Ang Kaluwalhatian Ng Kabataan ay ang kanyang kalakasan (Kaw. 20:29) kung kaya't siya'y nagsasanay ng katawan. Subali't sa pagsasanay ng katawan ay kakaunti ang pakinabang (1 Tim. 4:8), dahil dito, dapat na taglayin ang kalakasang makapagtatagumpay laban sa kasamaan at ito ay ang pagtataglay ng mga salita ng Diyos (1 Jn. 2:14). Ang ilang mga kabataang lingkod ng Dios ay nadadaig ng kasamaan bunga ng kalayawan (Luk. 8:14) kaya upang ito'y maiwasan, sila ay hinihikayat na magsumakit sa mga gawaing ukol sa Panginoon (1 Cor. 7:31). Kapag ang isang lingkod ay umibig sa sanlibutan, hindi mananahan ang Diyos sa kaniya--- ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman (1 Jn. 2:15-17), samantalang ituturing ng Diyos na patay ang nagpapakabuyo sa kasalanan, bagama't buhay (1 Tim. 5:6). Ang ganitong uri ng tao ay gaya ng punong pinutulan na ng ugat upang di makapagbunga at itatapon sa apoy (Mat. 3:10).
Upang magawa ng isang kabataan ang pagiging dapat sa Diyos, inaanyayahan siya ng Panginoon na maglinis sa pamamagitan pagsunod ng mga salita ng Diyos (Awit 119:9).
Sa ganitong uri ng pagsunod magiging malinis ang isang lingkod ng Diyos (1 Ped. 1:22). Sa pagsunod sa mga salita ng Diyos, dapat ay nagagalak at ito ay iniingatan (Awit 119:14). Ang mga ito rin ay dapat na binubulay, iginagalang at higit sa lahat, ibinubuhay (Awit 119:15). Isang magandang tagubilin para magawa ang pagsunod ay ang pagpapasan ng pamatok (Panaghoy 3:27) o ang pagtanggap ng tungkulin sa Iglesia.
Kung nahulog sa kasalanan at pagkukulang, idalangin sa Panginoon na patawarin, linisin at alalahanin siya ng Diyos sa panahon ng pagsisisi (Awit 25:7,16-18). Pakikinggan ng Diyos ang may mapagpakumbabang puso at ang mga sumusunod sa Kaniyang kalooban (Awit 25:9, 14). Idalangin din sa Diyos na patnubayan Niya tayo at ilalayo sa paggawa ng kasamaan (Awit25:20) upang tayo ay hindi mapahiya, at tiyak na maligtas anumamang oras na muling dumating ang Panginoong JesuCristo upang tayo ay kunin (1 Jn. 2:28).
Tuesday, September 23, 2008
Ang Kaluwalhatian Ng Kabataan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


wow?! faith. . .amen..gulat ako sa blog mo
ReplyDeleteMahina talaga ako sa numero, at pinakamahina ako pag mga ganitong numero ang usapan. hehehe
ReplyDelete