong elementary rin ako unang nakatanggap ng "love letter" yiheee... di pa uso text nun. mas nakakakilig makatanggap ng totoong sulat-kamay na love letter kaysa love quotes lang sa celfone na hindi mo alam kung ilan kayong pinadalhan nun. haha! :p
kaugnay ng aktibidad noong elementary, napansin ko lang, isang araw kase habang nangapit-bahay kami ng baby ko (para magbilad sa morning sun), napansin ko (sa tindahan ng kapitbahay namin) na binibili na lang pala ng mga estudyante ang UN (members) flags na ipaparada para sa selebrasyon ng UN WEEK. bakit ganun? nung panahon namin eh kami mismo ang gagawa ng flag na mabubunot namin (na lahat kami ay umaasang Japan ang mabubunot) sa pamamagitan ng oslo papers at art papers. ngayon instant bili na lang mga estudyante. paano na ang creativity? :(
marami na marahil nagbago sa style ng mga mag-aaral noon at ngayon. pero isa lang ang nananatili hanggang ngayon na masasabi natin: masarap maging estudyante! agree?
Sunday, October 25, 2009
flashback < < < school days
story told by
aajao
at
2:58 pm
Labels: chapter, friends, lighter side of life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


paborito ko dito yung foundation day. kasi samin isang buong linggo ang celebration. tapos may artista pa.
ReplyDeletenamiss ko tuloy yun...
ako 1.5 year na since I graduated and I still miss school a lot *sigh*
ReplyDeletegilbert ang saya ng foundation day ano? pag ganun nga sa school, gusto ko more than a week yun para sarap-buhay lang at ganahan akong pumasok sa school. hahaha!!
ReplyDeletejecoup malamang nga miss mo. kase active ka rin sa mga school activities and extra-curricular stuffs, di ba? ;)