Sunday, September 30, 2007

samu't-sari

Oktubre na bukas. Nakabinbin pa ang CMV. Sira na ang tsinelas ko. Buwanang ulatan ngayon. Isang linggo na lang ang kasamahan ko sa trabaho. Bawal magkasakit. Kailangan ko ng pera. Magpadala ng electronic mail kay Mike. Maglinis ng kwarto, baka meron nang nakatirang sawa. Bawasan ang paglamon. Mag-ehersisyo. Paborito kong araw (dapat) ang Sabado, pero kamakailan malungkot ang mga araw na ito. Abala si ayah :( . Malapit nang magbukas ang SM sa Taytay, tara na! Wala nang may galit sa akin (sa abot ng aking kaalaman). Pinatay ko na ang twitter account ko. Nagtanggal ng ilang friendster comments. Nakatitig sa mga nakabinbing Friendster friend requests. Marami akong guapples sa ref. May utang pa akong kofi session sa magkapatid na Chie at Faith. Hindi ko pa napupuno ang Figaro stamp card ko. Wala pang Kopibun EB. May magbabayad ng utang sa akin. Gusto ko na ng baby. Tara, kape tayo!

5 comments:

  1. hehe tukayo, ayos ang samu't sari mo. mukhang masyadong random. same as you, nag delete ako ng comments at friends sa friendster hehe.

    oo nga, gawa na ng baby :-) hehe. happy weekend

    ReplyDelete
  2. hehe... ang aga mo tukayo. at bigla kong naalala, antagal ko nang nakababad dito sa net. hehe.. kailangang gawin yung isang "random item": maglinis ng kwarto. hehe... ciao!

    ReplyDelete
  3. wow this is very random hehehe.
    kuya, buti nkktulog kp sa kwarto mo! :D nyay

    ReplyDelete
  4. ^ hehe.. actually sa couch ako natutulog dun sa living room namin. :P

    ReplyDelete
  5. Walang kuwentang comment: nagugutom ako. :p

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails