Thursday, February 28, 2008

Bihasa Sa Pagtitiis Ang Mga Pilipino

Panimula
halos nakakabingi na ang paulit-ulit na isyu ngayon laban sa pamahalaang Arroyo. pero kung gaano itong mga "patalsikin si Gloria" movement ay masigasig sa pagbibigay-pahayag ng kanilang saloobin, kapit-tuko naman ang administrasyon sa pwesto kahit ubod na ng ingay ang taumbayan sa pagkwestiyon sa diumano'y katiwaliang pinapasok ng kasalukuyang pangulo ng bansa at mga kaalyansa nito.

"Hello... hello, Garci?"
nagsimulang mayanig ang administrasyong arroyo nang ipiniyok ng isang dating deputy director ng NBI na may matibay siyang ebidensya (at nasa kanyang pag-iingat) ukol sa usapan ng pangulo at ng dating COMELEC Commissioner. Ang usapang ito ay ukol sa "pagmanipula" diumano ng pangulo sa magiging resulta ng pambansang halalan. dahil dito, pumalag ang sambayanan at nakumbinsing kwestyunin ang pagiging lehitimo ng pagkakaluklok ng kasalukuyang pangulo ng bansa. ito ay agad namang sinakyan ng mga maka-kaliwang grupo, sumuporta sa oposisyon, at hinimok ang pagbibitiw sa pwesto ng pangulo.

bago pa man ito, isang kontrobersyang kinasasangkutan ng unang ginoo ang nagbigay na ng lamat sa administrasyon--- ang isyu ukol kay Jose Pidal. subalit hindi kasing alab ang reaksyon ng sambayanang Pilipino tulad nang lumabas na ang isyu ni "Hello, Garci?" lalong nagwala ang taumbayan nang bitiwan ni Pangulong Arroyo ang maituturing kong pinaka-panalong tatlong-salita ng taon (2005): "I am sorry." guilty na, hindi pa rin?

NBN-ZTE controversy
fast forward to the present... eto ngayon ang masasabi ko, ayon sa aking nakikita, na isyung tila may patutunguhan na wala. mas maraming tao ang nahihimok kumilos kumpara sa iba pang "anomalya" ng administrasyon at mga may kaugnayan dito pero parang hindi rin magkakaroon ng resulta na papabor sa mga taong nais bumitiw sa pwesto ang pangulo. tignan na lang natin ang magiging resulta ng interfaith rally bukas. Bakit may pagtitipong ganito bukas? Paghahanap ng katotohanan. Sumikat na nang husto higit pa sa isang umuusbong na artista ang pangunahing saksi sa pagdinig ng kaso sa NBN-ZTE deal pero mukhang pinipigilan pa rin ang paglabas ng katotohanan sa likod ng isyung ito. pero bakit ganun, sa isang panayam sa radyo ng pangulong arroyo, inamin niyang alam niya ang iregularidad ng nasabing proyekto pero hindi na diumano niya nagawan pang pigilin ito? akala ko ba ayon na rin sa kaniya, "ako ang pangulo ng bansa at walang iba." pero ano yun, guilty na, hindi pa rin?

Sayang, Madame President
sa mga kumandidatong pagka-pangulo ng bansa noong 2004, si pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang pinaka-kwalipikado kung pag-uusapan ay edukasyon at karanasan sa pagiging opisyal ng pamahalaan. SANA. anong nangyari sa ekonomistang Pangulo? Oo, tumaas ang halaga ng piso. Pero para sa akin, mas tama yatang sabihin na bumaba ang halaga ng dolyar. Isa kase itong indikasyon ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, pero hindi ito lang ang batayan. at yun nga, bumaba ang halaga ng dolyar. alam naman nating lahat na ang pag-unlad ng bayan natin ay hindi makakamit sa isang pagtulog at paggising kinabukasan pero napa-plastikan ako sa patalastas sa TV kapag napapanood ko at naririnig ko ang mga talents na binayaran para magsabing "damang-dama ko ang pag-asenso." huwaaaatt?? inutil nga ang pamahalaan sa pagpapababa lang ng presyo ng gamot sa bansa. nakakapagngitngit pa na ang korupsyon ay hindi naitatago sa publiko--- naisisiwalat at nabubuko ito ng media. nasa pagmumukha na ng taumbayan ang katiwalian, wala pa rin!

"Gloria Resign"?
sa ganang akin, hindi ako sang-ayon sa Gloria Resign na panawagan ng ibang mamamayan. dahil sigurado ako siyento por siyento, ayaw din nila (mga nananawagan sa pagbibitiw ni Arroyo) kay Kabayang Noli De Castro na kung susundin ang saligang batas, siya ang pinakatamang pumalit kay PGMA. babuyan na lang ng Konstitusyon ang tinatahak ng kilusang ito. Marahil kaya hindi mabuo ang pag-aaklas ng bayan laban sa kasalukuyang administrasyon, walang ipapalit sa kaniya sa kasalukuyan. nakikiisa ako sa pananalangin ng mga mamamayan sa paglabas ng katotohanan, ksabay ng pagkakaroon na ng kapayapaan sa bansa. dahil bagama't bihasa sa pagtitiis ang mga Pilipino, napapagod rin ito. nakakapagod na ang EDSA Revolution. Nakakapagod na ang katiwalian. Nakakapagod na ang pagtatago ng katiwalian. Nakakapagod na ang pulitika. Nakakapagod nang malaman na ang buwis na ibinabayad ng maliliit na mamamayan ay winawaldas lang sa walang kabuluhang gastusin ng pamahalaan. Maraming Pilipinong dapat pakainin, bigyan ng edukasyon, tirahan at trabahong makakasapat sa pagtawid sa mahirap na pamumuhay. Nakakasawa na. Malimit kong sabihin, hindi Pangulo lamang ng bansa ang makapagpapaunlad ng isang bansa--- tulong ng BAWAT ISANG mamamayan ang makapangyayari rito. sabi nga ng isang sikat na pangulo ng bansa: "huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng gobyerno para sa iyo, itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa gobyerno." kung sa bawat pangulo ng bansa ay hahanapan na lang natin ng mali, wala tayong mararating. sige. kaninong administrasyon ng Pilipinas ang hindi nangurakot? . . . . . . . . . ? nakita na ninyo? ngayon, bakit pa tayo mag-eeleksyon kung bawat hindi natin maibigan sa pwesto ay basta na lang natin tatawagan ng pagpapatalsik? hilaw pa tayo sa demokrasya. hindi pa tayo marunong lumasap nito. akala ng marami katumbas ng salitang demokrasya ang pag-abuso. mali e.
- - - - - - - - - - - -
marahil kung alam lang ni PGMA na magsasalita pa ng kung anu-anong laban sa kaniya si Erap, hindi na niya sana ito binigyan ng pardon. isa na namang sayang. ang nakita kase (marahil) ni PGMA sa hakbang na ito, na siya ring basa ng ilang mga senador, magbubuklod ito at maghihilom sa krisis-politikal ng bansa at kahit paano sana ay makausad tayo sa isang tila kumunoy na pumpipigil sa ating umabante patungo sa mga bagay na may mas kabuluhang harapin. yun na lang din ang tinignan kong positibo sa pangyayaring iyon bagama't sa pakiramdam ko ay merong hindi tama sa Erap pardon . at eto na nga yung pakiramdam kong hindi tama... nangyayari na. nawalan rin kase ng kabuluhan ang hakbang na iyon ng Pangulo para sa dating Pangulo. hindi lamang umasim ang reaksyon ng taumbayan na anti-Erap, marahil ngayon ay inuuntog na ni PGMA ang ulo niya sa pader. panawagan kay Erap: tama na po.

Pangwakas
Maganda ang bansang Pilipinas. Mayaman sa likas na yaman. Masayahin at likas na matulungin ang mga Pilipino. Masisipag ang mga mamamayan at kayang mabuhay sa gitna ng matinding kahirapan. Lumalaban. Malakas ang loob. Punung-puno ng pag-asa. Ilang Pilipino ang matatanong mo kahit saan na gusto ng pagbabago. Pagbabago sa alin? Tayo rin ang makasasagot. At ang kasagutan ukol dito ay makakamit lang natin kung sa ating mga sarili sisimulan ang pagbabago.

mga reperensya:
Cory Aquino and Gloria Arroyo: The story of an eroded alliance
Hello, Garci?
Scandals in the (First) Family
Interfaith rally seen to draw 50,000 shouting for 'change'
Senators laud Erap pardon as 'unifying' act

1 comment:

  1. I rarely read posts written in tagalog because I'm not good at reading long tagalog texts, but I like some of your insights.

    About changes though, I don't think it's as simple as you think. I'd love to dedicate some time explaining this, but there are those who already wrote that in length. Caffeine Sparks, for example, has an excellent post about this change.

    http://caffeinesparks.blogspot.com/2008/03/in-defence-of-public.html

    Yeah, a lot of things have to change, but whenever I see Vilma Santos say "ngayon ang panahon ng pagbabago" nandidiri ako. Hahaha

    Good evening.

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails