Monday, November 14, 2005

kwentong kape (na naman) at iba pa

hindi pala tama yung inilagay kong kaayusan dito ng mga paborito kong tambayan kapag ako ay nagpapaka-adik sa kape. Kaya pala parang may kulang. narito ang tinutukoy ko:

sa dating naisulat na 5 Coffe Shops (in order of preference), dapat palang mawala ang isa sa mga nasa huling TATLONG pwesto: Seattle's Best, Mocha Blends o Frio Mixx. Sapagkat, ang nagmamay-ari ng ikatlong pwesto sa nasabing kofi-tambayan ay walang iba kundi ang The Coffee Experience. Dito kami madalas uminom ng hot chocolate ni friend.

hmm... alin kaya ang magandang sipain sa listahan? Siguro yung mahal na lang--- Seattle's Best. hehehe.. pero kung ako papipiliin sa pagitan ng Starbucks at Seattle's Best, dun ako sa huli. walang pagtatalo dun.

* * *

ikakasal na pala sina Laine at Christian sa Nobyembre ng susunod na taon. Masaya ako para sa dalawa. nakita ko kase kahit paano yung naging hadlang sa pagsasama nila noon bilang magkatipan, mga naging suliranin na karaniwan namang nararanasan ng mga magkatipan at kung paano nila ito napagtagumpayan. sa huli, sila pa rin ang matatag na magkasama at dumating na nga ang sandali ng paghingi nila ng basbas sa Panginoong Diyos para sa isang baytang ng kanilang buhay--- ngayon bilang magkaisang-dibdib, bilang mag-asawa.

Si Lalaine ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Karen sa Mississauga.
(Salamat kay Christian sa litrato sa itaas, mula sa kanyang xanga profile)

4 comments:

  1. bakit ako di mo niyaya magkape? hmm.

    ReplyDelete
  2. ivan, kase gusto ko pag ikaw kasama ko, sa Cafe Breton tayo. syempre treat mo. hehehe...

    ReplyDelete
  3. bakit ganon? pag ako, di mo ko treat, sila treat mo? hmp.

    ReplyDelete
  4. hahaha! baka maraming violent reactions tungkol sa sinabi mo. hindi kaya ako nanlilibre. laging KKB ang kofi session. ;)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails