kani-kanina lang ay nagtatawanan kami dito sa opisina. ang paksa ng usapan: jackstone. sinong bata ang hindi nakapaglaro nito noon? (nilagyan ko ng "noon" dahil ipinapalagay ko na mas 'in' ngayon sa mga kabataan ang mga online games sa computer)
lalo pang tumindi ang tawanan namin nang mapag-usapan ang mga exhibitions ng larong ito. kung ano ang mga katawagan at kung paano ginagawa ang mga ito.
ilan ba ang natatandaan ninyong mga 'exhibitions' ng jackstone?
* falling star
* double falling star
* around the world
* lollipop
* train
* period
* question mark
* check
* kamatis
* ober da bakod
* palaka
*
*
*
*
... at marami pang iba..
Tuesday, April 03, 2007
balik-tanaw sa kabataan
story told by
aajao
at
10:30 am
Labels: lighter side of life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Wow! Master ka pala ng jackstone. Pang World Cup pa yata. :-)
ReplyDeletehaha! nakakatuwa lang balikan mga laro nung bata pa. dami pa nyan... jolens, tex, syato, patintero, kahit nga chinese garter hehe... di na yata alam ng mga kabataan ngayon yan. agawang-base the best! ikaw ano paborito mong laruin noon?
ReplyDeleteYung first four tapos yung ober da bakod, alam ko. Pero hindi ako marunong. Nakikinuod lang ako.
ReplyDeleteMeron pang block 1-2-3, sikyo, bang-tsak, langit-lupa, trumpo, trumpilyo (yung maliit na trumpo), shake2x shampoo, nanay-tatay, habulang gahasa (?), reyp-reypan(??), bahay-bahayan(???), away-gulo, square, batuhan ng plastik na may pusali, loko lang.
^ loko kayong mga bata kayo! reyp-reypan? habulang gahasa?? hahaha! sigurado nakakaenjoy gawin yan. haha! eh yung kapaan, naglalaro rin kayo nun?
ReplyDeleteMay "katok" ata. Medyo mali pagkakaintindi ko sa katok. akala ko may 6 levels yung katok, una, isang beses lang katok tapos, 2 tapos 3....
ReplyDeleteSakit tuloy ng knuckles (pucha ano tagalog dito?! haha) ko. Yun pala isang katok lang talaga. Astig yung parang cave. yung sweeping motion lang yung pwede. hehe. Tapos yung ginagawa para malaman kung sino mauuna - yung padamihan na masasalo sa ibabaw ng kamay lagi ako nanalo kasi malaki kamay ko. lololol.
what the hell?! kapaan?! where the hell were these games when i was growing up!? hahahaha
ReplyDeleterepost: pano yung kamatis?
ReplyDelete(may pa moderate moderate pa kasi e, nabubura naman :p)
benj di ko alam yung katok.. hmm.. you should have played kapaan. maganda yun laruin kung marami kayo. yung taya naka blindfold. yung mga kalaro mo eh nakakalat sa kung saang lugar, hahanapin sila nung taya at pag may nakapa syang tao, kakapain nya mula ulo hanggang paa at huhulaan kung sino yun.
ReplyDeletepag nahulaan nya, yun naman ang taya.
pwede kang lumipat ng kakapain kung halimbawa ikaw yung taya at pagkapa mo sa ulo pa lang eh di mo sya type, lipat ka sa iba. hehehe..
jawee wala talaga yung una mong comment eh. sorry. sa blogger na nga ako nagve-verify ng comments para siguradong di ko ma-delete sa email.
ReplyDeleteanyway, yung kamatis eh hindi challenging. pag talbog ng bola, popormahan mo lang na parang kamatis yung star sa ilalim nung kamay mo. may counterpart din yun: yung "kalamansi". ang siste naman nung kalamansi, pipigaan mo yung star sa ibabaw pag talbog nung bola.
wahahaha...okie sa mga blogs ah?!?!?! at xempre ang mga topicc makukulit!!!!wala ka nanaman cgurong magawa noh?!?!hehehehe happy vacation!
ReplyDeleteKapaan? Sounds scary. haha :p Eh alam mo ba yung chinese jackstone? Yung 5 na maliliit na "sand bags" tapos yung "pato" yung ibang kulay?
ReplyDeleteMagaling ako sa black 1-2-3 tsaka agawang base nun! Pero hindi sa shake-shake shampoo kasi di ako marunog kumembot! wahaha :p
nakakaawa ang isang tulad ko.. di ako marunong nyan!! hahaha saklap
ReplyDeleteIbang iba yung jackstone samin - next level yung katok after the basic eh. Basically, kakatok ka once sa floor before picking up the ball.
ReplyDeleteChinese jacktone mas astig - at masmadali. hehe
Shato paborito ko nung bata ako eh. Educational! Hand eye coordination meets geodetic engineering. haha
Leni (wow, andaling i-type ng username mo, hehe)..
ReplyDeletenakikita ko yata yung larong chinese jackstone pero di ko alam laruin yun hehe.. pati yung black 1-2-3, paki-refresh naman baka alam kong laruin, iba lang ang tawag namin :P
shake-shake shampoo? di rin ako marunong nun. di nga ako makapag-paikot ng hulahoop sa baywang eh hahaha!
dex naku ang sarap laruin nung mga larong nababanggit dito sa comments. hindi pa naman huli ang lahat, may pagkakataon ka pang maglaro hehe..
ReplyDeletetongis bespreeeeennn!!! gawa ka rin ng blog mu!
benj fixed ba yung exhibitions sa inyo? kami kase kung ano lang maisip namin eh. pero usually ginagawa yung falling star sa bandang huli. hehe.. haalala ko na yung katok. masakit nga yun sa knuckles (ano nga bang tagalog nito? haha!)
ReplyDeletesa syato naman, natuto akong mag-prolong ng sigaw at tumakbo nang matulin. ibig sabihin, lagi kaming talo, hahaha!
(Hehe. Binilang mo ba dati yung I? :p )
ReplyDeleteYung Chinese jackstone, mas mahirap. Kasi obviously, hindi mag-bounce ang sandbag kaya dapat mabilis ka. hehe :)
Black 1-2-3 yung may 2 teams tapos may tig-isang base. Kelangan mo tumakbo ng malayo at wag mahabol nung team na taya or else, dun ka lang sa base nila at mag-aantay ma-rescue ng teammates mo.
Shake-Shake Shampoo - Pang-girls at kinda girls lang ata 'to eh! Pag na-tag ka ng taya at sasabihin nya SHAKE, you have to shake what your momma gave ya'. Hehe. Pag nahuli ka nya di nagshake. ikaw na ang taya. Pero pwede ka din marescue nung iba pag ti-nag ka at sinabing Shampoo. Pero pag ayaw ka ng mga kalaro mo, walang magsa-shampoo sayo tas babantayan ka ng taya hanggang mapagod ka na kaka-shake. :p
BENJ at NONOY,
Alam nyo ba ung exhibition sa jackstone na Ferris Wheel ha? Ibang level yun. hehe :D
Yup, fixed. Parang multi-level game yung jackstone na alam ko. May set sequence ng tricks tapos pag natapos mo bago matapos ng iba, edi panalo ka na. hehe
ReplyDeletedude, parang di na tama kung maglalaro parin yung mga naglalaro dati ng kapaan ngayon. wahahahahaha
Leni hindi ko na nabilang yung "i" hehehe... yung black 1-2-3 eh hindi ba yun din yung agawang base?
ReplyDeletemeron kaming nilalaro nung mga kaklase ko nung elementary tuwing lunch break. parang agawang base din pero ang tawag namin ay "V". uso kase yung TV Sereis na V noon. yun eh kung kasama ka sa kids of the 80's, alam mo yung V na TV series. hehe..
benj mukhang pambata lang talaga bagay yung laro na "kapaan" haha! iba na pag nilaro pa ng matatanda yun, hindi na magandang tignan.
ReplyDelete20th comment, woohoo!!! (first ever post na umabot ng 20 comments) thanks to all of you who interact with me. libre ko kayo ng iced tea pag nagkita tayo! :)
Ayan! 21 na! Magkaiba sa amin yung Agawang Base tsaka Black 1-2-3 eh. :)
ReplyDelete^ anong difference po nun? pagkaka-describe mo kase sa isang comment dito (17th comment - uy, magbibilang sya hehe), parang pareho lang nung mechanics sa agawang base...?
ReplyDeleteyung black 1-2-3 samin, aimless yung pagtakbo mo, which makes it harder. kasi wala kang goal puntahan. tatakbo ka, hahabulin ka nila. the goal is to make it back to your base without getting caught. tapos kasali sa goal yung kelangan mo tumakbo every ilang minutes or else, automatic "prisoner" ka sa base nila.
ReplyDeleteYung agawang base, yung goal mo ay makapunta sa base nila. pero haharangin ka nila bago makapunta dun.
ahehe. magulo. basta. ganun. :)
^ uhm... ok i see the difference. yung sinasabi kong laro namin nung elementary tuwing lunch break, it's more of a block 1-2-3. walang direction ang takbo, habulan nang habulan at may dalawang magkalabang base :p
ReplyDelete