ilang araw na lang, Agosto na. kailangan ko pa bang ulitin na ang bilis ng panahon. ganitong mga panahon noong nakaraang taon, sabik ako sa nalalapit na pagdating ng pamilya ng ate ko mula sa Canada, bukod sa nagtipon din ang mga dabarkads kong KADIWA para mag-usap ng buhay-buhay. napakadalang na naming magawa iyon at noong gabi na iyon ay nabuo muli kami para kumain at pagkatapos ay magkape at isagawa ang halos magdamagan na kwentuhan. ang lahat ng iyon ay may kaugnayan sa nalalapit kong kasal. nang mga panahong ito rin noong nakaraang taon, dinalaw ako ng trangkaso habang nananatiling kailangan kong pumasok dahil sa cut-off week sa opisina at maraming trabaho. mabuti ngayon, kahit nabasa ako sa ulan noong isang araw ay awa ng Diyos hindi naman ako dinadapuan ng karamdaman.
malapit nang matapos ang buwang ito. naging abala para sa akin ang buwang ito dahil sa mga paghahanda sa ika-95 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo, at ikinagagalak kong maging kabahagi sa pagdiriwang ng pagtatagumpay na ito ng pananampalatayang kinaaaniban ko. sa buwan din na ito inihandog sa Diyos ang aming si Aya Jr. kasabay ng pagsamba/pasalamat sa Diyos noong Linggo, na pinangasiwaan ng kapatid na Albert. nakaraang Biyernes naman ay ika-isang buwan na ni Boneneng. ulitin ko, ambilis ng panahon. bumibigat na rin sya dahil sa lakas uminom ng gatas. lagi na silang magkasama (bonding) ng mommy nya sa araw at medyo dumadalas na rin ang pag-duty ko sa kanya sa gabi o kapag umuwi na ako ng bahay. mabuti rin naman para lagi nyang naaamoy at nakakaulayaw ang daddy nya :) nakakatuwang pagmasdan ang dalawa kong "Aya(h)".
sabi ng iba, magkamukha ang mag-ina ko. hindi naman ako kumokontra. meron din namang nagsasabi na kamukha ko. hmm.. ewan ko. marami yatang kamukha si Aya Jr. hanggang ngayon nalilito pa kami sa palayaw nya. Yun kaseng "Boneneng", dapat sa amin lang mag-asawa yun. Yung "Aya" naman, hindi namin mai-tawag sa kanya kase nga "Ayah" ang tawag sa mommy nya. yung "Heart" siguro ang dapat naming sanayin para magaya ng iba pero may nagsabi ang layo raw ng Heart sa pangalan nya. Oo naman, malayo. Hmm... siguro bahala na si baby Aya kung anong gusto nyang itawag namin sa kanya paglaki nya. Basta ang alam namin, mabait sya ngayon... lalo na pag tulog. :D
malapit nang matapos ang taon. ano pa kayang hinihintay ko na darating bago matapos ang taon na ito? hmm...
Wednesday, July 29, 2009
malapit na
story told by
aajao
at
7:50 am
Labels: contemplating, family
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Advanced Happy Anniv sa inyong mag-asawa.. di ko malilimutan yan kasi kinasal kayo sa pinakamaswerteng araw according to Chinese horoscope.. hehehe
ReplyDeleteang bilis nga ng panahon, lalo na pag naeenjoy natin bawat minuto ng ating buhay :)
ReplyDeletemarami pang mga magagandang bagay na darating sa mga taong mabubuti gaya ninyo.
ReplyDeletehappy anniversary in advanced parekoy!
All I can say.. enjoy every minute with ur angel... kase ang bilis talaga ng panahon!...
ReplyDelete