patapos na halos ang unang araw ng ika-anim na buwan ng taon 2009. tulad ko, ito ang unang kaarawan ni wifey bilang may-asawa na sa di kalaunan ay magiging isang ganap nang ina.
nag-file ako ng VL last week para sa araw na ito at gaya ng nabanggit ko nung nakalipas kong blog post, nabuking ang dapat sana'y sorpresa kong ito kay wifey. tamang-tama kase, matapos ang isang madugong cut-off day noong biyernes, maghapon kong nakasama si wifey ngayon para sa aming bonding :)
ang una naming pinuntahan ay ang Fully Booked sa may Bonifacio High Street upang (sa wakas) ay makuha ko na ang pina-reserve na aklat ni Bob Ong, ang Kapitan Sino. Magandang pagkakataon din ito para magkita muli ang dating mag-amo na ngayo'y magkaibigan na sina wifey at si Aimee (Ms. A, kung siya ay karaniwan kong tawagin dito sa blog ko). Nakakatuwa kase pareho silang nagdadalantao. Habang nagkukwentuhan sila ay nag-ikot ako sa aklatan at dahil inaabot na ako ng pagkagutom mga bandang ala-una, tumulak na rin kami sa Megamall para doon kumain.
Bakit daw hindi pa kami kumain sa Boni? kase daw mahal mga kainan dun. :p kaya nag-ikot kami sa medyo paborito naming mall at doon ay pinag-isipang mabuti kung alin sa dalawa ang papaboran ng panlasa namin ng mga sandaling yun: baked ziti kaya ng Sbarro o roasted chicken ng Kenny Rogers? hmm... nanaig ang huli. kaya bundat kami pagkatapos kumain ng manok, side dishes at masarap na corn muffin, na sinamahan pa ng dambuhalang orange juice at iced tea. *burp* excuse me po! at dahil nakabasa kami ng salitang "libre" sa text, dali-dali kaming pumunta sa Sta. Lucia grand mall upang makipagkita sa mabait na kaibigan na si Chaddy. ililibre nya raw kami sa Figaro. wow. ayus! hindi namin ito tatanggihan. nagkaro'n din ako ng pagkakataong i-renew ang aking Figaro Coffee Club membership at lasaping muli ang mahalimuyak na samyo ng brewed coffee. nagkwentuhan ng kaunti, nagkuhanan ng kaunting litrato, at naghiwalay na kami ng nanlibre sa amin dahil meron pa syang pupuntahan, gayundin naman kaming mag-asawa. inihatid ko si wifey sa kinalakhan nyang bahay habang ako naman ay pumunta muna sa Angono para umattend ng monthly meeting ng choir. pagkatapos noon, isinama ko ang ilang kaibigan sa bahay at dun ay pinagsalu-saluhan namin ang kaunting inihanda para sa kaarawan ni soon-to-be-mommy, Ayahkels. kakapagod ang maghapon pero sulit naman. nagpapasalamat ako sa Diyos sa ganitong mga biyaya at sa mga araw na nagkakasama-sama ang mga mahal ko sa buhay, para ipaalala na hindi puro problema ang buhay--- bagama't mahirap, nagiging magaan ang lahat sa piling ng mga mahal mo, sa pakikisama ng mga tunay na kaibigan at higit sa lahat, sa patnubay ng dakilang Lumikha.
ang susunod naming haharapin ay ang paglabas ng aming little baby. hindi na ito magtatagal. kung loloobin ng Diyos, madaragdagan na kami sa munti naming tahanan ng isang cute na baby. pero bago ko tapusin ang happy kaarawan blog post na ito, gusto ko lang ibahagi ang pinaghirapan ko (actually hindi naman talaga mahirap, medyo matagal lang i-edit) na audio-visual para sa aking wifey. ang mga larawan na mapapanood sa video ay ilan lamang sa "kakikayan poses" nya sa tuwing makakahawak ito ng camera. ipagpaumanhin ang aking editing. hindi pa ako ganun kabihasa sa paggamit ng movie maker. yup, windows movie maker lang po iyan. nakakaaliw nga palang gumawa ng video...
muli, happy birthday, beh beh! nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa yo, hindi ko na ipo-post dito. lam mo na... ayaw ko ng PDA! hahaha!!! :p
Monday, June 01, 2009
3-in-1 plus 1 happy kaarawan! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


belated happy birthday ayah!!!
ReplyDeletesweet naman. kainggit. uy, belated birthday greetings ke mam!
ReplyDeletenaks talaga naman extra pa ko! hehehe. happy birthday ulit kay wifey!
ReplyDeleteBelated happy bday! huli man daw at cute, cute pa din. hahah!
ReplyDeletethanks bhe... sorry ngayon lang ako reply or nag check ng PC super lazy na :)
ReplyDeletethanks sa mga greetings :)
ReplyDelete