Thursday, December 29, 2005

update naman

busy sa lokal. tinatamad akong mag-update. maraming nangyari pero marami ring trabaho. naghahabol kase ng orders ang mga distributors namin at magkakaroon ng price increase sa ilang mga produkto namin sa susunod na buwan. malaki ang benta namin ngayong Disyembre. Marahil sa lamig ng panahon. hehehe...

* * *

Schedule

kahapon - nagkita kami nina pareng Ker at L-ey sa Mocha Blends sa Pearl Drive. dumating din si Mia at nalaman kong taga-Kamuning pala siya (si Mia)
December 29 - makipagkita kay Kila at samahan siya sa Bel Air
December 30 - i-"treat" ang mga kapamatok sa kapisanang KADIWA
December 31 - tumupad ng mga tungkulin sa lokal
January 1 - mangasiwa sa PNK at umuwi sa Pampanga
January 2 - balik-trabaho, manood ng Ako Legal Wife kasama si Mariel
January 3 - manood ng Kutob kasama si Cool Lani :) (hindi pa ito confirmed)
January 8 - (tentative pa ito) pumasyal kasama ang barkada at si Froggy Buddy...

teka lang, dumating na yung lunch namin. kakain muna ako...

... a f t e r l u n c h ...

ayan. nagtext si friend. mon or wed na lang daw yung muvi date namin. so, pinili ko ang Miyerkules kase may ensayo kami ng Lunes. Kaya siguro, Tuesday na lang yung muvi date namin ni Cool Lani (kung pwede sha)

* * *

may nadiskubre akong masarap na popcorn dito sa may amin. ang business name ng gumagawa ay Holy Kettle Corn. suger-free, no cholesterol, at super yummy ang lasa. sayang. kung kailan malapit na kaming umalis dito sa ortigas, saka ko lang nalaman na masarap pala sya. dati ko lang dinadaan-daanan ito kapag pupunta ako sa kabilang opisina. at kahit bumibili lagi ang pinsan kong si Roi, hindi ako naging interesadong tikman yun. kamakailan lang. hayy...

* * *

naka-chat ko kanina si bayaw at ang dalawang pamangkin ko na pinapayagan nang humarap sa computer. may kanya-kanyang email addresses na nga ang dalawang mokong. nasilip ko sa webcam ang bunso kong pamangkin at parang gusto ko nang lumipad papunta dun, bukas na bukas din. hehe... parang nasa Cubao lang, eh, ano?

* * *

nag birthday si inay at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag date. sa new year na siguro matutuloy ang date namin.

naalala ko tuloy, niregaluhan ko ang sarili ko nitong nagdaang linggo, matapos kong makuha ang bonus ko. sa mga susunod na entry ko na lang ikukwento kase gusto ko, may larawang kasama sa kwento para mas ok ang pagbabasa, diba? basta para sa akin yun. isang simpleng bagay, pero mahalaga at nakakaaliw.

* * *

gusto kong makarating sa Cebu, anong petsa na???

3 comments:

  1. hindi ginawang 31 ang pnk nyo?

    ReplyDelete
  2. hay naku friend, siguro kung mag-a out of town ako, Cebu talaga ang target ko. Pero hindi ako pwede sa Feb. Uuwi mga auntie at uncle ko from California, so maybe sa summer na itong "escapade" dreams ko..

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails