martes. alas tres. nagising ako. ang init kase. nakatulog pala ako kagabi sa sofa pagkatapos makipag-usap kay ayah sa telepono. bukas pa ang mga ilaw sa kusina at sa dining room. gayundin sa kwarto na dapat tutulugan ko. tsk, tsk... di ko naman sinasadyang maging si Asiong Aksaya at katunayan kapag natutulog ay gusto ko na nakapatay lahat ng ilaw maliban sa labas ng bahay na kinakailangang nakabukas.
kagabi ay tumirik ang minamaneho kong Ford Escape. kasakay ko si Ayah at ang kanyang mga magulang. mabuti na lamang at nangyari iyon sa may bandang junction na at katapat namin ang isang battery shop na kung saan eksaktong nakita ang naging "sakit" ng sasakyan. dead battery. diskargado. una nang nagpahiwatig ito nang pumitik ang makina, sabay patay ng cd player at umilaw ang battery indicator sa may dashboard. wow. first time kong masiraan sa isang AT na sasakyan. isa lang masasabi ko: mas sanay pa rin ako na masiraan sa manual transmission. mas madaling itulak. tinawagan ko si itay para lang ipaalám sa kanya ang nangyari sa mahal nyang sasakyan. nang sabihin kong alternator ang problema, iminungkahi nyang igarahe ko muna ang sasakyan hanggang pagdating nya sa katapusan. mahal daw kase ang pyesa ng Ford. at mas mabuti kung sa mismong Ford car center ito dadalhin. mmmm... ok.
nung linggo ay birthday ni untong. salamat sa late dinner treat! na-touch naman kami ni ayah at kami lang yatang dalawa ang taga-ibang lokal na naimbitahan sa kainan. siguro ay dahil sa kakakulit namin sa text. hehehe..
nung saberdey,
muli akong nakabalik sa aking alma mater para pumirma sa attendance sa seminar ng ukol sa summer kindergarten program, at gayundin makuha na rin ang matagal ko nang ni-request na TOR. andaming tao sa school. karamihan sa naroon ay nag-aasikaso para sa summer classes. habang nakapila ako sa cashier window, walang pinakamagandang gawin para hindi mainip kundi ang magbalik-tanaw muli sa panahong kami pa ang mga mag-aaral sa kinaroroonang paaralan. dun ko naisip na ang estudyante, pinaka-alalahanin nya lang ay ang kanyang pag-aaral. at kung paano matataasan ng allowance mula sa kung sino man ang nagpapaaral sa kanya. nag-uusap yung dalawang katabi ko sa pila, yung isa nakakuha ng full load sa summer, yung isa kulang ng tatlong units. hindi raw sya nakapag-advance nung isang subject dahil naubusan na sya ng schedule. sa ganang akin, pag magsa-summer din lang ay pinakamabuti nang mag-full load para hindi masayang ang pamasahe, allowance at oras. maraming pwedeng gawin pag summer pero kung nakapagdesisyon ang isang mag-aaral na mag-aral sa summer, back subject man o advanced, paghusayan na niya ito.
at ngayon nasasabi ko na lagi na hindi biro-biro ang pagpapaaral. sa taas ba naman ng tuition fee. at sa lalong mas magastos na allowance lingguhan o araw-araw. makukuba talaga ang nagpapa-aral. pag nagtrabaho na ang mga estudyanteng ito, saka nila lubusang mauunawaaan na mas mahalagang gumising nang maaga para huwag mahuli sa trabaho (at makaltasan ng sahod), kaysa pumasok kunyari sa paaralan at dumiretso lang naman sa computer shop para mag online gaming. sayang. sayang. hindi naibabalik ang panahon. kung meron mang masaklap na pangyayari sa kasalukuyan ay ang pagsisisi sa nakaraan.
nung college ako, pinangarap kong makapag-part time job sa jollibee. wala lang. para lang maranasan ang paghahanap-buhay pero dahil nga ang mga nalalabi kong taon noon sa kolehiyo ay ginugol ko sa pagsa-summer classes, hindi ko na naranasan ang maging crew sa isang fastfood chain. oh well. ganyan daw talaga ang buhay--- hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. saka payo rin ng itay ko, hangga't kaya ng nagpapa-aral sa iyo, mag-aral ka na lang muna nang mabuti. kung nakapagdesisyon ka naman na huwag mag summer classes, lasapin mo ang sarap ng bakasyon. hmm... may punto.
iba na ang mundo ng isang nagtatrabaho. wala na ang barkadang araw-araw at halos oras-oras mong kasangga sa paggawa ng projects, kahiraman ng notes at assignments, kakopyahan sa exams at kasama sa lahat ng aktibidad sa loob at labas ng paaralan. sa pagtatrabaho ay natututo kang maging independent. kanya-kanyang diskarte, kanya-kanya nang oras. bagaman hindi naman lubusang nawawala ang mga kaibigan, iba pa rin ang mundo sa paaralan at ang mundo ng mga propesyunal. totoong buhay na ito. sariling kayod para sa sariling gugulin. kung hindi ka marunong dumiskarte, magiging isang kayod isang tuka ang buhay mo. kaya kailangan ding matutong mag-impok. sabi nga ng mga langgam, "para sa panahon ng tag-ulan." dyahe naman kung iaasa pa sa magulang ang gastusin gayung may sarili ka nang pinagkakakitaan, di ba? ang buhay. habang tumatagal, parang mas lalo mong gustong bumalik sa simpleng kabataan. yun nga lang. hindi na pwede. kaya dapat ay naging matalino ka sa kabataan mo. para kapag nagbalik-tanaw ka, hindi ka mahihiya sa sarili mo at masasabi mong marami ka nang narating kahit bata ka pa lamang.
CONGRATULATIONS at good luck sa mga bagong nagsipagtapos! Congratulations din sa lahat ng mga magulang na nagsikap magpa-aral para lamang mabigyan ng disenteng edukasyon ang mga anak. :)
Tuesday, April 08, 2008
samu't-sari
story told by
aajao
at
3:19 am
Labels: college, contemplating, life's like that, occasion
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Aba, parang talumpati sa pagtatapos. Ganyan talaga ang buhay, parang isang mapagpalayang buntunghininga! :p
ReplyDeleteHi aajao! Hindi mo ako kilala pero cyberfriend ko si ederic, kaya nabaa ko ang mga posts mo sa blog nya. Anyway, nabasa ko na galing ka palang Canada, kasi nandun ang buong family ko tsaka ako syempre. Hehe. So pano, balitaan na lang ha. Wala namang masyadong bago ditong news, walang exciting, except this morning ang news ay tungkol sa around 270 million dollars infusion sa healthcare system ng bansa, spearheaded by the Minister of Health, George Smitherman, na nakakatuwa kasi na-meet namin ang anak ko minsan sa isang elevator, kinumusta nya yung anak ko na nasa elementary pa non, tinanong kung anong school tsaka sinabi na malaki ang funding sa school na yon ng catholic school board (kasi nga nagkaroon sila ng bagong building, as in giniba yung old building at ginawang bago). Kaso, nasa news din na gay pala sya, pero walang kaso yun, di ba? O sige, nakikipag friends din lang! :)
ReplyDelete