
Hindi ko masyadong kilala si Ricky Hatton pero marami ang nagsasabi na mayabang siya kaya bagay lang sa kanyang humiga sa boxing arena na hilo sa suntok ni Manny Pacquaio habang pinapanood sya ng mga fans nyang Briton na natulala sa nangyari sa kanilang kinikilalang diyos ng boxing. Taliwas naman ito sa ugali ng pambansang kamao, si Manny Pacquiao. kahit sa mga interviews nya pagkatapos patumbahin sa una at ikalawang rounds si Hatton, nanatiling mababa ang loob ni Pacquiao. kaya proud ako sa kaniya! isang karangalan ng bansa ang pagkakaroon ng mahusay na boksingero hindi lamang sa loob ng boxing arena kundi maging sa ugali nito bilang isang sikat na propesyunal. ang gusto kong pataubin ni Manny sa ring sa susunod ay si Floyd Mayweather Jr. marahil gaya ni Hatton, maturuan niya itong tumapak sa lupa pagkatapos halikan ang boxing arena sa pagkakayanig sa kamao ni Manny. eto ang ilan sa mga winika ni Mayweather Jr. mga ilang minuto bago ang laban nina Manny at Ricky Hatton:
“I guess I just missed boxing,”
“Somebody’s got to keep the sport up and running. Why not me?”
“I’m still the biggest draw in boxing,”
“Everybody wants to fight me because they know I’m the cash cow.”
“I left on top, and I came back on top,”
“I’m here to fight and reclaim what’s mine.”
(ang larawan sa itaas ay mula sa GABRIEL BOUYS/AFP/Getty Images) ng Sports dot Yahoo dot com)
kaugnay na artikulo:
"While Mayweather plays the villain with great success, Pacquiao comes across as a humble fighter who cares about nothing except doing his job, then getting together with his band as he did after stopping Hatton to make some music."
basahin ang buong kolumn dito: Lot to like about the new king of boxing
Monday, May 04, 2009
tikman mo'ng kamao, ang kamao!
story told by
aajao
at
1:32 pm
Labels: Taas-Noo Pilipino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


he he.mukhang ansaya nyo dyan ah. kami, mga pang-asar. di pinansin si pacquaio. he he
ReplyDeleteatty. maganda ang takbo ng boxing career ni pacman... pumapantay na sya sa lebel nina Muhammad Ali... isang maganda sa katangian nya kumpara sa ibang boksingero, humble sya at pangiti-ngiti lang. sana huwag lumaki ang ulo at sana huwag pasukin ang pulitika para lagi syang mabango sa mga Pilipino ;)
ReplyDeleteits a good thing that he shared honor to the country. sana lang share din nya winnings nya. lol.
ReplyDeleteatty. Oman, i think manny has done that in his previous winnings. daming tao sa Gen San dati... kaya lang i think he should teach "his people" how to catch fish rather than feeding them fish directly.
ReplyDelete