Tuesday, June 24, 2008

hate work?

who loves it anyway? sabi nga ni master ederic nang kami ay makapagkuwentuhan, kahit sinong tao raw ang tanungin mo ay umaayaw sa kumpanyang pinapasukan. hmm.. bakit nga ba ganun? kapag wala kang trabaho, nagkakandarapa ka sa paghanap. kapag meron naman na, ayaw mo na. haayyy... life... you just can't get satisfied with what you have. you always want something else. ang tao nga naman, walang ka-kuntentuhan sa buhay.

pangalawang linggo na akong nabu-buraot sa opisina. sabi ko nga sa mga kasama ko, ang posisyon ko sa opisina ay hanggang doon lang pero kung pagalitan ako ni boss, para akong manager sa laki ng responsibilidad na ipinapatong sa akin. huwaaatt?? akala ko ba dead end career ang posisyon ko sa kumpanya? so what's the reason of staying longer? maybe i just have ONE good reason to stay for now--- the august event. afterwhich, i can go elsewhere. kailangan ko ng advancement, ng growth. pandak na nga ako wala pang growth sa career... wala na! kaya sa ngayon, naghahanap-hanap na ako ng malilipatan para tamang-tama sana ang period of transition. pagkatapos ng piging, sana bago na ang rin ang work environment ko. ok, let me enumerate: i don't have problems with my colleagues, work time, and work location. eh ano ang inirereklamo ko? 1) career dead end, 2) job responsibilities na habang tumatagal ay palabo nang palabo, 3) sweldo na sa ngayon ay sapat pero sa hinaharap ay hindi na (hindi rin ako makapag-ipon ngayon), 4) management style (sorry boss but you need to check on your employees), 5) employee benefits (managers lang ang nabibigyan eg. transpo allowance, communication allowance, meal allowance--- ok, kailangan nila sa trabaho pero kahit saan ko silipin, dapat meron din kami sa opisina. di ko na nga sinisingil yung pang-gas ko pag pumupunta ako sa Mercury at least 3x a month eh!), sige, yun na muna. siguro isang dahilan din yung nagkakaroon ako ng hinanakit paminsan-minsan (na ngayon ay dumadalas) dahil sa trabaho--- i know i can do better but the office "set-up" is limiting me to do just this & that tapos ayun nga, pag nagkakaproblema, pwedeng-pwede akong sisihin. kulang ang sakop na trabaho ng job title ko pero ang pananagutan ay mas lumalawak pala kapag may kapalpakan sa opisina. bakit ganun? paki-spell nga ang UNFAIR? malaya akong magkape maghapon, makinig ng musika sa radyo kahit bawal (huwag lang ubod-lakas) at lumabas ng opisina kung may personal na aasikasuhin, basta tapos lang ang trabaho. ok yun. liberal si boss. pero sa dami ng pending transactions ko, di ko yata magagawa sa mga panahon ngayon ang mag-petiks. maganda rin naman yun kase tama lang na paghirapan ko ang sahod na ibinibigay sa akin. lalo na ngayon na tinaasan na ang personal tax exemption ng mga manggagawang Pilipino. kaya bilang empleyado, dapat din naman tayong maging patas sa employer. pero sana pareho lang na patas ang employer at employee sa isa't-isa, hindi ba? hmmm... anyway, ano ba ang bottomline ng blog entry na ito? bukod sa paglalabas ng saloobin ko sa kasalukuyang trabaho, siguro hindi ko na maisip ang iba pang dahilan. panghuli, nais ko na lamang ibahagi ang ninenok kong quote na nabingwit ko naman mula sa blog ni kath:

“LOVE YOUR JOB, BUT NEVER FALL IN LOVE WITH YOUR COMPANY BECAUSE YOU NEVER KNOW WHEN THE COMPANY STOPS LOVING YOU”

– Narayana Murthy



ang larawan sa itaas ay kuha noong ako ay nagtatrabaho pa sa Sun Cellular bilang Customer Care Specialist, at naka-destino sa Co-location ng DIGITEL-Taytay branch. Ako ang BOSS dyan. Ako rin ang staff. In short, independent ako sa trabaho. I do decision-making and at the same time be responsible for everything else I do. at least magkaroon man ng kapalpakan, wala akong ibang masisisi at alam kong AKO ang responsable sa bagay na yun. Hindi nakatali ang mga kamay ko at malaya akong nakakagawa ng mga bagay ukol sa trabaho sa sarili kong diskarte.

6 comments:

  1. nakakarelate ako...

    gusto ko makahanap ng trabaho na gusto ko, pero ang lumalapit sakin eh yung pinagsawaan ko na...

    mukhang wala akong choice kundi mahalin kung ano meron ako ngayon... mahirap kasi maghanap ng trabaho.

    congrats nga pala sa event niyo!!!

    ReplyDelete
  2. easy lang idol.ganyan talaga ang life.i-enjoy mo na lang ang lahat.

    ReplyDelete
  3. ei thanks gillboard. :)

    about work, yeah, hirap humanap ng trabaho lalo na yung gugustuhin mo kaya nga pag nagkaro'n tayo ng work, sige lang kung hanggang saan mo gugustuhin ang ginagawa mo dun :)

    ReplyDelete
  4. ako din, i just want a job that makes me happy. Kahit mababa sahod basta nag-eenjoy ako, dun ako.

    ReplyDelete
  5. ely opo. mas masasabi mong "hindi trabaho" ang isang trabaho kung nage-enjoy ka sa ginagawa mo. pero minsan, iisipin mo rin na kailangan mo rin pala ng pera. hehehe

    ReplyDelete
  6. agree ako jan aajao! Minsan namili na rin ako between "trabahong gusto mo na mababa sweldo or trabahng ayaw mo or okay lang na mataas sweldo"? pero syempre dun ako sa mataas sweldo. being practical lang kasi kelangan. pero siguro kung mapera lang ako kahit papano, most likely dun na ako sa mababa sweldo basta gusto or or baka nga my business nalang ako kasi yun mas preferred ko. pero sad to think na most people opt to have a job na hindi naman talaga yun ang gusto nila all because of money....

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails