Friday, May 01, 2009

Mayo naaaaaa!!!

ito ang paborito kong buwan. bakit kaya? sa pagbabalik-tanaw sa mga buwan ng Mayo mula nang ako ay mag-blog, dito nakatala ang ilang mga bagay na nagpasaya sa buhay ko. tulad noong taon 2003, sa buwan ng Mayo naganap ang Island Cove Escapade ng aking PExbarkada. Isang ala-ala sa buhay ko na hindi ko malilimutan... mga panahong halos wala kaming ibang isipin kundi maging masaya kapag nagkakasama-sama. taon 2004 sa buwan din ng Mayo nang maglipat ng bahay ang ate at bayaw ko mula sa matagal na pakikisilong sa bahay ng kamag-anak sa Mississauga. isang magandang karanasan yun hindi lang para sa akin kundi para na rin sa pamilya ng ate ko dahil iyon ang unang pagkakataon na masasabing tunay na silang nagsarili... at bahagi ako ng kasaysayang iyon. :) Mayo 2005 naman nang opisyal na magsimula ang tanggapang pinapasukan ko (hanggang sa kasalukuyan). malayu-layo na rin ang narating ng kumpanya namin mula noon at marami nang nabago. ang buwan ng Mayo noong 2005 ang naging hudyat ng pagpihit ng buhay-manggagawa ko. taon 2006, dalawang kasal ang dinaluhan namin ni wifey (na nung mga panahong iyon ay tinatawag ko pa lang sa pangalan nyang "Camille" hehehe...) di alam ng karamihan, tumitingin-tingin na kami ng mga wedding set-ups dahil sa buwan ng Mayo ng taong ito una naming binalak na magpakasal na. ang cheeeeeessyyy....! :P Mayo 2007 na marahil ang isa sa pinakamakulay na bahagi ng buhay ko. may ilang mga "first time" akong naranasan sa buwang ito tulad ng pagtungo sa bulkang Taal, at pagsakay ng jetski. sa buwan ding ito ng taong 2007 naging tanyag ang kasamahan sa trabaho na si Roger. Mayo 2008 naman ang huling buwan ng Mayo ko bilang binata. bagama't abala kami sa paghahanda sa nalalapit na araw ng kasal, hindi pa rin naman namin lubusang kinalimutan ni beh ang pagba-bonding. sa buwang ito kami nakarating sa dulo ng walang hanggan... sa isang bayan ng Batangas sa pamamagitan ng pagmamaneho sa direksyon na kung saan merong daan... tinahak namin ang mga ka-kalsadahan ng Batangas upang masilayan ang isang magandang resort, ang La Luz Resort. Maganda. Malinaw ang tubig. Sayang nga lamang at di na kami nakabalik muli. Marahil sa hinaharap.
Ngayon ay unang buwan ng Mayo na ako ay may-asawa. Maganda ang pananaw ko sa kinabukasan. Hindi lang isa ang nadagdag sa kasama ko habang buhay kundi hinihintay na rin namin ang paglabas sa mundo ng isang makulit na sanggol. Marami mang suliraning kinakaharap, itinuturing na lang naming pampalasa iyon sa buhay. Kase kung walang challenge, walang buhay. di ba? sa tingin nyo?

2 comments:

  1. parang kelan lang. wala pa tayong malay tungkol sa pag-aasawa. hahaha. before, intindi lang natin mag-enjoy ng barkada...bilis ng panahon..:)

    ReplyDelete
  2. haay lapit na bhe...ilang sundays na lang almost 10 weeks to go kung di sa katapusan ng june sa july 11...whaaaaaaaaa........ darating na si KULITz natin..excited na ako kahit nakakatakot!!!

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails